Patnubay nang Cabataan ó Talinhagang Buhay ni Eliseo at ni Hortensio | Page 2

Joaquin Tuason
namamalisbis na manacanaca
sa mata ang lalong mapait
na luha.

Anaqui ay ualang matutuhan gauin
lalacad nang munti, at saca titiguil,

uupo sa cahoy, papagdadaupin
ang dalauang camay, labi,i,
cacagatin.
Itong tauong lipos nang dalita,t, dusa,i,
marilag ang tindig na
caaya-aya,
ang tabas nang muc-ha,i, caliga-ligaya
at buháy na
buháy ang daluang mata.
Noo,i, maliuanag, malago ang buhoc,
mapula ang pisn~gi, ilong ay
matan~gos,
ang guitling nang liig ay calugod-lugod,
daliri,i, maliit
at sadyang bibilog.
Ang dibdib ay buo, paa ay cabagay
nang ugaling laqui nang
pan~gan~gatauan,
malicsi ang quilos; n~guni,t, namamasdan
na
nahahalo rin ang cabanayaran.
Sa caniyang lagay ay mapaghuhulo
na may catiisan siyang catutubo

baga ma,t, cung minsan ay tila susuco
sa dahas nang dusang
nanaca sa puso.
At sa muc-ha niya,i, mapag-uunaua
nang macaquiquitang siya,i,
batang bata
cahit nalilipos nang hindi cauasa
at lubhang maban~gis
na pagdaralita.
Sa guitna nang saquit niya,t, pag-iisa
humahanap mandin nang
macacasama,
ang boong acala ay cung maihin~ga
maiisban-isban
ang tindi nang dusa.
Di caguinsaguinsa siya,i, nacarinig
nang yabag nang paa sa dacong
malapit,
agad natilihan, at ang sumaisip,
ito,i, capara cong may
sucal sa dibdib.
Mapamaya maya lamang ay naquita
ang quinaugitlahang hinabol
nang mata,
pagdating sa harap niya ay nagbadya
«¿Eliseo,i, baquit,
at narito ca?»

«Salamat, Hortensio, catoto cong liyag
at natagpuan mo acong lipos
hirap,
sa lagay na yari ay humahaguilap
nang isang gaya mong may
loob na tapat.
«At aquing bubucsan laman niyaring dibdib
na pauang dalita,t,
suson-susong hapis,
diua ay uala nang lunas na macapit
sa
binilogbilog nitong sang daigdig.
«Caya naparito,i, aquing linilibang
ang dusang habilin nang mama
cong hirang,
tila tumatangui sampong calan~gitan
umalio sa aquing
pusong nalulumbay.»
«Houag magca-gayon, anang bagong dating,
laganap ang aua nang
Dios sa atin:
pacaasahan mong hindi magmamalio
ang dating
calin~ga sa nahihilahil.
«Caya sabihin mo ang puno at ugat
niyang dalita mong sa muc-ha,i,
nalimbag:
isinusumpa cong caramay mo, liyag,
ang bagong catoto,
bagama,t, di dapat.
«At cung sacali ma,t, sa sang lingo lamang
pagquiquilala ta, Eliseong
hirang,
sumapanatag ca,t, iyong namamasdan
ang uri nang aquing
pag-ibig na tunay.
«Tahas na uica cong malayong di palac
sa abang Hortensio ang
gauang magsucab,
lalo,t, sa para mong sa aqui,i, nagligtas
doon sa
nagnasang buhay co,i, mautas.
«Yaring boong buhay alan~gan pa mandin
ibayad sa iyong
paglin~gap sa aquin,
dahil sa tulong mo,i, siyang nacapiguil
sa
camatayan cong biglang sasapitin.»
«Cung gayo,i, halica,t, tayo,i, mag-agapay
sa lilim nang cahoy na
lubhang malabay:
di lamang ang dusa cundi boong buhay
ang
sasalitin co,i, mangyaring paquingan.

«At ligaya co nang iyong matalastas
ang buhay na yaring silo-silong
hirap,
nang ang paglin~gap mo,i, siyang maguing lunas
na lubhang
mabisa sa pusong may sugat.
CAPÍTULO I.--_Ang magandang asal na dapat pasimulan mula sa
cabataan_.
«Sa Limang[1] capital nang Perúng calac-han
masaganang ciudad
nang maraming yaman;
siyang naguing palad na quinamulatan

niring man~ga matang sa pagluha,i, laan.
Nanariua n~gayon dini sa gunita
ang camusmusan cong quinandong
nang toua;
man~ga magulang co,i, ang laquing adhica
masunod ang
aquing balang ninanasa.
Caya,t, ang uica co,i, sa buhay nang tauo,
oh catotong ibig, guilio na
Hortensio,
ay maicacapit ang n~galang paraiso
sa buhay nang
batang bago pa sa mundo.
Sapagca at ualang munting ala-ala
sa gutom at puyat, sa dusa,t,
pan~gamba;
loob ay payapa, laguing nagsasaya
sa inang
candun~gan na nagcacalara.
Ang lahat nang bagay sa sang daigdigan
pauang naghahandog nang
caligayahan,
di nagugunita yaong camatayan
quiquitil nang buhay
sa sang catauhan.
Balang macaquita ay nan~galulugod
at catuoa-toua ang lahat nang
quilos,
pagca palibhasa,i, malinis ang loob
at ang cumacasi,i, ang
gracia nang Dios.
Ganito ang aquing dinaanang buhay
nang cabataan co cay inang
namatay:
¡oh cung mangyayari sanang pagbalican
ang cauili-uili,t,
mapalad na arao!
Di co na nalasap ang layao cay ama,
yayamang hindi co siya

naquiquilala,
icalauang taon nang edad cong dala
siyang
pagcamatay aco,i, nan[)g]ulila!
Nang aquing sapitin icapat na taon
pan~gun~gulila co,i, lalo pang
nag-ulol,
ang masintang inang lubhang mapag-ampon
binauiang
buhay nang Dios na Poon.
Sa pagpipighati di lubhang nalugmoc,
palibhasa aco,i, cabataang
puspos,
natuyo ang luhang sa mata,i, naagos,
ang ama co,t, ina,i,
lubos na nalimot.
Naguing parang ama na nagcacalin~ga
capatid na bunso nang ina
cong mutya,
ang pagpapalayao ay cahan~ga-han~ga
sa palad cong
yari na napaca-aba.
Ang mama cong ito,i, isang bagong tauo,
ang edad na dala ay
dalauang puo,t, pito,
may loob matanda at di nagugulo
sa man~ga
dalagang paroo,t, parito.
Pan~gala,i, Prudencio, banayad ang asal
at sampo nang quilos ay
hindi magaslao,
mahusay man~gusap naman at magalang
sa
cahima,t, sino na macapanayam.
Ualang pan~galauang magturo,t, humatol
sa nasasalatan, para co
n~ga n~gayon,
dunong na umalio sa nalilingatong,
sa ulila nama,i,
lubhang mapag-ampon.
Sa boong maghapo,i, hindi nauaualan
nang quinacalin~ga na
caabalahan,
at namamahala sa naiuang yaman
nang man~ga nuno
cong caniyang magulang.
Pagdating nang gabi aco,i, tinatauag,
at tinuturuan nang gagauing
dapat,
caya sa puso co,i, dili nacacatcat
ang aral nang aquing
mamang liniliyag.
Nang aco,i, arala,i, bata pang maliit
nang dapat asalin nang tauong

may bait:
pinan~gun~gunahan aco sa pagsambit
sa n~galan nang
Dios, lumic-ha nang lan~git.
Sa touing umaga, ay bago co lisan
ang lubhang malambot na aquing
hihigan,
unang babatii,t, pasasalamatan
ang lan~git sa dilang
biyayang quinamtan.
Pinag-iin~gatan ang bata cong dibdib
na houag sayaran nang sa
salang dun~gis,
at lagui na acong pinapananalig
sa aua ni Mariang
Inang matangquilic.
Tacot ay di gayon nang mama cong irog
aco ay mahilig sa may
lasong lugod,
na ipinapain sa bata cong loob
nang marayang
mundong madaling matapos.
At sa aquing puso ay ipinupunla
pagsinta sa Hari nang lan~git at lupa,

gayon sa sarili, at sa tauong capoua,
saca ang maganda,t, loob
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 19
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.