ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian nang tig-isang salin ang man~ga nahalal, na pipilmahan nang Puno, nang man~ga tagapagsiyasat at n~g Kagauad.
Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay ang pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g Tribunal, capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at Kagauad na nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin man sa nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g caramihan.
38.--Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay dadayo at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang bilang n~g botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.
39.--Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal.
Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.
40.--Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at magsigasig n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang caniyang tinatayuan.
41.--Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin.
42.--Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatay?, Catiuala ó matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may pagtin~gin sa sariling cagalin~gan.
43.--Sa unang arao n~g baua't taon ay man~gagtitipon ang man~ga Tagatayó sa calooban (capital) n~g República at gagauin ang hayag na pagbubucas nang Kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas n~g Presidente n~g República nito ring Presidente, ó di caya'y n~g Presidente n~g Kapisanan cundi taon n~g pagbabago.
Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa nasabing arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon. Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan.
Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.
44.--Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na taon, at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g bagong Tagatayo.
45.--Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.
Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao. Sa susunod nang taon gagauin, pagcatapos nang pagbubucas, ang m~ga quinacailan~gan sa pagpapasiya sa m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayóng maharap na bago.
Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.
46.--Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may capangyarihan sa ano mang paraan.
Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang Paniualaang ipalagay nito ring Kapisanan. Ang m~ga habla sa ano mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang hahatol ay magpapasabi sa laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap ay di macahaharap sa m~ga pulong nang Kapisanan hangan di maquilalang siya'y ualang sala.
47.--Ang man~ga capangyarihan nang Kapisanan ay ito:
Una. Cupcupin at itangcacal ang man~ga catuirang quiniquilala sa mamamayan nitong Panucalá at pan~galagaan ang ganap na catuparan nang cautusan sa pagbaban~gon at iba pá.
Icalaua. Kumathá n~g m~ga cautusan, magpaliuanag sa m~ga cahulugan nito at paualan n~g bagsic ang m~ga naquiquilalang lipás na.
Icatlo. Ilagay sa catungculan ang mahalal na Presidente nang República capag nadin~gig ang unang Calatas nito sa pagbati.
Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa m~ga taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailan~gan bago pairalin ang ano mang digma.
Icalima. Magbigay ó tumangui sa capahintulutang quinacailan~gan upang macapasoc ang m~ga sandatahang taga ibang lupa sa nasasacupan nang República.
Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong n~g Presidente n~g República ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.