n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang m~ga may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan n~g lahat ay hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring inin~gat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram n~g pananalig n~g bayan.
Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal nang paghahalal.
Saca itatanong n~g Puno sa m~ga caharap cun may ibig mag saysay n~g pagsusuhulan sa paglicom n~g botos, at cun mayroon ay sa oras ding yao'y palalaguian n~g ganap na caliuanagan at catotohanan, na hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa. Cun totoo ang hablá ay aalisan n~g capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino pamulpugan n~g casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag ban~gon n~g paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino man.
Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang alin man sa manga caharap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang lalong matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang macasasalangsang at macasusuay.
Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang man~ga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang talaang natatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa ay macapagsasama nang isang marunong sa man~ga caharap, upang maquilala niya na ang pan~galang caniyang sinambit ang siyang isinulat. Dito at sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang sarili ay maaalisan nang botos.
Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan ang ano mang mangyari. At cun mayari na ang casulatan ay babasahin n~g malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.
At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga casulatan nang bayan.
35.--Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang malicom niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.
Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat.
Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang caniyang magalin~gin.
Hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit nang sandata.
36.--Sa unang lingo n~g buan n~g Noviembre ay man~gagtitipon sa loob n~g cabayanan ang m~ga catiuala n~g baua't bayan na dala ang m~ga saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan, upang maihalal ang m~ga Tagatayong nauucol sa cabayanan.
37.--Ang pulong ay pan~gu~gunahan n~g Punong cabayanan sa bahay na itinalagà nito at gagauin itong man~ga paghahandá: ipaquiquita n~g baua't catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa nan~gagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga pagsiyasat at isang Kagauad na siyang magnonoynoy sa m~ga saling iniharap, at n~g tatlong sugó na magsisiyasat sa salin nitong apat na nahugot; at bago babasahin ang man~ga Pangcat nitong Panucala na nagsasabi n~g paghahalal.
Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat at Kagauad gayon din ang sa man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating ipaclí sa man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa pangyayaring yaon lamang.
Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga Tagatayó sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na número.
Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang man~ga tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang man~ga nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.
At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang casulatan at pagcayari babasahin nang malacas at pag napalagay ang man~ga bating itutol ay pipilma
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.