Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 6

Apolinario Mabini
n~g Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g Tanun~gan.
Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.
At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman.

ICATLONG CASAYSAYAN.--Tungcol sa Kapisanan (Congreso).
24.--Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong República.
Umaambag na may carapatán ang m~ga lalaquing may taglay nang m~ga casangcapang nabibilin sa núm. 16 at ang m~ga babaying nasasaclau sa icalauang pangcat nang núm. 17.
25.--Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.
26.--Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino mang tauo.
Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.
27.--Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa lahat na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di mayabang na urian n~g suyo sa bayan.
Sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di mapapaui n~g capurihan sa maguin dapat sa caniya alang-alang sa cahusayan n~g paquitang ugali at calaquihan n~g na aalaman at casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing n~g sariling dan~gal at pag ibig sa bayan.
28.--Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g Tagatayo sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may carapatan, at n~g matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang Tagapagban~gon, caracaracang matamó ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan n~g Pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon n~g isang Censo ó Talaan n~g man~ga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang man~ga tagubiling quinacailan~gan n~g huag magculang at mamali.
--Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod.
29.--Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.
Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat.
Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.
30.--Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo; apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa nang paacyat.
Ang calabisan sa man~ga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.
31.--Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may carapatan ay pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat.
Ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa man~ga capit nayon sa pag pili nang matandá.
Ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di macadadagdag n~g bilang n~g man~ga matandá.
Ang loob n~g bayan ay isang tunay na nayon.
32.--Hindi mahahalal na matandá at catiuala ang hindi maaaring mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16 nitong Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.
Hindi rin mahahalal ang man~ga tumatan~gan n~g capangyarihang magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matandá ang nagtutumirá sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan, at bucod pa'y itong catiuala ay cailan~gang matuto n~g salitang bayan (idioma oficial).
33.--Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan. Sa pag gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon, upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos.
Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't bayan.
34.--Sa arao na tadhana
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.