Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 5

Apolinario Mabini
catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.
Tatauaguing hampas lupa ang m~ga ualang napagquiquilalang hanap-buhay, ó di caya'y ualang pinagcacaquitaan cundi ang laro.
17.--Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan; n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't sila'y di namumuhay n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga casangcapang hinihin~gi nang cautusan.
Ang calaman~gan nila'y hindi papasoc sa sandatahan at di mag babayad n~g ambagang iatac ó iayao sa baua't catauo ó ulohang ambagan; n~guni't mag babayad n~g nauucol sa catungculan ó hanap-buhay na canilang hauacan. Ang m~ga nag babayad n~g ambagan na sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad, at di nasusucuban n~g capangyarihan n~g magulang ó nang asaua, ay magcacaroon nang catuirang macapaghalal sa ano mang catungculan sa bayan, liban na lamang cun iuala nila ang capangyarihang ito sa pamumuhay na halaghag ó sa pagca't sila'y binibiguiang usap ó nahatulan sa ano mang casalanan.
Ang m~ga babayi ay macapag-aaral n~g ano mang san~ga n~g carunun~gan maguing sa isip maguing sa quimotin ó talas n~g camay sa m~ga sanayang palagay n~g bayan at macahahauac n~g ano mang catungculang na uucol sa m~ga catibayang canilang macuha.
18.--Itititic n~g m~ga cautusan ang m~ga patuntun~gang quinacailan~gan upang quilalanin sa man~ga mamamayan at houag mapuing nino man ang m~ga catuirang quiniquilala sa canila n~g casaysayang itó sa paraang hindi maca aapi sa calahatan at sa may m~ga capangyarihan.
Pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin n~g m~ga Hucom at iba pang may capangyarihan na sumalansang sa m~ga catuirang itó, pati nang parusang lalapat sa canilang catauan ó nang casiraang sasapit sa canilang pag aari.
At gayon din ihahanay ang m~ga patuntun~gang naaayos sa cabaitan at matuid upang mapag tibay sa m~ga babaying may puri ang galang at pacundan~gang dapat ibigay sa canila n~g m~ga lalaqui at ang calaman~gang dapat iparaya sa canila n~g bayan sa boong panahon, dala n~g mabuting aral at magaling na ugali.
19.--Ang m~ga catuirang nabibilin sa una, icalaua at icatlong pangcat n~g núm. 14 ay di masasansala muna, at ang m~ga taning na natatalá sa m~ga bilang na 4 at 5 ay di mapaglalaonlaon sa cabooan ó isang bahagui n~g nasasacupan n~g República, cundi may cahanganan at sa pamamag-itan n~g isang cautusang buhat sa Kapisanan, capag yao'y quinacailan~gan n~g catibayan n~g bayan sa panahon n~g caguipitan.
Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa Tanu~gan ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na nababanguit sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam sa Kapisanan cailan ma't ito'y mangyayari.
At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang catuiran at macagagaua n~g iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma't pairalin ang gaui n~g digma ay ang may m~ga capangyarihan sa sandatahan ay pilit yuyuco sa m~ga catuirang quiniquilala dito at di macagagamit n~g parusang di nabibilin sa utos.

ICALAUANG CASAYSAYAN.--Tungcol sa República nang Pilipinas.
20.--Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga namamayan dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g Luzong, n~g m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g iba pang m~ga pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa loob n~g calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.
Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g casarinlan ó sariling basaysay.
21.--Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga nayon, at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na napopooc sa isang lugal.
Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas.
22.--Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.
Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa lalong maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita n~g isa't isa.
Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang.
Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.
23.--Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.