Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 4

Apolinario Mabini
capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango.
Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay sa ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan. Ibibilin nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na ito at gayon din naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g mabilis na parusa ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit ó pagbibilango.
6.--Ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga Pilipinas ó taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang maybahay, liban na lamang cun acalain n~g Hucom na di maipagpapaliban ang paguusisang ito, at cun magcaganito'y idadaos yaon sa paraang nabibilin sa cautusan.
Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan.
7.--Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang hindi Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.
8.--Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan.
9.--Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa man~ga bagay na nabibilin sa cautusan.
10.--Hindi maicacapit cailan man ang parusang samsamin ang man~ga pagaari at sino ma'y hindi maaalisan nang caniyang pamumuhay, cundi yaon iutos nang may capangyarihan sa napagquiquilalang icagagaling nang lahat; n~guni't cun magcagayon ma'y papalitan nang nauucol sa halagá.
Cun hindi magcacaganito'y aamponin n~g man~ga Hucom at ibabalic ang pagaari sa inalisan.
11.--Hindi rin maicacapit cailan man ang parusang patayin, sapagca't ang tapat na parusang nauucol sa catouiran ay di dapat tumun~go sa ibang bagay cundi sa pagbabago at pagbabalic loob n~g may sala, cailan ma't ito-y itutulot n~g hayag na pagbabayad sa nagauang sala.
Natatan~gi lamang dito ang paglabag n~g man~ga sandatahan sa harap nang caauay, sa pagca't cun magcacaganito'y maaalisan n~g buhay ang tunay na may sala, cun mahihila ang boong hocbo sa gauang masama pag hindi ito guinaua.
12.--Ang República palibhasa'y isang Katipunan ay di nagtalaglay n~g ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua't catauo ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong marapat at matouid.
Caya't sa loob nang bacuran nitong Pilipinas ay di maliligalig ang sino man dahil sa man~ga caisipang tinataglay niya tungcol sa religión at sa pag gamit nang pagsambang minamagaling niya, at ang hindi lamang ipahihintulot ay ang hayag na pagsalansang sa ugaling minamabuti nang lahat nang tauo.
Gayon ma'y di magagaui nang ualang pahintulot ang may capangyarihan ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang religión.
13.--Ang sino ma'y macapipili at macapagaaral nang gauang lalo niyang minamabuting tunculin sa paghahanap-buhay.
Ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay nang bahay na talagang pagtuturuan ó pagaaralan ayon sa man~ga cautusan.
Ang Pamunoan ang magbibigay nang man~ga catibayan tungcol sa ano mang catungculan at siyang magsasabi nang man~ga casangcapang dapat taglayin nang lahat na magsipaghan~gad noon at nang paraang dapat pagcaquilanlan nang canilang carapatan.
Isang tan~ging cautusan ang magsasabi n~g man~ga catungculan nang man~gagsisipagturo at n~g man~ga patungtun~gang dapat sundin sa pagtuturo sa man~ga bahay na palagay nang bayan.
14.--Ang sino mang mamamayan ay may catouirang:
Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man.
Magcatipon n~g tahimic at hinusay.
Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.
Macapagharap na isa-isa ó pisan-pisan n~g ano mang cahin~gian sa Kapisanan (Congreso), sa Tanun~gan (Senado), sa Presidente n~g República at sa iba't ibang may capangyarihan.
Gayon ma'y hindi pahihintulutan cailan man sa loob n~g lupain n~g República na matira ang man~ga Kapisanan n~g man~ga paring religioso na may sinusunod na Puno sa Roma sa piling n~g Papa. Ang malalabi lamang dito ay ang man~ga Katipunan (Congregaciones) ó Kapatiran (Hermandades, Cofradías) na lubos na nasasacupan n~g Obispo.
Hindi pahihintulutan ang ano man Katipunan ó casamahan tungcol sa magaling, cun ang casulatang pinagcayarian sa pagtatayo noon ay di naquiquita at minamagaling n~g tunay na may capangyarihan, bucod lamang ang m~ga samahan ó lamitahan sa pan~gan~galacal at ano mang hanap buhay.
Ang capangyarihan sa paghaharap n~g ano mang cahin~gian ay di magagamit n~g alin mang casamahan n~g sandatahan. Hindi rin macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa m~ga sandatahan, cundi alinsunod sa ipinag-uutos sa caniyang casamahan at cung natutungcol dito.
15.--Ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang namamayan cundi ang Hucom ó Tribunal na may catampatan, alinsunod sa cautusang nan~gun~guna sa, pag gaua n~g casalanan at sa paraang nabibilin sa cautusang itó.
16.--Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.