ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan sa cabuhayan n~g tauo.
* * * * *
Unang tagobilin.--Tayo ay tinuruan at binihasa n~g Pamunoang castila at m~ga Paring religioso sa laguing pagtataas nang ating man~ga mata at ating pag-iisip sa isang balobalong lan~git, upang bayaan natin sila sa pagtatamong hinusay n~g m~ga cagalin~gan dito sa lupa. Caya't lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo n~g m~ga librong macapagtuturo sa atin n~g m~ga catotohanang ito, na cung maganap natin ay matatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at sa cabila'y ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan.
Icaluang tagobilin.--Ang inang bayan ay hindi lamang ang cabayanan provincial, hindi lamang ang bayan (pueblo) at lalong hindi ang lugal na pinan~ganacan sa baua't isa; ang lahat na cabayanan, ang lahat na bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga Pilipinas, cahit ano ang caniyang sinasamba at ano man ang caniyang salita, ang siyang tunay na Bayang Pilipinas na ina nating lahat.
PANUKALA SA PAGBABAN~GON
NANG
REPúBLICA NANG PILIPINAS
UNANG CASAYSAYAN.--Tungcol sa man~ga taga Pilipinas.
I.--Man~ga taga Pilipinas: una ang man~ga tubo sa lupang nasasacop n~g República n~g Pilipinas; icalaua ang man~ga anac n~g ama ó inang taga Pilipinas, cahi ma't tubo sa ibang lupa; icatlo ang man~ga taga ibang lupa na nagcaroon n~g catibayan n~g pamamayan dito; icapat ang man~ga cahit ualang catibayan ay nabilang na sa man~ga mamamayan sa alin mang bayang sacop n~g República.
Naaalis ang pagca taga Pilipinas cung lumipat n~g pamamayan sa ibang lupa ó tumangap caya n~g catungculan sa ibang Pamunoan n~g ualang pahintulot ang sa República.
Nabibilang sa man~ga taga ibang lupa: una ang man~ga tubo dito sa República, cung ang magugulang ay man~ga taga ibang lupang hindi nalipat dito n~g pamamayan; icalaua ang man~ga anac n~g amang taga ibang lupa, cahit ang ina'y taga rito, cailan ma't quinilala n~g ama ang anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan.
Macahihin~gi sa Kapisanan (Congreso) n~g catibayan sa paglipat dito n~g pamamayan ang man~ga taga ibang lupang natitira dito alang alang sa alin man sa man~ga cadahilanang ito: una sa pagca't nacapagasaua sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca't may natatayo silang hanap-buhay dito sa capuluan ó nacatuclas caya n~g ano mang mapagquiquitaan na malaquing halaga, ó may lupain caya ó bahay na ipinagbabayad n~g malaquing ambagan, ó may calacal cayang pinamumuhunanan nila n~g sarili at malaquing halagá ayon sa acala n~g Capisanan: at icatlo sa pagca't nacagaua n~g malalaquing paglilincod sa icagagaling at icatitimaua n~g República.
Mabibilang sa man~ga mamamayan dito sa Pilipinas ang man~ga anac nang man~ga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap-buhay na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan n~g caniyang magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan.
2.--Ang man~ga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac n~g hanap-buhay ó ano mang catungculan na hindi hinihin~gan nang man~ga cautusan n~g catibayang galing sa may man~ga capangyarihan dito sa Pilipinas.
Ang hindi nalipat dito n~g pamamayan ay hindi macahahauac n~g catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan ó macapagpaparusa caya sa tauong bayan.
3.--Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at magtangol sa bayan cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, at umambag naman n~g nauucol sa caniyang pagaari sa man~ga cailan~gan n~g bayan.
Hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi ang paglilincod sa sandatahan; n~guni't hindi gagamit sa hocbong pangdigma nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang maglincod n~g kusa.
Sino may hindi mapipilit magbayad n~g ambagang hindi ipinacacana at tinatangap n~g Capisanan.
4.--Ang sino mang taga Pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit cundi siya pagbuntuhan nang man~ga hinalang may caliuanagan at catuiran na siya ang may sala, ó cun siya caya'y nasuboc sa pag gaua nang casalanan.
Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan. Capag tinangap n~g naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay uusisaing agad-agad cun ito'y dinala sa ibang lugal ó cun pinahirapan, at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na catampatan laban sa man~ga nagculang.
Ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic ó isusulong sa pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napiit sa Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin man sa cabagayang yaon ay ipatatanto sa may han~gad sa loob n~g nasabing panahon ó tacdá.
5.--Hindi mabibilango ang sino mang taga Pilipinas cun ualang utos ang Hucom na may capangyarihan.
Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang bagsic,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.