at Kagauad gayon din ang
sa man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating
ipaclí sa man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa
pangyayaring yaon lamang.
Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat
nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin
sa pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga
Tagatayó sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na
número.
Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang
man~ga tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at
mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang
macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang man~ga
nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang
na hinahanap.
At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang casulatan at pagcayari
babasahin nang malacas at pag napalagay ang man~ga bating itutol ay
pipilma ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian
nang tig-isang salin ang man~ga nahalal, na pipilmahan nang Puno,
nang man~ga tagapagsiyasat at n~g Kagauad.
Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay
ang pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g
Tribunal, capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at
Kagauad na nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin
man sa nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g
caramihan.
38.--Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay
dadayo at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang
bilang n~g botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at
cun hindi ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.
39.--Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang
catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang
maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g
cabayanang pinag gauan n~g paghahalal.
Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna
at macaraan ang caniyang capanahunan.
40.--Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga
catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at
magsigasig n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang
caniyang tinatayuan.
41.--Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay
tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa
caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan
nang gugugulin.
42.--Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatayô, Catiuala ó
matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man
sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may
pagtin~gin sa sariling cagalin~gan.
43.--Sa unang arao n~g baua't taon ay man~gagtitipon ang man~ga
Tagatayó sa calooban (capital) n~g República at gagauin ang hayag na
pagbubucas nang Kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas n~g
Presidente n~g República nito ring Presidente, ó di caya'y n~g
Presidente n~g Kapisanan cundi taon n~g pagbabago.
Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa
nasabing arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon.
Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim
cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan.
Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na
ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang
República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang
dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.
44.--Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na
taon, at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g
bagong Tagatayo.
45.--Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay
ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun
macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang
pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa
ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang
salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na
sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.
Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan
tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang
magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin,
han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong
usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga
Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao. Sa susunod nang taon
gagauin, pagcatapos nang pagbubucas, ang m~ga quinacailan~gan sa
pagpapasiya sa m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayóng
maharap na bago.
Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim
nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang
Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang
paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga
paghahalal na itó.
46.--Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa
canilang man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may
capangyarihan sa ano mang paraan.
Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang
magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang
Paniualaang ipalagay nito ring Kapisanan. Ang m~ga habla sa ano
mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang usap na
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.