Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 9

Apolinario Mabini
di na
magdadaan sa alin mang Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang
hahatol ay magpapasabi sa laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap

upang matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap ay di
macahaharap sa m~ga pulong nang Kapisanan hangan di maquilalang
siya'y ualang sala.
47.--Ang man~ga capangyarihan nang Kapisanan ay ito:
Una. Cupcupin at itangcacal ang man~ga catuirang quiniquilala sa
mamamayan nitong Panucalá at pan~galagaan ang ganap na catuparan
nang cautusan sa pagbaban~gon at iba pá.
Icalaua. Kumathá n~g m~ga cautusan, magpaliuanag sa m~ga
cahulugan nito at paualan n~g bagsic ang m~ga naquiquilalang lipás
na.
Icatlo. Ilagay sa catungculan ang mahalal na Presidente nang República
capag nadin~gig ang unang Calatas nito sa pagbati.
Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa m~ga
taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailan~gan bago pairalin
ang ano mang digma.
Icalima. Magbigay ó tumangui sa capahintulutang quinacailan~gan
upang macapasoc ang m~ga sandatahang taga ibang lupa sa
nasasacupan nang República.
Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong n~g Presidente
n~g República ang Hocbong dagat at Hocbong cati na dapat gamitin sa
panahon n~g capayapaan at ang maguiguing caragdagan sa arao n~g
digma, at maglagay n~g man~ga cautusan tungcol sa cahusayan at
paraang dapat sundin n~g m~ga naturang hocbo.
Icapito. Ipacana taontaon ang m~ga ambagan at ang pagaayau-ayau
noon.
Icaualo. Pasiyahin ang dami nang magugugol sa pamamahala sa bayan
at pagnoynoyin ang catoosan (cuenta) noon.
Icasiyam. Magtayo nang m~ga Aduana (pamahalaan sa m~ga lalauigan)

at maglagay n~g man~ga Aransel ó Tandaan nang m~ga opang dapat
sin~gilin sa m~ga calacal na idoong.
Icasampu. Magpasiya nang nauucol sa pamamahala, pagiin~gat at
pagaaluas n~g m~ga pag aari n~g República at humiram sa n~galan
nito n~g salapi cun baga't cailan~gan.
Icalabingisá. Magdagdag ó magbauas n~g m~ga Katungculang
quinacailan~gan n~g isang matipid na pamamahala.
Icalabingdalaua. Pasiyahin ang halaga, timbang, uri at n~galan nang
man~ga salapi, at gayon din ang huarang lalong madali at matuid n~g
man~ga timban~gan at panucat.
Icalabingtatlo. Guisin~gin at pasulon~gin ang lahat nang paraan nang
hanap-buhay at alisin ang man~ga nacahahadlang sa paglaqui.
Icalabingapat. Ilagay ang paraan n~g pagtuturo sa bayan sa boong
nasasacupan n~g República at ituro ang man~ga patungtun~gang
susundin sa paghuhusay sa man~ga malacas at sa man~ga maysaquit.
Icalabinglima. Magcaloob n~g man~ga Karan~galan at gantí, pati nang
capatauaran sa sála, na ihamong nang Pamunoan.
Icalabinganim. At catapustapusa'y pasiyahin muna ang capanagutan
n~g man~ga Kagauad n~g Pamunoan, at n~g Presidente n~g República
cun ito'y mahahalinhan na.
48.--Ang lugal na pinagpupulun~gan nang Kapisanan ay lubhang
cagalang-galang at di mapagpapahamacan at sino ma'y ualang
macapapasoc doon cun may bitbit na sandata cahima't ang Presidente
n~g República. At hindi rin macapapasoc dito ang m~ga sandatahan,
liban na lamang cun ipatauag nang Presidente nang Kapisanan upang
maoli ang cahusayan sa loob na guinambala nang man~ga di marunong
magbigay puri sa sarili at sa hinahauacang catungculan.
49.--Ang alin mang Tagatayó ay macapaghaharap sa Kapisanan nang
ano mang panucala nang cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at

cun ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pagpulun~gan at
pagnoynoyin ay bibiguian n~g salin ang Tanun~gan upang paglini~gin
nitó.
Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi
maquita muna ang man~ga pinag usapan sa Tanun~gan.
Ang man~ga pacaná nang Kapisanan ay may bagsic nang cautusan,
n~guni't hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang
Presidente.
50.--Sa man~ga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at
cahusayan sa loob nitong Kapisanan ay ang susundin ay ang man~ga
Tagobiling caniyang quinathá.
51.--Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República
pati nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan
ang naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay
man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang
tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't
dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing
bagay.

ICAPAT NA CASAYSAYAN.--Tungcol sa Tanun~gan (Senado).
52.--Ang Tanun~gan ay isang cabilugang lubos na cagalang-galang, na
quinadoroonan n~g man~ga tauong lalong hirang dahil sa cahusayan
n~g paquitang ugali at sa calaquihan n~g naalaman sa ano mang
san~gá n~g carunun~gan at paghahanap-buhay.
Ito'y natatalagang magpaliuanag sa Kapisanan at sa Pamunoan sa
canicaniyang usap na hinahauacan, upang ang lahat na itadhana nilong
dalaua ay masamahang palagui n~g pagcatuga at catuiran; caya't ualang
macaaaquiat dito sa mataas na luclucan cundi yaong m~ga piling
mamamayan na nagpaquita n~g di caraniuang talas n~g isip at
casipagan.

53.--Ang Tanun~gan ang una-unang magsisigasig sa icasusulong n~g
pagtuturo sa bayan at n~g gaua sa lupa, gauang camay at gauang
mag-calacal, pati n~g m~ga daong na calacalan at pangdigma; caya't
pag-aaralan ang malayong inabot n~g m~ga iba't ibang lupa tungcol sa
m~ga bagay na ito at iba pang icagagaling n~g República, ihahamong
sa Presidente ang pagpapasoc dito n~g man~ga cagagauang hindi pa
natatahacan n~guni't napagquilalang mabuti, cucupcupin ang m~ga
tan~gi sa caramihan dahil sa talas n~g isip at sa m~ga natuclasang
icagagaling n~g lahat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.