Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 7

Apolinario Mabini
at catiuala ang hindi maaaring
mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16
nitong Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.
Hindi rin mahahalal ang man~ga tumatan~gan n~g capangyarihang
magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matandá
ang nagtutumirá sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan,
at bucod pa'y itong catiuala ay cailan~gang matuto n~g salitang bayan
(idioma oficial).
33.--Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g
Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan.
Sa pag gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon,
upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos.
Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng
susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't
bayan.
34.--Sa arao na tadhana n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang
m~ga may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't
bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga
caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan
n~g lahat ay hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring

inin~gat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't
ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat
macahiram n~g pananalig n~g bayan.
Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na
maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap
nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong,
at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila
ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal
nang paghahalal.
Saca itatanong n~g Puno sa m~ga caharap cun may ibig mag saysay
n~g pagsusuhulan sa paglicom n~g botos, at cun mayroon ay sa oras
ding yao'y palalaguian n~g ganap na caliuanagan at catotohanan, na
hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa. Cun totoo ang hablá ay
aalisan n~g capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino
pamulpugan n~g casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag
ban~gon n~g paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino
man.
Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang
alin man sa manga caharap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang
lalong matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang
macasasalangsang at macasusuay.
Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na
ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga
marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang
man~ga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili
sa isang talaang natatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa ay
macapagsasama nang isang marunong sa man~ga caharap, upang
maquilala niya na ang pan~galang caniyang sinambit ang siyang
isinulat. Dito at sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang
sarili ay maaalisan nang botos.
Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga
tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan
ang ano mang mangyari. At cun mayari na ang casulatan ay babasahin

n~g malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag
naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap
cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal
ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.
At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang
salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat
salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga
casulatan nang bayan.
35.--Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang
malicom niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.
Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay
di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag
usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat.
Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't
pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang
macahiguit ang caniyang magalin~gin.
Hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit
nang sandata.
36.--Sa unang lingo n~g buan n~g Noviembre ay man~gagtitipon sa
loob n~g cabayanan ang m~ga catiuala n~g baua't bayan na dala ang
m~ga saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan,
upang maihalal ang m~ga Tagatayong nauucol sa cabayanan.
37.--Ang pulong ay pan~gu~gunahan n~g Punong cabayanan sa bahay
na itinalagà nito at gagauin itong man~ga paghahandá: ipaquiquita n~g
baua't catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa
nan~gagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga
pagsiyasat at isang Kagauad na siyang magnonoynoy sa m~ga saling
iniharap, at n~g tatlong sugó na magsisiyasat sa salin nitong apat na
nahugot; at bago babasahin ang man~ga Pangcat nitong Panucala na
nagsasabi n~g paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang
nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang
pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.