lalong maliit na may
capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing
patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na
caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita
n~g isa't isa.
Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at
gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang
mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing
n~g pagayon lamang.
Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at
ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g
Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.
23.--Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g
Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g
Tanun~gan.
Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang
Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang
Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.
At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó
Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman.
ICATLONG CASAYSAYAN.--Tungcol sa Kapisanan (Congreso).
24.--Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong
inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan
sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau
nang canilang Cabayanan at nang boong República.
Umaambag na may carapatán ang m~ga lalaquing may taglay nang
m~ga casangcapang nabibilin sa núm. 16 at ang m~ga babaying
nasasaclau sa icalauang pangcat nang núm. 17.
25.--Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga
casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay
nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó
cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan
n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang
agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag
magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang
macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga
namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang
caramihang tauo.
26.--Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo
ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino
mang tauo.
Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin
mang naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang
usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.
27.--Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa
lahat na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang
caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di
mayabang na urian n~g suyo sa bayan.
Sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di
mapapaui n~g capurihan sa maguin dapat sa caniya alang-alang sa
cahusayan n~g paquitang ugali at calaquihan n~g na aalaman at
casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing n~g sariling dan~gal at
pag ibig sa bayan.
28.--Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g
Tagatayo sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may
carapatan, at n~g matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang
Tagapagban~gon, caracaracang matamó ang tagumpay at quilanlin ang
casarinlan n~g Pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon n~g isang
Censo ó Talaan n~g man~ga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang
man~ga tagubiling quinacailan~gan n~g huag magculang at mamali.
--Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga
umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g
man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó
n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod.
29.--Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang
libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang
Tagatayó.
Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay
dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay
tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima
cun lumabis pa n~g paacyat.
Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g
Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na
may carapatan.
30.--Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na
may carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa
hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo;
apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis
pa nang paacyat.
Ang calabisan sa man~ga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi
umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.
31.--Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may
carapatan ay pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan
isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at
limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang
daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat.
Ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa man~ga
capit nayon sa pag pili nang matandá.
Ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di
macadadagdag n~g bilang n~g man~ga matandá.
Ang loob n~g bayan ay isang tunay na nayon.
32.--Hindi mahahalal na matandá
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.