Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 5

Apolinario Mabini
casamahan n~g sandatahan. Hindi rin
macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa m~ga
sandatahan, cundi alinsunod sa ipinag-uutos sa caniyang casamahan at
cung natutungcol dito.
15.--Ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang
namamayan cundi ang Hucom ó Tribunal na may catampatan,
alinsunod sa cautusang nan~gun~guna sa, pag gaua n~g casalanan at sa
paraang nabibilin sa cautusang itó.
16.--Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong
sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan
sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang
catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan
bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang
casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.
Tatauaguing hampas lupa ang m~ga ualang napagquiquilalang
hanap-buhay, ó di caya'y ualang pinagcacaquitaan cundi ang laro.
17.--Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano

mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong
bayan; n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g
capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't
sila'y di namumuhay n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga
casangcapang hinihin~gi nang cautusan.
Ang calaman~gan nila'y hindi papasoc sa sandatahan at di mag
babayad n~g ambagang iatac ó iayao sa baua't catauo ó ulohang
ambagan; n~guni't mag babayad n~g nauucol sa catungculan ó
hanap-buhay na canilang hauacan. Ang m~ga nag babayad n~g
ambagan na sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad, at di
nasusucuban n~g capangyarihan n~g magulang ó nang asaua, ay
magcacaroon nang catuirang macapaghalal sa ano mang catungculan sa
bayan, liban na lamang cun iuala nila ang capangyarihang ito sa
pamumuhay na halaghag ó sa pagca't sila'y binibiguiang usap ó
nahatulan sa ano mang casalanan.
Ang m~ga babayi ay macapag-aaral n~g ano mang san~ga n~g
carunun~gan maguing sa isip maguing sa quimotin ó talas n~g camay
sa m~ga sanayang palagay n~g bayan at macahahauac n~g ano mang
catungculang na uucol sa m~ga catibayang canilang macuha.
18.--Itititic n~g m~ga cautusan ang m~ga patuntun~gang
quinacailan~gan upang quilalanin sa man~ga mamamayan at houag
mapuing nino man ang m~ga catuirang quiniquilala sa canila n~g
casaysayang itó sa paraang hindi maca aapi sa calahatan at sa may
m~ga capangyarihan.
Pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin n~g m~ga Hucom at
iba pang may capangyarihan na sumalansang sa m~ga catuirang itó,
pati nang parusang lalapat sa canilang catauan ó nang casiraang sasapit
sa canilang pag aari.
At gayon din ihahanay ang m~ga patuntun~gang naaayos sa cabaitan at
matuid upang mapag tibay sa m~ga babaying may puri ang galang at
pacundan~gang dapat ibigay sa canila n~g m~ga lalaqui at ang
calaman~gang dapat iparaya sa canila n~g bayan sa boong panahon,
dala n~g mabuting aral at magaling na ugali.

19.--Ang m~ga catuirang nabibilin sa una, icalaua at icatlong pangcat
n~g núm. 14 ay di masasansala muna, at ang m~ga taning na natatalá sa
m~ga bilang na 4 at 5 ay di mapaglalaonlaon sa cabooan ó isang
bahagui n~g nasasacupan n~g República, cundi may cahanganan at sa
pamamag-itan n~g isang cautusang buhat sa Kapisanan, capag yao'y
quinacailan~gan n~g catibayan n~g bayan sa panahon n~g caguipitan.
Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang
pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa
ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa
Tanu~gan ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na
nababanguit sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam
sa Kapisanan cailan ma't ito'y mangyayari.
At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang catuiran at
macagagaua n~g iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma't
pairalin ang gaui n~g digma ay ang may m~ga capangyarihan sa
sandatahan ay pilit yuyuco sa m~ga catuirang quiniquilala dito at di
macagagamit n~g parusang di nabibilin sa utos.

ICALAUANG CASAYSAYAN.--Tungcol sa República nang
Pilipinas.
20.--Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga
namamayan dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g
Luzong, n~g m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g
iba pang m~ga pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa
loob n~g calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.
Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang
castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang
maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g
casarinlan ó sariling basaysay.
21.--Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga
nayon, at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na

napopooc sa isang lugal.
Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g
man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g
man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g
Pilipinas.
22.--Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang
pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid
ay ang pamamahala n~g isang República.
Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.