Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 4

Apolinario Mabini
ay pauaualang bagsic ó isusulong sa
pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang
napiit sa Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin
man sa cabagayang yaon ay ipatatanto sa may han~gad sa loob n~g
nasabing panahon ó tacdá.
5.--Hindi mabibilango ang sino mang taga Pilipinas cun ualang utos
ang Hucom na may capangyarihan.
Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang
bagsic, capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu
at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango.
Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay
sa ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay
pauaualan agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan. Ibibilin
nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na
ito at gayon din naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g
mabilis na parusa ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit
ó pagbibilango.
6.--Ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga
Pilipinas ó taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang
maybahay, liban na lamang cun acalain n~g Hucom na di
maipagpapaliban ang paguusisang ito, at cun magcaganito'y idadaos
yaon sa paraang nabibilin sa cautusan.

Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin
palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala
ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan.
7.--Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang
hindi Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.
8.--Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug
nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang
cadahilanan.
9.--Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g
lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang
catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa
man~ga bagay na nabibilin sa cautusan.
10.--Hindi maicacapit cailan man ang parusang samsamin ang man~ga
pagaari at sino ma'y hindi maaalisan nang caniyang pamumuhay, cundi
yaon iutos nang may capangyarihan sa napagquiquilalang icagagaling
nang lahat; n~guni't cun magcagayon ma'y papalitan nang nauucol sa
halagá.
Cun hindi magcacaganito'y aamponin n~g man~ga Hucom at ibabalic
ang pagaari sa inalisan.
11.--Hindi rin maicacapit cailan man ang parusang patayin, sapagca't
ang tapat na parusang nauucol sa catouiran ay di dapat tumun~go sa
ibang bagay cundi sa pagbabago at pagbabalic loob n~g may sala,
cailan ma't ito-y itutulot n~g hayag na pagbabayad sa nagauang sala.
Natatan~gi lamang dito ang paglabag n~g man~ga sandatahan sa harap
nang caauay, sa pagca't cun magcacaganito'y maaalisan n~g buhay ang
tunay na may sala, cun mahihila ang boong hocbo sa gauang masama
pag hindi ito guinaua.
12.--Ang República palibhasa'y isang Katipunan ay di nagtalaglay n~g
ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua't catauo
ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong

marapat at matouid.
Caya't sa loob nang bacuran nitong Pilipinas ay di maliligalig ang sino
man dahil sa man~ga caisipang tinataglay niya tungcol sa religión at sa
pag gamit nang pagsambang minamagaling niya, at ang hindi lamang
ipahihintulot ay ang hayag na pagsalansang sa ugaling minamabuti
nang lahat nang tauo.
Gayon ma'y di magagaui nang ualang pahintulot ang may
capangyarihan ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang
religión.
13.--Ang sino ma'y macapipili at macapagaaral nang gauang lalo
niyang minamabuting tunculin sa paghahanap-buhay.
Ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay
nang bahay na talagang pagtuturuan ó pagaaralan ayon sa man~ga
cautusan.
Ang Pamunoan ang magbibigay nang man~ga catibayan tungcol sa ano
mang catungculan at siyang magsasabi nang man~ga casangcapang
dapat taglayin nang lahat na magsipaghan~gad noon at nang paraang
dapat pagcaquilanlan nang canilang carapatan.
Isang tan~ging cautusan ang magsasabi n~g man~ga catungculan nang
man~gagsisipagturo at n~g man~ga patungtun~gang dapat sundin sa
pagtuturo sa man~ga bahay na palagay nang bayan.
14.--Ang sino mang mamamayan ay may catouirang:
Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa
bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang
ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man.
Magcatipon n~g tahimic at hinusay.
Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.
Macapagharap na isa-isa ó pisan-pisan n~g ano mang cahin~gian sa

Kapisanan (Congreso), sa Tanun~gan (Senado), sa Presidente n~g
República at sa iba't ibang may capangyarihan.
Gayon ma'y hindi pahihintulutan cailan man sa loob n~g lupain n~g
República na matira ang man~ga Kapisanan n~g man~ga paring
religioso na may sinusunod na Puno sa Roma sa piling n~g Papa. Ang
malalabi lamang dito ay ang man~ga Katipunan (Congregaciones) ó
Kapatiran (Hermandades, Cofradías) na lubos na nasasacupan n~g
Obispo.
Hindi pahihintulutan ang ano man Katipunan ó casamahan tungcol sa
magaling, cun ang casulatang pinagcayarian sa pagtatayo noon ay di
naquiquita at minamagaling n~g tunay na may capangyarihan, bucod
lamang ang m~ga samahan ó lamitahan sa pan~gan~galacal at ano
mang hanap buhay.
Ang capangyarihan sa paghaharap n~g ano mang cahin~gian ay di
magagamit n~g alin mang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.