Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 3

Apolinario Mabini
at capatid ó cundi
ma'y casama, palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman ang
inyong casayahan at cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang
inyong m~ga hinahan~gad at pag-aari.
Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga bayan na
ibinan~gon at inaalagaan n~g pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan,
ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa
hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa
caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan
sa cabuhayan n~g tauo.
* * * * *
Unang tagobilin.--Tayo ay tinuruan at binihasa n~g Pamunoang castila
at m~ga Paring religioso sa laguing pagtataas nang ating man~ga mata
at ating pag-iisip sa isang balobalong lan~git, upang bayaan natin sila
sa pagtatamong hinusay n~g m~ga cagalin~gan dito sa lupa. Caya't
lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo n~g m~ga librong
macapagtuturo sa atin n~g m~ga catotohanang ito, na cung maganap
natin ay matatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at
sa cabila'y ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan.
Icaluang tagobilin.--Ang inang bayan ay hindi lamang ang cabayanan

provincial, hindi lamang ang bayan (pueblo) at lalong hindi ang lugal
na pinan~ganacan sa baua't isa; ang lahat na cabayanan, ang lahat na
bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga Pilipinas, cahit
ano ang caniyang sinasamba at ano man ang caniyang salita, ang siyang
tunay na Bayang Pilipinas na ina nating lahat.

PANUKALA SA PAGBABAN~GON
NANG
REPÚBLICA NANG PILIPINAS
UNANG CASAYSAYAN.--Tungcol sa man~ga taga Pilipinas.
I.--Man~ga taga Pilipinas: una ang man~ga tubo sa lupang nasasacop
n~g República n~g Pilipinas; icalaua ang man~ga anac n~g ama ó
inang taga Pilipinas, cahi ma't tubo sa ibang lupa; icatlo ang man~ga
taga ibang lupa na nagcaroon n~g catibayan n~g pamamayan dito;
icapat ang man~ga cahit ualang catibayan ay nabilang na sa man~ga
mamamayan sa alin mang bayang sacop n~g República.
Naaalis ang pagca taga Pilipinas cung lumipat n~g pamamayan sa
ibang lupa ó tumangap caya n~g catungculan sa ibang Pamunoan n~g
ualang pahintulot ang sa República.
Nabibilang sa man~ga taga ibang lupa: una ang man~ga tubo dito sa
República, cung ang magugulang ay man~ga taga ibang lupang hindi
nalipat dito n~g pamamayan; icalaua ang man~ga anac n~g amang taga
ibang lupa, cahit ang ina'y taga rito, cailan ma't quinilala n~g ama ang
anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan.
Macahihin~gi sa Kapisanan (Congreso) n~g catibayan sa paglipat dito
n~g pamamayan ang man~ga taga ibang lupang natitira dito alang
alang sa alin man sa man~ga cadahilanang ito: una sa pagca't
nacapagasaua sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca't may natatayo
silang hanap-buhay dito sa capuluan ó nacatuclas caya n~g ano mang
mapagquiquitaan na malaquing halaga, ó may lupain caya ó bahay na

ipinagbabayad n~g malaquing ambagan, ó may calacal cayang
pinamumuhunanan nila n~g sarili at malaquing halagá ayon sa acala
n~g Capisanan: at icatlo sa pagca't nacagaua n~g malalaquing
paglilincod sa icagagaling at icatitimaua n~g República.
Mabibilang sa man~ga mamamayan dito sa Pilipinas ang man~ga anac
nang man~ga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa
dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang
ano mang hanap-buhay na may casaysayan at tumalicod sa
pinamamayanan n~g caniyang magugulang sa harap nang catampatan
may capangyarihan.
2.--Ang man~ga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa
lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac n~g
hanap-buhay ó ano mang catungculan na hindi hinihin~gan nang
man~ga cautusan n~g catibayang galing sa may man~ga capangyarihan
dito sa Pilipinas.
Ang hindi nalipat dito n~g pamamayan ay hindi macahahauac n~g
catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan ó
macapagpaparusa caya sa tauong bayan.
3.--Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at
magtangol sa bayan cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, at
umambag naman n~g nauucol sa caniyang pagaari sa man~ga
cailan~gan n~g bayan.
Hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi
ang paglilincod sa sandatahan; n~guni't hindi gagamit sa hocbong
pangdigma nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang
maglincod n~g kusa.
Sino may hindi mapipilit magbayad n~g ambagang hindi ipinacacana at
tinatangap n~g Capisanan.
4.--Ang sino mang taga Pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit
cundi siya pagbuntuhan nang man~ga hinalang may caliuanagan at
catuiran na siya ang may sala, ó cun siya caya'y nasuboc sa pag gaua

nang casalanan.
Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may
capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo
niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing
pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang
maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan. Capag
tinangap n~g naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay
uusisaing agad-agad cun ito'y dinala sa ibang lugal ó cun pinahirapan,
at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na
catampatan laban sa man~ga nagculang.
Ang alin mang pagpiit
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.