Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas | Page 2

Apolinario Mabini
saua at humpay ang masamang
gaui na binanguit co sa itaas, upang ang man~ga quilos nang naturang
pamamahalá ay sumunod sa atas nang bait, maquisama sa gauang
magaling at tumun~go lamang sa catouiran; tuloy namang aanyayahan
nang pacundan~gan ang man~ga tumutulong nang lalong malaqui sa

man~ga dadalhin nang bayan, nang pagtatangquilic nang lahat na
gumagaua nang magaling at nang pitagan ang man~ga babaying may
puri; at catapustapusa'y sa capupunan nang lahat nang ito ay uala acong
quiquilin~gan at uala namang cacabiguin sa pamamahagui nang
man~ga paquinabang at dadalhin sa bayan, upang maitayó co ang
casamahan nang man~ga tauong mahal, hindi sa dugó at hindi rin sa
man~ga caran~galang paquitang tauo, cundi sa puso at tunay na
carapatan nang bauat isa.
Naquita mo na't itong pacay ay mahirap at malaqui; n~guni't sa iyo aco
umaasa, palibhasa'y icao ay malaqui rin at malacas pa.
Naualan ca nang man~ga anac na daquila at hindi mapapalitán, n~guni't
ualang cailan~gan: gumaua tayo at umasa at ang Dios ay laong malaqui
sa lahat.
Mayo nang 1898.

ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NANG DIOS
Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo sa lahat n~g bagay:
ang Dios na siyang bucal n~g boong catotohanan, n~g boong catuiran
at boong lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang
macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa
catuiran at magtaglay n~g casipagan.
Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at
minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y
consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong
masama at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap ang iyong
Dios.
Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at talas n~g isip
na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g pagaaral, at
pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g
iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan n~g magaling at
n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong

cailan~ganin at sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g
calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g
Dios sa buhay na ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun
maypuri ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios.
Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan na ca-icalaua n~g
Dios at n~g iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca't siya ang
nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na itó;
bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang mamamana mo sa
iyong m~ga pinagnuno; at siya lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil
sa caniya'y humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo
ang caguinhauahan, capurihan at ang Dios.
Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g
higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian n~g cabaitan,
n~g catuiran at n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit
ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan.
Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan. Sa pagca't icao
lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at
icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang siya mong
sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang
magdadala sa iyo n~g lahat mong cailan~gan at ang caniyang
pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan.
Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumilala sa capangyarihan nino
mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang
boong capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia
n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal
n~g man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang
macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan.
Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang
lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong
payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa
pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan
lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan,
na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang

República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa
bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at
calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.
Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g pag ibig mo sa
iyong sarili, pagca't biniguian siya n~g Dios at gayon din naman icao
n~g catungculang tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na
gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay nagcuculang dito
sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca n~g masama sa iyong
buhay at calayaan at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya
pagca't ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g Dios na
mag in~gat ca at ini-in~gatan quitá.
Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang iyong cababayan at
lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 21
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.