Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 7

Modesto de Castro
ay houag mong pababayaang manabaco, ó
man~gusap caya nang calapastan~ganan, ó matunog na sabi. Cun
naquiquipaglarô sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan,
ó dumhán caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong
caraniuang uicain nang tauo, na ang masamá sa iyo,i, houag mong
gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua
bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, ó marumi.
Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na
carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i,
ilalagay ang daliri sa ilóng at sisin~gá. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i,
gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa panyô ay marahang gagauin,
itatalicód ang muc-há ó lumayo caya. May isa pang pinagcacabihasnan
ang caramihan nang tauo, na cun naquiquipagusap sa capoua, ay ang
camáy ay iquinacamot sa haráp. ¡Asal na cahalayhalayan na
nacapopoot sa malilinis na loob. Caiin~gat na ito,i, pagcaratihan nang
bata. Cun may lalabas na masamang amoy, ay lumayo sa tauo, houag
pamalay at nang di mapan~ganlang salahula: Adios, Feliza, hangang sa
isang sulat.--URBANA.

SA ESCUELAHAN.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa
calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di
sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang
caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing
Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa

ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga
barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga
bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]
Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay
ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na
tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa
capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang
tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap
nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód.
Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang
magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang
man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela,
hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang
matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng
pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan,
mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao,
ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang
galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay
capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may
bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos,
pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang
nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan
ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa
maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang
marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang
isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na
ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan;
cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang
magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.
Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong
ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá
ó guinoong causap.
Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i,
nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan

nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.
Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay,
nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag
ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang
iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali
magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.
Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó
camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi,
at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway.
Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag
manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may
lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na
uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag
daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang
maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan
nang asal.
Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag
patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan
ay tandâ nang cabulaánan.
Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin
hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.
Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod,
at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob
ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.
Cung macapagleccion na,t, pahintulutan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 49
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.