nang maestro na omoui, ay
lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa
bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay
ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.
Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at
malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza,
hangang sa isang sulat.--URBANA.
SA SALITAAN.
Si Urbana cay Felisa--MANILA....
FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun
quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay
quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan
mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang
loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at
nang houag cayamután.
Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang
pagsasalitá naman ay susucatin, huag magpapalampás nang sabi,
humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun
naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang
hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor
o mapaglilo.
Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag
hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang
hambog, na isinagót nang causap. Fúú, Fúú, na ang cahulugán ay,
habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon
sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t,
cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.
Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at
cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay
dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay
houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t,
madali ay pagbababayaran.
Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin
yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay
paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at
ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di
nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t,
nacayayamót sa quinacausap.
Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa
sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di
pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.
Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning
parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.
Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay
maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t,
nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha,
ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang
napahuhula. Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan.
Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó
pinauaualang halagá ang causap.
Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat
damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin
yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong
gauin sa capua mo tauo.
Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama
sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang
calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga
desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun
may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang
mahalagang hiyas.
Sa pagsasalita,i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagca,t, cun tapós na
ang toua at salitá, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i,
cahihiyan at sisi sa loob na sarili.
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuyà, ay isaloob mo yao,i,
nagmulá sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong
cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri
ca sa haráp, ay iin~gatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing
siya,i, tinutuyá mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá,
guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó
casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang
cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay
gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita
nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó
carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang
nasa.
Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay
houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang
capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at
houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang
quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang
tatapunan nang salitá, at tatalicdán ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa
sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap,
ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang
iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong
pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.