Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 6

Modesto de Castro
cay Guinoong Santa Maria, at
nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang á las diez, oras
nang pagleleccion sá amin nang Maestra; pagcatapos, magdarasál nang
rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadasál na nang rosario, aco,i,
nananahí, ó naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac
co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na
guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang
Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang á las
doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t,
isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin,
caming man~ga bata,i, sumasagót nacatindig na lahat, ang cataua,i,
matouid at iniaanyó sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at

Gloria Patri, ay itinutun~gó ang ulo, at saca cami,i lumuloclóc sa
pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon
cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay
magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria,
na paluhód; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig,
at gayon din naman magmulá sa Sabado Santo hangang sa Sábadong
vísperas nang Santísima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na
nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i,
ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra,
at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdarasál
nang rosario, pagcatapos, magaaral nang dasál ang iba, at ang iba
nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las
ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalaró ang iba, at
ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdarasál na
saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos,
pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa
arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang
bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na
ang pagtulog ay larauan nang camatáyan, at ang hinihigang banig, ay
cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa
gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na
pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong
catauan. Macalauà isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang;
ang iba,i, minsan sa isang buan, ó lingo, at ang sinusunod ang utos
nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at
siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol
sapaglilingcód sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios,
Feliza.--URBANA.

CAASALAN NI HONESTO
=ULIRAN NA NG MAN~GA BATA.=
Si Feliza cay Urbana.--PAOMBON ...
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matatáas na

hatol na inilalaman mo sa iyong mán~ga sulat. Cun ang batang ito
maquita mo disin, ay malulugód cang di hamac at mauiuica mo, na ang
caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan.
Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuyó
sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin
sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa
halamanan, pipitás nang san~gáng may man~ga bulaclac,
pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete,
inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; isáng
azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa
Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcapán nang tatlong Aba
Guinoong Maria. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang
isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at
ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitlâ nang caniyang
inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sangól, na hari nang
man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong págsulat, at nang
paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.--FELIZA.

CAASALAN SA SARILI.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatoláng ucol sa
paglilingcód sa Dios, n~gayo,i, isusunód co áng nauucol sa sarili nating
catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela,
maghihilamos muna, suclain aayosin ang buhóc, at ang baro,t, salauál
na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa
pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buhóc na parang tulisan,
sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cucó
houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot
sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cucó, ay
nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay
magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro ó sa iba
cayang pinaca matandá sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa
pagbebendición muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun
madurumhán ang camay, muc-ha ó damit, ay maglinis muna bago pa sa

escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla ó
regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing
dun~gis dun~gisan. Cun naquíquipagusap sa capoua tauo, ay houag
magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin,
houag hahaloan nang lanyós ó lambing houag cacamotcamot ó
hihilurin caya ang camáy ó babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo
pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating
magulang ó matandá caya,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 49
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.