Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 5

Modesto de Castro
sagót sa
aming pagdarasál ó maca sagót man ang iba,i, hindi magauing lumuhód,
ó di matutong uman-yó, na nauucol bagang gauin sa harapán nang Dios.
Sa pag darasál namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag
papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaulâ, sa pag lalaro,i,
nananampalasan sa capoua bata, ó nan~gun~gusap caya nang di
catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca
pag dadalang galit. ¡Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban
tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan sá
cahangalang ito nang man~ga bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i,
ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingcód sa Dios; ang
pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa
cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihigán, nag cucruz
muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang
itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto,
maniniclohód cami saharapán nang larauan nang ating Pan~ginoong
Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang púso sa pag
lilingcód sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa
casalanan.
Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit
na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz
muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang
magpalin~gap-lin~gap, ang maglaró at magtauánan. Pagdating sa
pintoan nang simbahan, ay magdarasál ang baua,t, isa sa amin nang
panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc
nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t,
cautusán, na cun may casamang mahal ó matandá, ay dapat ialay.
Pagca tapos, ay lalacad at maniniclohód sa harap nang Santísimo
Sacramento; ang iba,i, magdarasál nang rosario, ang iba,i, may hauac
na libro sa camáy at dinadasál ang man~ga panalan~ging ucol sa
pagsisimbá. Sa pagluhód namin, ay ibinabaual nang Maestra, na

palibotlibotin ang matá, itinuturo na itun~gó ang ulo, at nang houag
malibáng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig
nang sermón, ay tinutulutang umupó cami, n~guni, ipinagbabaual ang
maningcayád, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan
ang upòng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagupó namin, ay
ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang
bibig, matá at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang
Dios Espíritu Santo, na ipinahahayág nang Sacerdote Feliza,
nan~gan~galó na ang camáy co sa pagsúlat, ay sa iba nang arao
sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan.
Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang
sulat.--URBANA.

ANG AASALIN SA SIMBAHAN
Si Urbana cay Feliza.--MANILA....
FELIZA: Napatid ang hulí cong sulat sa pagsasaysay nang tapát na
caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy
co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa
simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at
cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui
tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo
nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i,
dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompisál. ¡Oh Feliza!
¿napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ¿napasaan caya ang
canilang cahinhinán? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng
cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang
muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?[3]
¿Diyata,i, hangang sa confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di
nagpipitagang itanyág ang muc-há sa Sacerdote? may naquiquita
namang naquiquipagtauánan sa capoua babaye; ó uupó caya at
maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang
bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.
Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay

Honesto, na bunsó tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa
simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag
mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maniniclohód nang boong
galang sa harapán nang Dios, magdarasál nang rosario, at houag tularan
ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala,
nacabucá ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag
bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo,
Feliza, ang hulí cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at
saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacpán nang saya,
sapagca,t, ga nacamumuhí sa malinis na matá ang ipaquita. Ipahayag
mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza,
hangang sa isang sulat.--URBANA.

CAGAGAUAN NI URBANA SA BAHAY NANG MAESTRA.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimbá na, cacain cami sa agahan,
pagcatapos ay maglilibanglibang ó maghuhusay caya nang
cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinisán at cahusáyan, ay
hinahanap nang matá nang tauo, tauong náguising at namulat sa
cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong
pinagaaralan; ang iba,i, darampót nang pluma, tintero,t, ibang
casangcapang ucol sa pagsulat, magdarasál na sumandali bago umupó
sa pagaarál, hihin~ging tulong sa Dios at
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 49
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.