linacarang lupa, cun maalaala co na
dahilan dito,i, iguinagalang nang man~ga batang lalaqui,t, di ca
mahaguisan nang masamáng aglahí ay namamanghá aco, at naipag
hahalimbaua quita sa reina nang man~ga bulaclac, na pinaggugulan
nang dunong nang naturaleza, na biniguian nang caaya-ayang culay,
cauili-uiling ban~gó,t, naca bibihag na diquit; n~guni cun paugahasáng
salan~gin nang salan~gapang na camáy, ay capilitang magdurusa, sa
pagca,t, ipinagtatangól nang tinic.[2]
Cung aco,i, mangaling sa escuela, macapag pahin~gá nang munti,
mupó sa habiha,t, pagaralan cong habihin ang damit na isusuot ni ama
ó ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurihán nang
isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na
caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umupó sa tabi nang
panahian, dumampót nang cayo-gumamit nang carayom, at magbuó
nang damit, ó humarap caya sa calán, magtiis nang init nang apóy sa
pan~gun~gusina, ó aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusunód
co,i, yaong magandá mong hatol na ang gagauin nang babaye,
pagcamulat nang matá hangang sa ipiquit ay ualang catapusán, at dapat
ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggauá toui na, sa
pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang
catamara,i, isang capintasan.
Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na,
nagcucunót ang noó mo, ga namumuhí na,t, tinutugón mo aco, at
nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin
sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagauá mo sa arao arao, ¿ay ano
caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang
gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagauá mo n~gayong
magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalaró
ta, nang quita,i, musmós pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong
sinusunód, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang
guinagauá co n~gayon.
N~gayong masunód co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay
nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman
sa aquin ang magandang aral na tinangáp mo sa marunong na Maestra,
diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i,
lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin
mo.--FÉLIZA.
ANG PINAG ARALAN NI URBANA.
Si Urbana cay Feliza.--Manila ...
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t,
nang binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan.
Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i,
may saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at
di cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi
ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót
mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na
puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang
natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing
nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti
ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang
masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi
mo ang magandang aral na tinangap co cay Doña Prudencia na aquing
Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat
nang taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang
una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala,
mamintuho, maglingcód at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang
cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang
paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay
hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang
catungculan nang tauo, bucód dito nama.i, n~gayong, á las sieting
mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang
pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sunód co sa
cahin~gian mo: Adios, Feliza.--URBÀNA.
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO SA DÍOS
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so
iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panahóng itong itinirá co sa Ciudad, ay marami ang
dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing
maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalastás nang tatlong
daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga
batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit
cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa
cani-canilang cabaitan ó cabuhalhalán nang asal. Sa carunun~gang
cumilala sa Dios ó sa cahan~galan, ay nahahayág ang casipagan nang
marunong na magulang na magturo sa anac, ó ang capabayaan. Sa
man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na
malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin,
sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad
disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.