sa uháy, ay
cumita nang sayá.
Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa
lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat
ay na ibayuhan.
Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at palibhasa,i,
cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i, malilimutan na nang
mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan ay masasambit din
ang aquing pan~galan, at sa harapán nang Dios ay alalahanin nang
isang Responso ó Ave Maria.
Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang
aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong
aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat
macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.
PAQUIQUIPAGCAPOUA TAUO.
UNANG SULAT NI FELIZA CAY URBANA.
Paombon y Mayo 10. 185 ...
URBANA: N~gayong á las seis nang hapon na pinagugulong nang hari
nang astros ang carrusang apuy, at itinatago sa bundoc at cagubatan,
ipinagcacait sa isang capuloan ang caliuanagan, at sa alapaap ay
nagsasambulat nang guinto,t, púrpura: ang mundo,i, tahimic, sampuo
nang amiha,i, hindi nag tutuli,i, nagbibigay alio, ang man~ga bulaclac,
ay nan~gag sasabog nang ban~gong inin~gat sa doradang caliz; ang
lila,t, adelfa na itinanim mo sa ating pintoan; ang lirio,t, azucena; ang
sinamomo,t, campupot na inihanay mo,t, pinag tapattapat sa daang
landas na ang tinutun~go,i, ating hagdanan; oras na piniling
ipinagsasaya, nan~gagsisin~giti,t, ang balsamong in~gat ay ipinadadala
sa hihip nang han~gin; mapalad na oras na ipinag lilibang nang
camusmusán ta, ipinagpapasial sa ating halamanan.
Marahil Urbana,i, di mamacailang pagdating sa iyo nang oras na ito,
ang alaala mo,t, boong catauohan ay nagsasaoli sa ating halamanan,
iyong sinasagap ang balsamong alay nang man~ga bulaclac na bago
pamuti sa parang linalic na man~ga daliri mo,i, pinaiibayuhan ang di
munting pagod sa pagaalaga.
Naglilibang icao, aco,i, gayon din naman, at dito sa lihim nang
namumulaclac na suhâ, ay sinasagap co ang caaya-ayang ban~gò,
pinanonood co ang lipad nang ibong napaiilang lang sa himpapauid;
ang pato at tagác na nonoui sa hapunan, husay nang pag liliparan, tulad
sa ejércitong nag susunod sunod, ualang nahihiualay, iisa ang loob iisa
ang tun~gò, isa ang sinusundan nang sang bayanang ibon, at palibhasa i,
tulad din sa tauo may pinipintuho,t, sinusunod na hari. Sa pag
didili-diling ito i, di caguinsa guinsa,i, napaimbulog ang pag iisip co,
icao ang hinanap sa loob nang halamanan, sinundan sundan ca at
napanood cong mamumuti nang bulaclac, pinag salit salit, pinag tama
tama ang sari-saring culay, guinagauang ramillete: saca co naquita na
inihahain sa maalindog na reina nang rosas, ni Urbana, rosa naman sa
calinisan. Magpahangan n~gayo,i, aquing natatanao na nunuti ca nang
amapola, nang maquita co na nagniningning na sa man~ga buroc na
iyong daliri ay sinundan quita, napahabol ca naman, saca nang abutan
quita,i, conouari itinangui ang quimquim na bulaclac, saca ipinaagao sa
aquin: at nang macuha co na,i, in~gay nang canitang paghahalac-hacan
sa loob nang halamanan. ¡Masayáng halac-hac na iquinagagalac ni
ama,t, ni ina na ninitang toua sa pag aaliuan nang dalauang anác!
Magpahanga n~gayo,i, di co nalilimutan ang casipagan mo, na pagca
guising sa umaga,i, malicsing baban~gon, sasandatahin ang cruz,
maninicluhod ca,t, magpupuri sa Dios, magpapasalamat at iniadya ca sa
madlang pan~ganib at pinagcalooban nang buhay na ipaglilingcód sa
caniyang camahalan sa arao na iyon Dios ang unang bigcás nang labi
mo, at palibhasa,i, Dios ang unang isip mo.
Aquing natatanao ang cauili uiling anyó mo, ang cabaita,t, cahinhinan
na nagniningning sa iyong paglacad at boong caasalan, na ipinaquiquita
sa pagtun~go sa simbahan, at ipinaqui-quinyig nang Santo Sacrificio.
N~gayo,i, naqui-quita cong bucás ang dibdib mo, at natatanao co ang
malinis mong puso, na naquiquibagay sa sacerdote na inihahain mo
nang boong pagibig, ang Dios nang pagibig na hauac sa camay, at
iniaalay sa di matingcalang Ama, alaala,t, galang sa mataas niyang
capangyarihan, na ipinag-hahari sa sangdaigdigan.
Nalulugod aco sa capacumbabaan mo at pamimintuho cay ama,t, cay
ina, na palaguing gayac ang loob sa pagsunod sa canilang utos, at
paghin~gi nang bendicion bago patun~go sa escuela. Dili magcasiya sa
puso co ang quinamtan cong toua; n~gayong nagsasaoli sa aquing
alaala ang casipagan mong magaral nang leccion na ibinibigay nang
Maestra, sa pagnanasang maliuanagan ang bulag na isip, at maca
quilala sa Dios na cumapal nang iyong catauohan, punong pinagmulan
nang iyong caloloua at siya ring caoouian.
Ang cabaitang di hamac na ipinaquiquita mo sa escuela, na tinitipid mo
ang gaui nang cabataang mag laró sa capoua bata; ang cahinhinan nang
iyong asal na di maquitaan nang cagaslaua,t, catalipandasan, mag
pahangan n~gayo,i, di nalilimutan nang canitang Maestra, at sa touing
masabi sa aquin, ay nagagalác ang loob co,t, nagnanásang mahouarán
ang magandang caasalan mo. Ang mabining lacad na bucál sa iyo,t, di
pinagaralan; ang mahinhing titig nang matá mo na di nag papalibot
libot, at ang tinapunan ay ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.