nang houag cayamut��n.
Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalit�� naman ay susucatin, huag magpapalamp��s nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa matanda ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.
Ang pagsasalit�� ay sasayah��n, ilagay sa ugali, itunt��ng sa guhit, houag hahaluan nang cahambug��n, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinag��t nang causap. F����, F����, na ang cahulug��n ay, habagat, habagat. Huag magpalamp��s nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinag��t nang cahar��p: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.
Sa paquiquipaghar��p, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casam��n n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran.
Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.
Sa pagsasalitat,i, houag cucump��scumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayam��t sa quinacausap.
Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, buc��d sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.
Cun tumama nang isang hamb��g, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.
Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalit��, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabil��n, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masam�� rin naman ang magasal tan~g��, na nacatingal�� na parang napahuhula. Ilagan ang catabil��n, at ayon din ang catan~gahan.
Houag maghihic��b �� magiinat, at nang di uicaing nayayam��t, �� pinauaualang halag�� ang causap.
Sa pagbibiroan, ay houag bumigc��s nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo.
Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, �� iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalat�� nang calumbayan �� cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia �� basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto �� lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.
Sa pagsasalita,i, houag magasal pus��ng �� bobo, sapagca,t, cun tap��s na ang toua at salit��, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.
Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuy��, ay isaloob mo yao,i, nagmul�� sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa har��p, ay iin~gatan mo ang pagbigc��s nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuy�� mo.
Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matand��, guino�� �� mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintand�� mo �� casing taas mo.
Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan �� capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magand��, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gau��, �� magsaysay nang canilang abilidad �� carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.
Sa pagsasalita,i, cun may mamali �� magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupit��n �� iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.
Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italic��d ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salit��, at tatalicd��n ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba.
Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.
Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calag��yan. Adios Feliza.--URBANA.
PARAAN NANG PAGSULAT.
MANILA.....
MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matant�� nang pinagpapadalh��n.
Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.
Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.
Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.
Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap.
Iba ang sulat nang mata��s sa mababang tauo, at nang mababa sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.