mata��s; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.
Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matand�� sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.
Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gram��tica, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.
Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matut��; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.
Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintas��n sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.
Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.
Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.
Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.
Ang bigc��s nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatag��n at nang di icapintas sa atin.
May bago n~gayong caugalian na ang sobre �� taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.
Ang pliegong gagamitin ay bo��, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatal�� sa papel.
Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.
Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila �� mahalagang bagay ucol na simul��n.
Ang letrang diquit-diguit na nacagugul��, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad �� bayan na di punoan nang muy��scula �� letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.
Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.
Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsar��, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.
Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibab��, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.
Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas, ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliu��.
Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.
Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.
Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.
Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.--URBANA.
REGLA SA PAGSULAT
MANILA....
FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.
Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang Francisco Baltazar; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang Espa?a Maynila, Bi?ang, Batangas, Arayat, Oc��ano, Pasig, Bumbun~gan; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang Teolog��a, nang Artes, para nang Gram��tica, Poecia; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang General, Papa, Arzobispo.
Gayon man cun sa Oraci��n �� isang sabing bo�� ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si Benito at si Mariano ay capoua nagaral sa pandayan.
Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas �� tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma(;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Par��ntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etc��tera �� Etc��tera (&c.): Acentos (����a): Rayas �� comillas--?.
Ang Coma, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oraci��n, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.
Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oraci��n; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.
Ang Punto y Coma, ay tanda nang pagcacaiba �� pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi �� Oraci��n, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man, Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos.
Ang dalauang Punto, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatul��n nang Santo Evangelio, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.
Ang Par��ntesis, ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oraci��n, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.