Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 6

Modesto de Castro
caming man~ga bata,i, sumasag��t nacatindig na lahat, ang cataua,i, matouid at iniaany�� sa lugar. Pagcarinig namin nang n~galang Jesus at Gloria Patri, ay itinutun~g�� ang ulo, at saca cami,i lumulocl��c sa pagcain. Pagcatapos, magpupuri,t, magpapasalamat sa Dios. Sa hapon cami ay nagaaral para rin sa umaga. Pagtugtog nang Ave Maria ay magdarasal cami nang pagbati nang Angel cay Guinoong Santa Maria, na paluh��d; sa arao nang Sabado at Domingo nan~g hapon, ay patindig, at gayon din naman magmul�� sa Sabado Santo hangang sa S��badong v��speras nang Sant��sima Trinidad. Gayon ang bilin nang Santo Papa, na nagcaloob nang indulgencia sa dasal na ito. Pagcatapos, sino ma,i, ualang tumitindig sa amin hangang hindi nan~gun~guna ang Maestra, at saca nagbibigay nang magandang gabi sa caniya. Sa gabi magdaras��l nang rosario, pagcatapos, magaaral nang das��l ang iba, at ang iba nama,i, tinuturuan nang Maestra nang paquiquipagcapoua tauo. A las ocho cami humahapon; pagcatapos, naglilibang, naglalar�� ang iba, at ang iba,i, nagsasalitaan. A las nueve y media, cami,i, nagdaras��l na saglit, isang cuartong oras bumabasa nang gunamgunam, pagcatapos, pagdidili-dilihin ang binasa, magaalaala nang casalanang nagaua sa arao na yaon; at inahihin~gi nang tauad sa Panginoong Dios. May isang bumabasa sa amin naman niyaong man~ga uica, na gunam gunamin na ang pagtulog ay larauan nang camat��yan, at ang hinihigang banig, ay cahalimbaua nang hucay; hindi nalalaman nang isa,t, isa, na cun sa gabing iya,i, hahatulan nang Dios, na ipa-paris sa haring Baltazar na pinangusapan. Sa gabing ito,i, huhugutin ang caloloua mo sa iyong catauan. Macalau�� isang lingo, nagcocompisal aco at naquiquinabang; ang iba,i, minsan sa isang buan, �� lingo, at ang sinusunod ang utos nang man~ga confesores. Ang lahat na ito, Feliza, ay alinsunurin mo, at siya mo rin namang ituro cay Honesto, sapagca,t, nauucol sapaglilingc��d sa Dios, sa paquiquipagcapoua tauo: Adios, Feliza.--URBANA.

CAASALAN NI HONESTO
=ULIRAN NA NG MAN~GA BATA.=
Si Feliza cay Urbana.--PAOMBON ...
URBANA: Si Honesto,t, aco,i, nagpapasalamat sa iyo, sa matat��as na hatol na inilalaman mo sa iyong m��n~ga sulat. Cun ang batang ito maquita mo disin, ay malulug��d cang di hamac at mauiuica mo, na ang caniyang mahinhing asal ay cabati nang Honesto niyang pan~galan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa capoua bata, hindi mabuy�� sa paquiquipagauay, at manga pan~gungusap na di catouiran. Mauilihin sa pagaaral at sa pananalan~gin; pagcaumaga,i, mananaog sa halamanan, pipit��s nang san~g��ng may man~ga bulaclac, pinagsasalitsalit, iba,t, ibang culay, pinagaayos, guinagauang ramillete, inilalagay sa harap nang larauan ni Guinoong Santa Maria; is��ng azucena ang inauucol sa iyo, isang lirio ang sa aquin, at paghahain sa Reina nang man~ga Virgenes ay linalangcap��n nang tatlong Aba Guinoong Maria. Cun macapagcompisal na at saca maquinabang ang isip co,i, Angelito, na cumacain nang tinapay nang man~ga Angeles, at ga naquita co, na ang pagibig at puring sinasambitla nang caniyang inocenteng labi, ay quinalulugdan nang Dios na Sang��l, na hari nang man~ga inocentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong p��gsulat, at nang paquinaban~gan namin: Adios, Urbana.--FELIZA.

CAASALAN SA SARILI.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: Aquing naisulat na sa iyo, ang madlang cahatol��ng ucol sa paglilingc��d sa Dios, n~gayo,i, isusun��d co ��ng nauucol sa sarili nating catauan. Sabihin mo cay Honesto, na bago masoc sa escuela, maghihilamos muna, suclain aayosin ang buh��c, at ang baro,t, salau��l na gagamitin ay malinis; n~guni,t, ang calinisa,i, houag iuucol sa pagpapalalo. Houag pahahabaing lubha ang buh��c na parang tulisan, sapagca,t, ito ang quinagagauian nang masasamang tauo. Ang cuc�� houag pahahabain, sapagca,t, cun mahaba, ay pinagcacaratihang icamot sa sugat, sa ano mang dumi nang catauan, nadurumhan ang cuc��, ay nacaririmarim, lalonglalo na sa pagcain. Bago magalmosal, ay magbigay muna nang magandang arao sa magulang, maestro �� sa iba cayang pinaca matand�� sa bahay. Sa pagcain, ay papamihasahin mo sa pagbebendici��n muna, at pagcatapos, ay magpasalamat sa Dios. Cun madurumh��n ang camay, muc-ha �� damit, ay maglinis muna bago pa sa escuela. Houag mong pababayaan, na ang plana, materia, tarsilla �� regla, papel, libro,t, lahat nang ga~gamitin sa escuela ay maguing dun~gis dun~gisan. Cun naqu��quipagusap sa capoua tauo, ay houag magpapaquita nang cadun~goan, ang pan~gun~gusap ay totouirin, houag hahaloan nang lany��s �� lambing houag cacamotcamot �� hihilurin caya ang cam��y �� babasin nang lauay ang daliri at ihihilod mo pa n~ga,t, houag magpapaquita nang casalaolaan. Sa harap nang ating magulang �� matand�� caya, ay houag mong pababayaang manabaco, �� man~gusap caya nang calapastan~ganan, �� matunog na sabi. Cun naquiquipaglar? sa capoua bata, ay houag tulutan na maglapastan~gan, �� dumh��n caya ang damit nang iba, at pagpilitian mo na yaong caraniuang uicain nang tauo, na ang masam�� sa iyo,i, houag mong gauin sa iyong capoua, ay itanim sa dibdib at alinsunurin. Sa capoua bata, ay houag magbibigay nang cacanin na may cagat, �� marumi.
Matanda at bata, ay may pinagcacaratihang casalaolaan, na carima-rimarin. Cun naquiquipagusap sa capoua tauo, caraca-raca,i, ilalagay ang daliri sa il��ng at sisin~g��. Ca-iin~gat, Feliza, na ito,i, gauin ni Honesto. Cun sisin~ga man ay sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 48
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.