Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza | Page 5

Modesto de Castro
bata, ay di unang itinuro nang Maestra,i, ang dasalan, at nang matutong cumilala at maglingc��d sa Dios; ang pagbasa nang sulat, cuenta, pagsulat, pananahi, at nang maalis sa cahan~galan. Dinguin mo naman ang aming gagauin sa arao arao.
Sa umagang pagca guising bago cami malis sa hihig��n, nag cucruz muna, nagpupuri,t, nagpapasalamat sa Dios, para rin naman nang itinuturo sa atin nang canitang magulang. Macaraan ang ilang minuto, maninicloh��d cami saharap��n nang larauan nang ating Pan~ginoong Jesucristo at ni Guinoong Santa Maria, ihahayin ang p��so sa pag lilingc��d sa Dios sa arao na yaon, hihin~gi nang gracia na icaiilag sa casalanan.
Cun matapos ito,i, maghihilamos, magsusuclay, magbibihis nang damit na malinis, patutun~go sa hagdanan, at bago manaog ay magcucruz muna, yayauo sa simbahan; sa paglacad namin ipinagbabaual ang magpalin~gap-lin~gap, ang maglar�� at magtau��nan. Pagdating sa pintoan nang simbahan, ay magdaras��l ang baua,t, isa sa amin nang panalan~ging sinipi sa salmo na na sa ejercicio cuotidiano. Pagcaoc nang tubig na bendita, ay iniaalay co sa aquing maestra, sapagca,t, cautus��n, na cun may casamang mahal �� matand��, ay dapat ialay. Pagca tapos, ay lalacad at maninicloh��d sa harap nang Sant��simo Sacramento; ang iba,i, magdaras��l nang rosario, ang iba,i, may hauac na libro sa cam��y at dinadas��l ang man~ga panalan~ging ucol sa pagsisimb��. Sa pagluh��d namin, ay ibinabaual nang Maestra, na palibotlibotin ang mat��, itinuturo na itun~g�� ang ulo, at nang houag malib��ng sa lumalabas at pumapasoc na tauo. Cun cami,i, naquiquinyig nang serm��n, ay tinutulutang umup�� cami, n~guni, ipinagbabaual ang maningcay��d, sapagca,t, sa lalaqui ma,t, sa babaye, ay mahalay tingnan ang up��ng ito, at tila ucol lamang sa hayop. Sa Pagup�� namin, ay ipinagbibilin nang Maestra na cami ay magpacahinhin, itatahimic ang bibig, mat�� at boong catauan, paquiquingang magaling ang aral nang Dios Esp��ritu Santo, na ipinahahay��g nang Sacerdote Feliza, nan~gan~gal�� na ang cam��y co sa pags��lat, ay sa iba nang arao sasaysayin co sa iyo ang man~ga biling ucol sa paglagay sa simbahan. Ihalic mo aco sa camay ni ama,t, ni ina: Adios, hangang sa isang sulat.--URBANA.

ANG AASALIN SA SIMBAHAN
Si Urbana cay Feliza.--MANILA....
FELIZA: Napatid ang hul�� cong sulat sa pagsasaysay nang tap��t na caasalan, na sucat sundin sa loob nang simbahan: n~gayo,i, ipatutuloy co. Marami ang naquiquita sa man~ga babayeng nagsisipasoc sa simbahan, na lumalacad na di nagdarahan, nagpapacagaslao-gaslao, at cun mariquit ang cagayacan, ay nagpapalin~gaplin~gap, na anaqui tinitin~gnan cun may nararahuyo sa caniya. Marami ang namamanyo nang nan~gan~ganinag, nacabin~git lamang sa ulo at ang modang ito,i, dala hangang sa paquiquinabang at pagcocompis��l. ?Oh Feliza! ?napasaan caya ang galang sa lugar Santo? ?napasaan caya ang canilang cahinhin��n? Diyata,i, lilimutin na nang man~ga babayeng cristiano yaong utos sa canila ni S. Pablo, na pinapagtataquip nang muc-ha sa loob nang simbahan, pacundan~gan sa man~ga Angeles?[3] ?Diyata,i, hangang sa confesionario,i, dadalhin ang capan~gahasang di nagpipitagang itany��g ang muc-h�� sa Sacerdote? may naquiquita namang naquiquipagtau��nan sa capoua babaye; �� uup�� caya at maquiquipagn~gitian sa lalaquing nanasoc, ano pa n~ga,t, sampo nang bahay nang Dios ay guinagauang lugar nang pagcacasala.
Itong man~ga biling huli na ucol sa lalaque, ay ipahayag mo cay Honesto, na buns�� tang capatid. Pagbilinan mo, na pagpasoc sa simbahan, ay houag maquipagumpucan sa capoua bata, nang houag mabighani sa pagtatauanan at pagbibiroan. Maninicloh��d nang boong galang sa harap��n nang Dios, magdaras��l nang rosario, at houag tularan ang naquiquita sa iba, sa matanda ma,t, sa bata na nacatin~gala, nacabuc�� ang bibig na parang isang han~gal, na napahuhula. Houag bobonotin ang paa sa chapin, sapagca,t, isang casalaulaan. At sa iyo, Feliza, ang hul�� cong bilin, ay houag mong bobonotin sa simbahan at saan man ang paa sa chinelas, at pagpilitan mong matacp��n nang saya, sapagca,t, ga nacamumuh�� sa malinis na mat�� ang ipaquita. Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang boong cagalan~gan co: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.--URBANA.

CAGAGAUAN NI URBANA SA BAHAY NANG MAESTRA.
Si Urbana cay Feliza.--MANILA....
FELIZA: Sa a las siete,t, cami macasimb�� na, cacain cami sa agahan, pagcatapos ay maglilibanglibang �� maghuhusay caya nang cani-caniyang casangcapan, sapagca,t, ang calinis��n at cahus��yan, ay hinahanap nang mat�� nang tauo, tauong n��guising at namulat sa cahusayan at calinisan. A las ocho, gagamit ang isa,t, isa nang librong pinagaaralan; ang iba,i, daramp��t nang pluma, tintero,t, ibang casangcapang ucol sa pagsulat, magdaras��l na sumandali bago umup�� sa pagaar��l, hihin~ging tulong sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinagaaralan; magaaral hangang �� las diez, oras nang pagleleccion s�� amin nang Maestra; pagcatapos, magdaras��l nang rosario ni Guinoong Santa Maria. Pag nacadas��l na nang rosario, aco,i, nananah��, �� naglilinis caya nang damit, at pag cumain ay iguinagayac co ang servilleta, linilinis co ang tenedor, cuchara at cuchillo, na guinagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito,i, cung maquita nang Maestrang marumi, ay cami,i, pinarurusahan. Pagtugtog nang �� las doce, oras nang aming pagcain ay pasasa mesa cami, lalapit ang isa,t, isa sa cani-caniyang loclocan, magbebendicion ang Maestra sa cacanin,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 48
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.