ang damit na isusuot ni ama �� ni ina, ay naaalaala co yaong matouid mong aral na capurih��n nang isang anac na babaye, ang maca pagalay sa magulang nang damit na caniyang pinagpagurang hinabi. Pag aco,i, umup�� sa tabi nang panahian, dumamp��t nang cayo-gumamit nang carayom, at magbu�� nang damit, �� humarap caya sa cal��n, magtiis nang init nang ap��y sa pan~gun~gusina, �� aco caya,i, mag linis sa pamamahay, ang sinusun��d co,i, yaong magand�� mong hatol na ang gagauin nang babaye, pagcamulat nang mat�� hangang sa ipiquit ay ualang catapus��n, at dapat ang uica mong papamihasahin ang catauan sa paggau�� toui na, sa pagca,t, ang casipagan at calinisan, ay hiyas nang babaye, at ang catamara,i, isang capintasan.
Sa pagbasa mo, Urbana, nitong aquing titic, ay parang naquiquita co na, nagcucun��t ang no�� mo, ga namumuh�� na,t, tinutug��n mo aco, at nan~gun~gusap ca sa aquin: ang bilin co sa canitan Maestra na sabihin sa iyo na isulat mo sa aquin ay ang guinagau�� mo sa arao arao, ?ay ano caya ang cadahilanan Feliza, at ang sinaysay mo dito sa sulat ay ang gagauin co nang quita,i, nagsasama, at di ang guinagau�� mo n~gayong magca hiualay cata? Sa tanong mong ito,i, liban na lamang sa paglalar�� ta, nang quita,i, musm��s pa,i, cun anong hatol mo,i, siya cong sinusun��d, at ang gagauin mo, nang icao,i, dirine, siya rin namang guinagau�� co n~gayon.
N~gayong masun��d co na ang cahingian mong sumulat aco sa iyo, ay nauucol namang gantihin mo itong aquing sulat, at isaysay mo naman sa aquin ang magandang aral na tinang��p mo sa marunong na Maestra, diyan sa Maynila, sa loob nang apat na taong icao,i, tinuturuan. Dito,i, lulutasin co itong aquing titic: Adios, Urbana, hangang sa aco,i, sagotin mo.--F��LIZA.
ANG PINAG ARALAN NI URBANA.
Si Urbana cay Feliza.--Manila ...
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang binabasa co na,i, napintas��n quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may saquit �� ual��; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di cataca-tac�� sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi ang b��hay co cun di ang b��hay mo ang itinatanong co,i, ang isinag��t mo,i, ang pinagdaanan nang camusmus��n ta, at madlang matataas na puri sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing nagcucun��t ang no�� co, at sa man~ga casun��d na talata, ay nan~giti ang puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang masunoring loob.
N~gayo,i, dinguin mo naman at aquing sasaysayin yamang hinihin~gi mo ang magandang aral na tinangap co cay Do?a Prudencia na aquing Maestra. Natatanto mo, na aco,i, marunong nang bumasa nang sulat nang taong 185 ... na cata,i magcahiualay. Pag dating co rini, ay ang una, unang ipinaquilala sa aquin, ay ang catungculan nating cumilala, mamintuho, maglingc��d at umibig sa Dios; ang icalaua,i, ang cautan~gan natin sa ganang ating sarili; at ang icatlo,i; ang paquiquipagcapoua tauo. N~guni, at sa pagca ang sulat na ito ay hahabang lubha, cun aquing saysayin itong man~ga daquilang catungculan nang tauo, buc��d dito nama.i, n~gayong, �� las sieting mahiguit nang umaga na aco,i, sumusulat, ay malapit na ang oras nang pag-aaral co, ay sa icalauang sulat mo na hintin ang pag sun��d co sa cahin~gian mo: Adios, Feliza.--URB��NA.
ANG CATUNGCULAN NANG TAUO SA D��OS
Si Urbana cay Feliza.--MANILA ...
FELIZA: N~gayon tutupdin ang cahin~gian mo, na ipinan~gaco co so iyo sa huling sulat fecha....
Sa man~ga panah��ng itong itinir�� co sa Ciudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagcacatiuala nang magulang sa aquing maestra, at ipinag bibilin na pag pilitang macatalast��s nang tatlong daquilang catungculan nang bata na sinaysay co sa iyo. Sa manga batang ito, na ang iba,i, casing edad mo, at ang iba,i, humiguit cumulang, ay na pag quiquilala ang magulang na pinagmulan, sa cani-canilang cabaitan �� cabuhalhal��n nang asal. Sa carunun~gang cumilala sa Dios �� sa cahan~galan, ay nahahay��g ang casipagan nang marunong na magulang na magturo sa anac, �� ang capabayaan. Sa man~ga batang ito,i, ang iba,i, hindi marunong nang ano mang dasal na malalaman sa doctrina cristiana, na para baga nang Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan, na sa canilang edad disin, ay dapat nang maalaman nang bata, caya hindi maca sag��t sa aming pagdaras��l �� maca sag��t man ang iba,i, hindi magauing lumuh��d, �� di matutong uman-y��, na nauucol bagang gauin sa harap��n nang Dios. Sa pag daras��l namin, ay nag lulupagui, sa pagsimba,i, nag papalin~galin~ga, sa pagcain ay nag sasalaula, sa pag lalaro,i, nananampalasan sa capoua bata, �� nan~gun~gusap caya nang di catouiran; caya ang man~ga batang ito,i, maquita mo lamang ay maca pag dadalang galit. ?Oh Feliza, gandang palad natin, at pinagcalooban tayo nang Pan~ginoong Dios nang marunong na magulang! Dahilan s�� cahangalang ito nang man~ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.