nauaualang loob at natitilihan sa man~ga cababalaghan mong Misterio, at nagcamit pang nanood dini sa buhay na yari nang Trinidad na casanto-santosan, at naguing dapat numamnam nang dugong camahal-mahalan sa taguiliran nang aming Pan~ginoong Jesucristo, at nang calinalinamnamang gatas nang casanto-santosang Virgen Mar��a, at pinagitanan nilang mag-Ina na uala siyang matotohang lin~gonin nang malaquing pagcatoua, at ungmalab na sungmilacbo ang apoy nang caniyang sinta cay Jes��s at cay Mar��a: ay panin~gasin mo naman, Pan~ginoon co, ang dibdib co sa pagcauili cay Jes��s at sa caniyang casanto-santosang Ina. At sa iyo nainan, Arao na maalab, aco,i, ungmaamo-amo, na pacundan~gan sa catouaan mong quinamtan dito sa man~ga caloob sa iyong ito, ay idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios nang graciang hinin~gi co dito sa novenas na ito, at idalan~gin mo pa naman aco nang caliuanagan nang loob, na icatututo cong magnilay nang man~ga camahalan niya,t, caloob, at nang cun maboong manatili ang aquing loob dito sa pagninilay na ito, ay houag acong may hanapi,t, han~garin, cundi ang igaganti cong catampatan, at nang purihin ang caniyang camahalan magpasaualang hangan. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICAPITONG ARAO.
?Ay Jes��s! Dios na totoo,t, Maestro nang tanang sarisaring cabanalan, na inilagay mo,t, inihalal dini sa ibabao nang lupa ang aquing Amang san Agust��n, dili nang pamahayan nang lahat na man~ga cabanalan lamang, cun di nang alaga,t, diliguin (at parang totoong arao) ay palagoin pa naman niya ang man~ga cabanalan sa halamanan nang santa Iglesia, at magacay siya,t, manogot sa pitong puo,t, limang Religi��n, na umaalinsunod sa liuanag nang caniyang casanto-santosang Regla at aral nang totoong pagpapacaruc-ha, pamimintuho at pag-iin~gat sa cahalayan; ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoong co, ay ang itanim mo sa caloloua co ang lahat nang cabanalan, at nang cun aco,i, maguing duc-hang totoo sa loob, at mapagin~gatang co ang dilang cahalayan, at masunod co ang man~ga utos mo, ay maguing dapat pamahayan ang puso co nang Sant��sima Trinidad. At sa iyo, casanto-santosang Patriarca, dumaraing naman aco, at dumadalan~gin na aco,i, anaquin mo, di man aco dapat, at ipagcaloob mo sa aquin ang hinihin~gi co dito sa novenas na ito, sampon nang icao rin ang parating maguing panogot, paraluman at Maestro co, at nang sa tulong nang iyong liuanag tontonin nang caloloua co, na houag ding masinsay, ang itinuro mong daang cabulusan sa Lan~git. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICAUALONG ARAO.
?Aba Pan~ginoon at mananacop sa amin! na nagbigay cang pasunod sa Ama cong san Agust��n, nang tularan niya ang manin~gas mong pagcaibig sa man~ga caloloua, at caya inibig niyang minahiguit ang mamatay siya, houag lamang niyang maquitang hinahamac ang man~ga tantong dapat igalang na man~ga casangcapan sa Simbahan, at houag mapanood nang maibiguin niyang mata ang libuti,t, pag-itanan nang caganiran nang man~ga ereges ang man~ga obejas niyang caual, at pinagcalooban mo rin siyang maglin~gid nang caniyang liuanag, at mamatay nang magpanibagong mabuhay sa lalong mabuting lan~git, at pinagpala mo siya sa caloualhatian nang Lan~git, at isiniping mo sa man~ga Ap��stoles, ayon sa napahayag sa isang mahal at santong Obispo, at doo,i, nagbibigay siyang dilag sa ibang man~ga Santos, ayon sa naquita ni santa Gertrudis: Ay pagcalooban mo naman aco, Pan~ginoong co, nang totoong pagcaibig sa man~ga capoua co tauo, at ipagcaloob mo namang manatili sa tunay at totoong pananampalataya, at sa boong pagsunod sa santa Iglesiang Ina namin, itong caharian at ang sangcacristianohang bayan. At icao naman, mahal cong Amang san Agust��n, yayang ang uica ni santa Gertrudis, ay naquita ca niyang dumaralan~gin sa casanto-santosang Trinidad, na papagnin~gasi,t, paalabin nang totoong sinta sa Dios ang man~ga puso nang man~ga tauong mauilihin sa iyo; aco,i, nagaamo-amo sa iyo nang totoong capacumbabaan, na pacamtan mo sa aquin yaon alab na yaon, sampon nitong hinihin~gi co sa iyo dito sa novenas na ito, at nang parang pagninin~gas nang puso mo, ay magnin~gas naman ang puso co sa harapan nang Sant��sima Trinidad magparating man saan. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA CATAPUSANG ARAO.
?Aba casanto-santosang Doctor, Arao ca nang sangcacristianohan! dili lamang sa aral mo, liuanag at nin~gas, cun di sa man~ga tulong mo,t, saclolo, na ipinagcacalin~ga mo sa man~ga mauiuilihin sa iyo, at pinagcacalooban mo sila nang buhay at cagalin~gan sa caloloua,t, catauan, at iniin~gatan mo,t, ini-aadya ang puri at ari nang balang nang napaaua at napasasacolo sa iyo, at n~gayong mamatay ca na, ay ipinararati mo rin ang iyong calin~ga, caya n~ga yaong iyong tubig na bumubucal sa pinagbaonan sa iyo, ay nacapagbibigay mata sa man~ga bulag, lacas sa man~ga mahihina, caaliua,t, cagalin~gan sa balang nang macainom noon, at doon naman sa Toledong bayan, ay napatanghal ca,t, napaquitang nugao nang balang, at iniaboy mong inilulunod sa ilog; aco,i, dungmaraing sa iyo, na gamotin mo ang aquing man~ga saquit at pagalin~gin mo ang aquing caloloua, at iadya mo itong boong caharian sa man~ga dinaralitang casaquitan, sa man~ga lindol, man~ga pagcacagutom, at sa iba pang man~ga sarisaring cahirapan, tuloy ipagcaloob mo naman sa aquin ang hinihin~gi co
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.