Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin | Page 5

Fr. Juan Serrano
sa iyo dito sa novenas na ito, yayang sa boo cong loob ay nauiuili aco sa iyo. At icao naman, Dios at Pan~ginoong co, tatlo sapagca Personas at sapagca Dios ay iisa, na tantong Cang dapat tac-han, dili sa iyong man~ga camahalan lamang cundi sa man~ga cababalaghan pa namang gaua nang iyong man~ga Santos, ipagcaloob mo rin sa aquin ang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas na ito, maguing pagpapahayag mo baga nang iyong aua,t, caalaman, maguing pagpapaquita mo naman nang iyong pagcaibig sa casanto-santosan mong Doctor, at nang cun amponin aco nang gayong camahal na pintacasi,t, maestro, ay mapanoto ang caloloua co sa tiuasay na raan nang iyong mahal na aral, at sa pagpanao dito sa buhay na malait, ay maguing dapat casihan nang iyong mahal na gracia, nang panoorin at paquinaban~gan Ca sa caloualhatian sa Lan~git magpasaualang hangan. Siya naua.

ISA PANG PANALA?GIN
SA CATAPUSANG ARAO.
?Aba balon nang carunun~gan! maestro nang Teolog��a, ilao nang man~ga man~ga-n~garal, Doctor nang man~ga Doctor haligui nang santa Iglesia, calasag nang pananampalatayang cristiano, tabac sa man~ga croges. ?Aba Agust��ng bulaclac nang man~ga matatalas na bait, at tauong inaralan nang Dios! na cun ihalimbaua ca sa man~ga Santos, icao ay casanto-santosan, at cun sa man~ga marurunong, carunungdunun~gan ca. Pacundan~gan doon sa graciang matibay at mapilit na ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, na tungmaos at nanaimtim sa puso mo na pinacalinislinis, at pinaui ang dilang caibigang lupang quinauiuilihan mo, at pinaliuanag ang iyong bait na pinaalis at pinapanao ang man~ga camaliang iquinalalabo, at minulat ang iyong man~ga mata nang mapanood mo,t, malasmasin yaong camahal-mahalang liuanag, at nang pagpacatulinan mong haboli,t, alinsunurin ang caban~gohan nang man~ga bagay sa Lan~git: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama co, at dungmaralan~gin na igauad mo sa aquin ang iyong camay, nang aco,i, macaahon dito sa man~ga casamaang quinabalonan co, at macapagbalic loob na totoo sa Dios co, at macapagsisi,t, macapagdusa nang tapat sa man~ga casalanan co.
Pacundan~gan doon sa catamisan at biyayang calinalinamnaman na ipinamuti at ipinayaman nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at pinagcalooban nang madlang catouaan, at guinilio nang maraming pagdalao niya sa iyong loob, na ga naaaninag at naquiquiniquita sa man~ga gaua mo: aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong casanto-santosan, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang graciang icauiuili,t, icalalambot nang puso co,t, icatututo cong manalan~gin, at icaaalam co pa,t, icaquiquilala, na cun sino aco at cun sino siya, at ang pagca dapat paualang halaga ang lahat nang balang na, liban sa Dios.
Pacundan~gan sa catacatacang pagcahusay, pagcacaayo,t, pagcariquitdiquit nang tanang man~ga cabanalan na ipinamuti sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at alang-alang doon sa mahal na banaag na inihulog nang Pan~ginoong Dios sa iyong caloloua, at nang ihalal cang maestro,t, ama sa gayong caraming Religi��n sa caniyang santa Iglesia, aco,i, dungmaraing sa iyo, mapalad na santo cong Ama, na idalan~gin mo aco sa ating Pan~ginoong Dios nang graciang icatutupad at icaaalinsunod co sa man~ga ipinagpasunod mo, ihin~gi mo naman ang man~ga mahal na Religi��n na pinagpupunuan mo, na ang sinusunod baga,t, pinipintuho nila,i, ang Regla mong quinatha, sampon nang iba pang calahat-lahatan, ay paraparang maquinabang din sila nang man~ga biyaya,t, graciang ipinagcaloob sa iyo nang Pan~ginoong Dios, at nang maisulat mo yaong Regla.
Alang-alang doon sa carunun~gan mong lalong lalo sa carunun~gang tauo, na ipinag paliuanag nang Pan~ginoong Dios sa iyong calalim-lalimang bait, at binungcal ang man~ga cayamanan sa santong Sulat, at ipinaunaua ang man~ga lihim at matataas na misterio nang santong Pananampalataya natin, sampon nang man~ga lalong malalalim at marilim sa mahal na Teolog��a, at nang sa iyo parang bucal na namamarating malinao at malalim ay magmulang umagos at umanod ang man~ga ilog nang totoo,t, tiuasay na aral sa Lan~git na idirilig at ipagpapalago sa man~ga halaman nang santa Iglesia. Aco,i, nagaamo-amo sa iyo mabunying Doctor, na nacaliuanag sa boong sangmundo, na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoon Dios na pagcalooban aco nang loob na mababa at mauilihin sa aral na itinuro mo,t, itinuro nang Ina nati,t, maestrang santa Iglesia, apost��lica, romana. At yayang inihalal ca nang Pan~ginoong Dios na haligui at catibayan nang santa Iglesia, at tabac nang man~ga ereges na dito mo mamacailang pinaquipaglabanan, at sa toui touina,i, dinaig pinapan~gayupapa pinasuco mo sila. Tingni, santong Ama, at cun gaano ang paghihirap at pagcacasaquit n~gayon nito ring santa Iglesia, at ang daming halimao sa infierno na dumurouahagui at gumugubat sa caniya, ay magpatirapa ca sa camahal-mahalang harapan nang casanto-santosang Trinidad, at pagaamo-amoin mong dain~gan, na ipagsangalang at iadya ang caniyang man~ga campon na ovejas dini sa man~ga ganid na halimao, ituro,t, ipanuto sa catouid-touiran at cabulusang daan nang aral nang santo Evangelio, nang dumating na maloualhati diyan sa caguinha-guinhauaha,t, lubhang mapalad na buhay, na iyong quinadoroona,t, pinaquiquinaban~gan. Siya naua.
[Larawan: Ban��l na puso]

=MA?GA TOUANG DALIT=
NA PAGPUPURI SA MABUYING AMANG
=SAN AGUST��N=.
Sa sinta,i, seraf��ng tunay Querubing sa carunun~gan.
_Agust��ng Amang maran~gal ilao nami,t, paraluman_.
Pananaghoy ualang humpay niyong pusong nahahambal nang Ina mo nang mamasdan, casiraan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.