ang Dios na lamang ang ouia,t, patun~guhan nang dilang pita,t, nasa nang loob co; at gayon din namang aco,i, nagaamo-amo sa iyo na idalan~gin mo rin sa caniya itong aquing hinihin~gi sa pagnonovenas na ito, cun macacaayon at mararapat sa panininta sa Dios, at nang cun matularan co ang malinis mong sinta dito sa buhay na ito, ay maguing dapat acong masama at maramay sa iyong magnin~gas niyong sintang mapalad na inaasahan nang aquing caloloua, na hindi matatapos magparating man saan. Siya naua.
Ang apat na Ama namin at _Aba Guinoong Mar��a_.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICATLONG ARAO.
?Aba Pan~ginoon at Dios na mapagcalin~ga! na nagcaloob sa aquing Amang si san Agust��n nang maningning at masinag na carunun~gan, palibhasa,i, arao nang santa Iglesia, na nacapagpapanao nang dilim nang man~ga eregias, naguing maestro nang man~ga Doctores, paraluman nang man~ga cristiano, at nang sila,i, matuto,t, houag masinsay sa daan nang pananampalataya; at naguing patnugot, na cahalimbaua niyong columnang alapaap at apoy na natnugot sa man~ga campon mong bayan sa una, at itinuturo sila sa lupang pan~gaco mo sa canila, at nacasisira sa man~ga matitigas na loob na dumurouahagui,t, ongmuusig sa canila. Ay ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoo,t, Dios co, ay ang pacundan~gan sa pagpipilit niyang magpaliuanag nang loob nang man~ga tauong nagcacamali,t, nasisinsay, ay pagcalooban mo aco nang liuanag na icaalinsunod co sa mahal mong calooban, at icalalayo co,t, icaiilag sa cariliman nang man~ga camalia,t, casamaan. At icao naman Salom��n nang man~ga cristiano, calarahin mo aco sa Pan~ginoon Dios, at caniyang ipagcaloob sa aquin, at tuloy pa namang pacamtan sa aquin itong aquing hinihin~gi sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun paratihin cang purihin nang aquing caloloua, ay tumouid ang man~ga hacbang nang aquing buhay, hangan di sumapit at mahanganan sa caguinhauahang ualang hangan. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICAPAT NA ARAO
?Aba cabababaang loob na Jes��s! Na baquit icao ay manin~gas at maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglin~gid mo ang ningning at sinag nang iyong carunun~ga,t, camahalan sa alapaap na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing Amang san Agust��n nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,t, ihinamac nang dilang puri at dan~gal dito sa ibabao nang lupa; at tulad sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermita?o, binago,t, binalic ang man~ga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa boong sangmundo ang caniyang man~ga casalanan nang totoong caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinan~gahasang tularan nang sino man. Diyata, Dios at Pan~ginoong co, aco,i, nagaamo-amo sa iyo,t, dumaraing na iyong casihan, sidla,t, hulugan ang aquing caloloua nang totoong capacumbabaan, at nang maiubos cong icompisal ang lahat na man~ga casalana,t, camalian co, at nang paualang halaga,t, hamaquin ang dilang capurihan dito sa buhay na ito, at houag acong may ibang pagnasa,t, pitahin, cundi ang hamaqui,t, ayopin dahilan sa pagcaibig sa iyo. At sa iyo naman, Santo,t, Pantas na Doctor, dumaraying din aco na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihin~gi co sa iyo dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan mong loob, ang Dios na nagpaparan~gal at nagpapala sa mababang loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa caloualhatian sa Lan~git. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICALIMANG ARAO.
?Aba malubay at catiis-tiisang Jes��s! na nagcaloob sa Ama cong san Agust��n, nang manin~gas na nasa,t, ibig sa cagalin~gan nang man~ga caloloua; na parang arao na masicat, ay dili isamang lumamlam at nagcolimlim ang caniyang ningning at sinag sa pagpapaliuanag sa man~ga tauo nang caniyang pan~gan~garal; at nagdalita na ualang saua nang madlang saquit at, carouahaguinan sa man~ga eregeng nagbubudhi sa caniya nang camatayan; at bagcus sa malaqui niyang pagnanasang maguing m��rtir, ay dili n~ga isa man nanghinauang magtiis, at ang dinorongdong niyang uiniuica, ay ganito: Pan~ginoong co, aniya, pagcalooban mo aco nang icapagtiis, at dagdagan mo pa,t, ololan ang saquit at hirap. Caya n~ga Pan~ginoong co, pacundan~gan sa di masaysay niyang pagtitiis, ay pagcalooban mo aco nang icapagtitiis co nang hirap, at hologan mo aco nang manin~gas na nasang maghirap dahilan sa pananamlataya. At yamang iniadya mo ang caibigibigan mong Doctor sa maraming pan~ganib, nang maguing calasag nang sangcacristianohan, aco,i, nagaamo-amo sa iyo, na ipagadya mo naman aco sa casalanan at sa tanang caauay co, naquiquita ma,t, di man naquiquita. At sa iyo naman, Ama cong iniibig na san Agust��n, ay dumaraing aco na idalan~gin mo aco nito rin sa Pan~ginoon Dios, sampon nang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas cong ito, at nang tulad sa iyong dalita ay matiis co,t, maralita, bayad at dusa sa man~ga casalanan co, ang tanang cahirapan dini sa buhay na malait, hangan di macasapit sa tiuasay na doon~gan sa Lan~git. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICAANIM NA ARAO.
?Aba Dios at Pan~ginoong co! Na pinagpala mo ang caloloua nang Ama cong san Agust��n, sa pinacalan~git nang iyong santa Iglesia, at pinarating mo sa cataas-taasang pagninilay, na ga
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.