_Aba Guinoong Mar��a_, puri at dan~gal sa Sant��sima Trinidad na sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agust��ng Ama natin, at saca isa pang Ama namin at _Aba Guinoong Mar��a_, puri at bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.
_Saca naman isusunod na babasahin ang manga touang dalit na nasa cauacasan nito.
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG SANTA IGLESIA NA SI
=SAN AGUST��NG AMA NATIN=.
Cun macapagmula nang mag Ang tanda nang Santa Cruz at macapag Pan~ginoon cong Jesucristo, ay babasahin itong Panalan~ging masusunod at oolitin din sa arao arao.
PANALA?GIN SA ARAO ARAO.
Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo. At sapagca naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t, pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama. Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa Mar��a, at nang calahat-lahatang ��ngeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay ang Ama cong liniliyag na si san Agust��n, at ang ampon niya,t, saclolo ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito. At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Sant��sima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong dalan~ginin. Caya n~ga yata idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios nang tauad sa acquing man~ga casalanan, man~ga arao at tulong na ipagpepenitencia co,t, ipagdurusa nang tapat sa man~ga calilohang co; at ang bucod co pang hinihin~gi dito sa pagnonovenas na ito; at ang idinaraing co pang isa sa iyo, Ama cong iguinagalang, ay ang yayang icao noong nabubuhay pa dini sa ibabao nang lupa, ay naguing tagapagtangol at tagapagsangalang sa pananampalataya, at ang caniya pang santa Iglesia, ay ipinagbilin at ipinagcatiuala sa iyo nang caniya ring Esposo na si Jesucristo, ay ipatuloy mo rin n~gayong na sa Lan~git ca na ang dati mong ampon, at pagpilitan mong hin~gin sa Pan~ginoong Dios na palataguin at palaguiin sa boong sangmundo ang totoong pananampalataya, ang magcasundong totoo ang lahat na man~ga haring cristiano, at ang matuto pa silang magutos at magpasunod sa sangcacristianohan nang dilang ipagpupuri,t, ipagdaran~gal sa Pan~ginoong Dios na nabubuhay at naghahari sa Lan~git magparating man saan. Siya naua.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA UNANG ARAO.
Dios at Pan~ginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunun~gan mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing Amang si san Agust��n, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao na maliuanag nang santa Iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa boong sangmundo nang man~ga Misterio mong mataas, at parang diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,t, pinalambot nang man~ga luha nang Ina cong si santa M��nica, at pinili,t, hinirang na magcalat at magpahayag nang iyong casanto-santosang n~galan, ay aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Dios co, na pacundan~gan sa caniyang man~ga carapatan, ay aco,i, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at pacundan~gan naman sa pagal niya,t, pagod sa pagsasangalang sa pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang man~ga loob nang lahat na man~ga capoua co tauo sa totoong pananampalataya. At sa iyo naman, Ama cong liniliyag, ang hinihin~gi co, ay pacundan~gan sa catacataca mong pagbabalic loob sa Pan~ginoon Dios, ay idalan~gin mo aco sa caniya nitong aquing idinaraing; at ang hinihin~gi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito, ay inaasahan co ring cacamtan, pacundan~gan sa ampon at man~ga carapatan mo, nang maran~gal at mabantog ang caalaman nang Dios sa aquing magparating man saan. Siya naua.
Ang apat na Ama namin at _Aba Guinoong Mar��a, ayon sa sinasabi sa manga bilin.
ICALAUANG PANALA?GIN
SA ICALAUANG ARAO.
?Aba liniliyag cong Amang si san Agust��n! yayang nagnin~gas ang iyong puso na parang arao, na hindi napupugnao, at hiualay man sa catauan, ay nagbibigay pagcatotoo at ipinaquiquita nang moli,t, moling paglulucso ang alab at nin~gas nang sinta sa Dios, na namahay sa iyong dibdib, at icao rin ang nagpahayag at nagcompisal nang pagca icao ay nasugatan nang palasong sinta; aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong mahal, na alang-alang dito sa camahal-mahalang alab, ay dalan~ginin mo sa Pan~ginoon Dios, ang aco,i, siga,t, sunoguin nang quidlat nang sinta sa caniya, at nang cun masan~gag at luminis ang aquing dibdib,
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.