Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin

Fr. Juan Serrano
Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin

The Project Gutenberg EBook of Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at
Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin, by Fr. Juan Serrano This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin
Author: Fr. Juan Serrano
Release Date: November 1, 2004 [EBook #13915]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NOVENA SA MALOUALHATING ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan.

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]

NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR
AT ILAO NANG SANTA IGLESIA
NA SI
=SAN AGUST��N=
DATI NANG LIMBAG
SA UICANG CASTILA, AY TINAGALOG NANG
P. PREDICADOR
FR. JUAN SERRANO,
SA ORDEN NITO RING MABUNYI AT MARILAG NA AMA

GUADALUPE
Peque?a imp. del Asilo de hu��rfanos.
1887
[Larawan: San Agust��n]
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO
NANG SANTA IGLESIA NA SI
=SAN AGUST��N=.
Sa Amang ualang pinagmulan, sa Anac niyang bugtong, sa Esp��ritu Santong mangaalio, iisang Dios at tatlong Personas.
Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agust��ng na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Esp��ritu Santo ang sinta; ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang si san Agust��n. Ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang capangyariha,t, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa Iglesia ang lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan sa sangcacristianohan. Hayag naman ang caniyang carunun~gan at ang baquit siya,i, ��guila nang man~ga Doctor, ay lungmipad pa naman siyang nagpacataas-taas, na nangyari niyang siniyasat at inonaua ang cataastaasan at calihim-lihimang misterio nang Sant��sima Trinidad, nang mangyaring malipol ang lahat nang man~ga camaliang linalang nang man~ga erejes laban dito sa Misteriong ito.
N~guni ?saan di? Palibhasa,i, naquinabang siya sa Dios Ama nang capangyarihan, sa caniyang bugtong na Anac nang caniyang carunun~gan, at ang Dios Esp��ritu Santo nama,i, nagcaloob at naghulog sa caniyang puso nang caniyang sinta; si san Agust��ng din ang nagbigay pagcatotoo nito; na ganito n~ga ang marahil niyang uiniuica sa Pan~ginoon Dios: Cun ga icao, aniya, _Pan~ginoon co ay si Agustino, at ga ang Dios na ay aco, iiuang co ang pagca Dios co, at ibibigay co sa iyo,t, nang icao ang maguing Dios co_. S��, sapagca palad co aya, cun aco,i, maguing dapat magcamit nang gagaduplis man lamang na quidlat nang gayong sinta, na icapaglathala nang pananampalataya, manin~gas na pan~gayupapang pagcauili at maliyag na pagbunyi dito sa casanto-santosan at canin~gasnin~gas na Trinidad.
Sa iyo n~ga, ?aba Trinidad Sant��sima! iniaalay at inihahayin nang totoong pananaguisuyu,t, pagpapacababa at tunay na pan~gan~gayupapa niring loob co itong Novenas, na baga man munti sa tin~gin, ay ang tun~go,i, calaquilaquihan. Cahimanauari ang man~ga loob nang man~ga tauo, ay man~ga sulong at magsipanibulos na pagdongdon~gang pan~gadying, nang macamtan nila ang lubhang maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang manin~gas na puso ni san Agust��n na pinaglaosan nang tunod, sampon nang man~ga cabanalan at graciang hinihin~gi dito sa Novenas na ito; siya cong nasa,t, pita, siya co rin namang iniamo-among idinaraing, idinadalan~gin at hihin~gi sa Dios Ama na macapangyarihang tunay, sa Dios Anac na carunun~gang lubos, at sa Esp��ritu Santong apoy na sintang tibobos, iisang Dios na totoo, na nabubuhay at naghahari magparating man saan. Siya naua.
* * * * *

BILI,T, TADHANA
SA PAGNONOVENAS CAY SAN AGUST��NG NA AMA NATIN.
Cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul-an at gauin itong Novenas, ayon sa pagcauili �� pagcasalat nang isa,t, isa; n~guni ang lalong tapat, ay cun mul-an sa icadalauang puong arao nang bouang Agosto, at nang masadha,t, matapos sa icamaycatlong ualo; arao n~ga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa Iglesia; at cun dili caya, ay sucat mul-an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang Abril; at nang matapos sa icalimang arao nang Mayo, arao n~ga nang catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios.
Sa arao nang camumul-an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na arao, ay magpapacapilit magin~gat sa anomang pagcacasala nang marapat sa ating Pan~ginoong Dios ang caniyang hinihin~gi. Arao arao ay darasalin ang unang _Panalangin at aacalain sa loob at gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 10
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.