iyong
dibdib, at icao rin ang nagpahayag at nagcompisal nang pagca icao ay
nasugatan nang palasong sinta; aco,i, nagaamo-amo sa iyo, Ama cong
mahal, na alang-alang dito sa camahal-mahalang alab, ay dalan~ginin
mo sa Pan~ginoon Dios, ang aco,i, siga,t, sunoguin nang quidlat nang
sinta sa caniya, at nang cun masan~gag at luminis ang aquing dibdib,
ang Dios na lamang ang ouia,t, patun~guhan nang dilang pita,t, nasa
nang loob co; at gayon din namang aco,i, nagaamo-amo sa iyo na
idalan~gin mo rin sa caniya itong aquing hinihin~gi sa pagnonovenas
na ito, cun macacaayon at mararapat sa panininta sa Dios, at nang cun
matularan co ang malinis mong sinta dito sa buhay na ito, ay maguing
dapat acong masama at maramay sa iyong magnin~gas niyong sintang
mapalad na inaasahan nang aquing caloloua, na hindi matatapos
magparating man saan. Siya naua.
Ang apat na Ama namin at _Aba Guinoong María_.
ICALAUANG PANALAÑGIN
SA ICATLONG ARAO.
¡Aba Pan~ginoon at Dios na mapagcalin~ga! na nagcaloob sa aquing
Amang si san Agustín nang maningning at masinag na carunun~gan,
palibhasa,i, arao nang santa Iglesia, na nacapagpapanao nang dilim
nang man~ga eregias, naguing maestro nang man~ga Doctores,
paraluman nang man~ga cristiano, at nang sila,i, matuto,t, houag
masinsay sa daan nang pananampalataya; at naguing patnugot, na
cahalimbaua niyong columnang alapaap at apoy na natnugot sa man~ga
campon mong bayan sa una, at itinuturo sila sa lupang pan~gaco mo sa
canila, at nacasisira sa man~ga matitigas na loob na dumurouahagui,t,
ongmuusig sa canila. Ay ang idinaraing co sa iyo, Pan~ginoo,t, Dios co,
ay ang pacundan~gan sa pagpipilit niyang magpaliuanag nang loob
nang man~ga tauong nagcacamali,t, nasisinsay, ay pagcalooban mo aco
nang liuanag na icaalinsunod co sa mahal mong calooban, at icalalayo
co,t, icaiilag sa cariliman nang man~ga camalia,t, casamaan. At icao
naman Salomón nang man~ga cristiano, calarahin mo aco sa
Pan~ginoon Dios, at caniyang ipagcaloob sa aquin, at tuloy pa namang
pacamtan sa aquin itong aquing hinihin~gi sa iyo dito sa pagnonovenas
na ito, at nang cun paratihin cang purihin nang aquing caloloua, ay
tumouid ang man~ga hacbang nang aquing buhay, hangan di sumapit at
mahanganan sa caguinhauahang ualang hangan. Siya naua.
ICALAUANG PANALAÑGIN
SA ICAPAT NA ARAO
¡Aba cabababaang loob na Jesús! Na baquit icao ay manin~gas at
maliuanag pa sa arao, ay tiquis cang nagpacaonti, at ipinaglin~gid mo
ang ningning at sinag nang iyong carunun~ga,t, camahalan sa alapaap
na marupoc nang aming catauohan, at nagcaloob ca sa aquing Amang
san Agustín nang malacas na loob na ipinagpaualang, halaga,t,
ihinamac nang dilang puri at dan~gal dito sa ibabao nang lupa; at tulad
sa iyo, at nagdamit nang mababa at murang damit ermitaño, binago,t,
binalic ang man~ga dati niyang camalian, at isinulat na ipinahayag sa
boong sangmundo ang caniyang man~ga casalanan nang totoong
caguilaguilalas na capacumbabaan nang loob, na di pinan~gahasang
tularan nang sino man. Diyata, Dios at Pan~ginoong co, aco,i,
nagaamo-amo sa iyo,t, dumaraing na iyong casihan, sidla,t, hulugan
ang aquing caloloua nang totoong capacumbabaan, at nang maiubos
cong icompisal ang lahat na man~ga casalana,t, camalian co, at nang
paualang halaga,t, hamaquin ang dilang capurihan dito sa buhay na ito,
at houag acong may ibang pagnasa,t, pitahin, cundi ang hamaqui,t,
ayopin dahilan sa pagcaibig sa iyo. At sa iyo naman, Santo,t, Pantas na
Doctor, dumaraying din aco na idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong
Dios nitong capacumbabaang loob, sampon nang hinihin~gi co sa iyo
dito sa pagnonovenas na ito, at nang cun mahouaran co ang cababaan
mong loob, ang Dios na nagpaparan~gal at nagpapala sa mababang
loob, ay pagpalain niya acong papagcamtin nang corona sa
caloualhatian sa Lan~git. Siya naua.
ICALAUANG PANALAÑGIN
SA ICALIMANG ARAO.
¡Aba malubay at catiis-tiisang Jesús! na nagcaloob sa Ama cong san
Agustín, nang manin~gas na nasa,t, ibig sa cagalin~gan nang man~ga
caloloua; na parang arao na masicat, ay dili isamang lumamlam at
nagcolimlim ang caniyang ningning at sinag sa pagpapaliuanag sa
man~ga tauo nang caniyang pan~gan~garal; at nagdalita na ualang saua
nang madlang saquit at, carouahaguinan sa man~ga eregeng
nagbubudhi sa caniya nang camatayan; at bagcus sa malaqui niyang
pagnanasang maguing mártir, ay dili n~ga isa man nanghinauang
magtiis, at ang dinorongdong niyang uiniuica, ay ganito: Pan~ginoong
co, aniya, pagcalooban mo aco nang icapagtiis, at dagdagan mo pa,t,
ololan ang saquit at hirap. Caya n~ga Pan~ginoong co, pacundan~gan
sa di masaysay niyang pagtitiis, ay pagcalooban mo aco nang
icapagtitiis co nang hirap, at hologan mo aco nang manin~gas na
nasang maghirap dahilan sa pananamlataya. At yamang iniadya mo ang
caibigibigan mong Doctor sa maraming pan~ganib, nang maguing
calasag nang sangcacristianohan, aco,i, nagaamo-amo sa iyo, na
ipagadya mo naman aco sa casalanan at sa tanang caauay co,
naquiquita ma,t, di man naquiquita. At sa iyo naman, Ama cong iniibig
na san Agustín, ay dumaraing aco na idalan~gin mo aco nito rin sa
Pan~ginoon Dios, sampon nang hinihin~gi co dito sa pagnonovenas
cong ito, at nang tulad
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.