ang unang _Panalangin at aacalain sa loob at
gunamgunamin, na siya,i, humarap sa casanto-santosan Trinidad; at
saca isusunod ang icalaua na natatala sa ibaba sa balang isa,t, isang
arao, at cun matapos ay man~gadyi nang tatlong Ama namin at tatlong
_Aba Guinoong María_, puri at dan~gal sa Santísima Trinidad na
sininta nang totoong pagninin~gas nang puso ni san Agustíng Ama
natin, at saca isa pang Ama namin at _Aba Guinoong María_, puri at
bunyi sa maliyag na alab at nin~gas nang caniyang dibdib.
_Saca naman isusunod na babasahin ang manga touang dalit na nasa
cauacasan nito.
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO NANG
SANTA IGLESIA NA SI
=SAN AGUSTÍNG AMA NATIN=.
Cun macapagmula nang mag Ang tanda nang Santa Cruz at macapag
Pan~ginoon cong Jesucristo, ay babasahin itong Panalan~ging
masusunod at oolitin din sa arao arao.
PANALAÑGIN SA ARAO ARAO.
Sa harapan mong camahal-mahalan, Pan~ginoong macapangyayari sa
lahat, iisa sa pagca Dios at tatlo sa pagca Personas; ay ipinagpapatirapa
co yaring caabaan co at ang hiling co,t, nasa, ay ang balang nang
panimdimin, gaui,t, uicain co dito sa pagnonovenas na ito,i, paraparang
maoui,t, mahinguil sa pagpupuri,t, pagdaran~gal sa Iyo. At sapagca
naquiquilala co,t, natatalastas ang pagcababa, pagcamura,t,
pagcaualang halaga nang man~ga gaua co, ang tica co,t, nasa ay
ipaquisama,t, ilangcap sa man~ga ualang hangang carapatan at Pasiong
camahal-mahalan nang aquing Pang~inoong Jesucristo, at nang
mahugasan nang caniyang mahal na dugo ang aquing caloloua, luminis
at mauala ang dilang libag nang casalanan at man~ga pitang masasama.
Inilalangcap co nama,t, pinipintacasi ang man~ga carampatan nang
calin~gas-lin~gas na Virgeng si Guinoong santa María, at nang
calahat-lahatang ángeles at santos; at ang bucod cong pinipintacasi ay
ang Ama cong liniliyag na si san Agustín, at ang ampon niya,t, saclolo
ang ninanasa co,t, hinahan~gad dito sa pagnonovenas na ito. At
yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na
nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang
calalim-lalimang misterio nang Santísima Trinidad doon sa labing
limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang
Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san
Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong
dalan~ginin. Caya n~ga yata idalan~gin mo aco sa Pan~ginoong Dios
nang tauad sa acquing man~ga casalanan, man~ga arao at tulong na
ipagpepenitencia co,t, ipagdurusa nang tapat sa man~ga calilohang co;
at ang bucod co pang hinihin~gi dito sa pagnonovenas na ito; at ang
idinaraing co pang isa sa iyo, Ama cong iguinagalang, ay ang yayang
icao noong nabubuhay pa dini sa ibabao nang lupa, ay naguing
tagapagtangol at tagapagsangalang sa pananampalataya, at ang caniya
pang santa Iglesia, ay ipinagbilin at ipinagcatiuala sa iyo nang caniya
ring Esposo na si Jesucristo, ay ipatuloy mo rin n~gayong na sa
Lan~git ca na ang dati mong ampon, at pagpilitan mong hin~gin sa
Pan~ginoong Dios na palataguin at palaguiin sa boong sangmundo ang
totoong pananampalataya, ang magcasundong totoo ang lahat na
man~ga haring cristiano, at ang matuto pa silang magutos at
magpasunod sa sangcacristianohan nang dilang ipagpupuri,t,
ipagdaran~gal sa Pan~ginoong Dios na nabubuhay at naghahari sa
Lan~git magparating man saan. Siya naua.
ICALAUANG PANALAÑGIN
SA UNANG ARAO.
Dios at Pan~ginoon cong macapangyayari sa lahat, na sa carunun~gan
mong ualang hangan ay pinapaguing liuanag mo ang cariliman, noong
baliquin mo ang ualang casinglalim na bait at loob nang aquing Amang
si san Agustín, at pinapaguing ilao mo nang pananampalataya, at arao
na maliuanag nang santa Iglesia, na magsasaysay at magpaunaua sa
boong sangmundo nang man~ga Misterio mong mataas, at parang
diamante cun mutyang mahal, ay liniloc mo,t, pinalambot nang man~ga
luha nang Ina cong si santa Mónica, at pinili,t, hinirang na magcalat at
magpahayag nang iyong casanto-santosang n~galan, ay aco,i,
nagaamo-amo sa iyo, Dios co, na pacundan~gan sa caniyang man~ga
carapatan, ay aco,i, pagcalooban mo nang liuanag na icatuto cong malis
at lumayo sa casalanan, at icagagaling nang dila cong gagauin; at
pacundan~gan naman sa pagal niya,t, pagod sa pagsasangalang sa
pananampalataya, ay pagcatibayin mo ang aquing loob, sampon nang
man~ga loob nang lahat na man~ga capoua co tauo sa totoong
pananampalataya. At sa iyo naman, Ama cong liniliyag, ang hinihin~gi
co, ay pacundan~gan sa catacataca mong pagbabalic loob sa
Pan~ginoon Dios, ay idalan~gin mo aco sa caniya nitong aquing
idinaraing; at ang hinihin~gi co pa naman dito sa pagnonovenas na ito,
ay inaasahan co ring cacamtan, pacundan~gan sa ampon at man~ga
carapatan mo, nang maran~gal at mabantog ang caalaman nang Dios sa
aquing magparating man saan. Siya naua.
Ang apat na Ama namin at _Aba Guinoong María, ayon sa sinasabi sa
manga bilin.
ICALAUANG PANALAÑGIN
SA ICALAUANG ARAO.
¡Aba liniliyag cong Amang si san Agustín! yayang nagnin~gas ang
iyong puso na parang arao, na hindi napupugnao, at hiualay man sa
catauan, ay nagbibigay pagcatotoo at ipinaquiquita nang moli,t, moling
paglulucso ang alab at nin~gas nang sinta sa Dios, na namahay sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.