Novena sa Maloualhating Ama,t,
Doctor at Ilao nang Santa Iglesia
na si San Agustin
The Project Gutenberg EBook of Novena sa Maloualhating Ama,t,
Doctor at
Ilao nang Santa Iglesia na si San Agustin, by Fr. Juan Serrano This
eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no
restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it
under the terms of the Project Gutenberg License included with this
eBook or online at www.gutenberg.net
Title: Novena sa Maloualhating Ama,t, Doctor at Ilao nang Santa
Iglesia na si San Agustin
Author: Fr. Juan Serrano
Release Date: November 1, 2004 [EBook #13915]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NOVENA
SA MALOUALHATING ***
Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay
hindi na ginagamit.]
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR
AT ILAO NANG SANTA IGLESIA
NA SI
=SAN AGUSTÍN=
DATI NANG LIMBAG
SA UICANG CASTILA, AY TINAGALOG NANG
P. PREDICADOR
FR. JUAN SERRANO,
SA ORDEN NITO RING MABUNYI AT MARILAG NA AMA
GUADALUPE
Pequeña imp. del Asilo de huérfanos.
1887
[Larawan: San Agustín]
NOVENA
SA MALOUALHATING AMA,T, DOCTOR AT ILAO
NANG SANTA IGLESIA NA SI
=SAN AGUSTÍN=.
Sa Amang ualang pinagmulan, sa Anac niyang bugtong, sa Espíritu
Santong mangaalio, iisang Dios at tatlong Personas.
Sa camahal-mahalan at cataas-taasang misterio nang Trinidad na
casantosanto-san nagcucusang nonoui, cun baga sa cusa, itong Novenas
nang mapantas na Doctor at Ama nang santa Iglesia na si san Agustíng
na Ama cong liniliyag, sapagca cun sa Dios Ama inahihinguil ang
capangyarihan, sa Anac ang carunun~gan at sa Espíritu Santo ang sinta;
ang sinta, carunun~gan at capangyarihan, ay siyang sinag na
ipinagbibigay liuanag sa sangdaigdigan nang arao nang santa Iglesiang
si san Agustín. Ang pinagcacaquilalanan nang calachan nang caniyang
capangyariha,t, cabagsican, ay ang pagca inamin nang santa Iglesia ang
lahat niyang aral tungcol sa gracia, tuloy siyang pinasasampalatayanan
sa sangcacristianohan. Hayag naman ang caniyang carunun~gan at ang
baquit siya,i, águila nang man~ga Doctor, ay lungmipad pa naman
siyang nagpacataas-taas, na nangyari niyang siniyasat at inonaua ang
cataastaasan at calihim-lihimang misterio nang Santísima Trinidad,
nang mangyaring malipol ang lahat nang man~ga camaliang linalang
nang man~ga erejes laban dito sa Misteriong ito.
N~guni ¿saan di? Palibhasa,i, naquinabang siya sa Dios Ama nang
capangyarihan, sa caniyang bugtong na Anac nang caniyang
carunun~gan, at ang Dios Espíritu Santo nama,i, nagcaloob at naghulog
sa caniyang puso nang caniyang sinta; si san Agustíng din ang
nagbigay pagcatotoo nito; na ganito n~ga ang marahil niyang uiniuica
sa Pan~ginoon Dios: Cun ga icao, aniya, _Pan~ginoon co ay si
Agustino, at ga ang Dios na ay aco, iiuang co ang pagca Dios co, at
ibibigay co sa iyo,t, nang icao ang maguing Dios co_. Sí, sapagca palad
co aya, cun aco,i, maguing dapat magcamit nang gagaduplis man
lamang na quidlat nang gayong sinta, na icapaglathala nang
pananampalataya, manin~gas na pan~gayupapang pagcauili at maliyag
na pagbunyi dito sa casanto-santosan at canin~gasnin~gas na Trinidad.
Sa iyo n~ga, ¡aba Trinidad Santísima! iniaalay at inihahayin nang
totoong pananaguisuyu,t, pagpapacababa at tunay na
pan~gan~gayupapa niring loob co itong Novenas, na baga man munti
sa tin~gin, ay ang tun~go,i, calaquilaquihan. Cahimanauari ang man~ga
loob nang man~ga tauo, ay man~ga sulong at magsipanibulos na
pagdongdon~gang pan~gadying, nang macamtan nila ang lubhang
maalam at macapanyarihang ampon at saclolo nang manin~gas na puso
ni san Agustín na pinaglaosan nang tunod, sampon nang man~ga
cabanalan at graciang hinihin~gi dito sa Novenas na ito; siya cong
nasa,t, pita, siya co rin namang iniamo-among idinaraing,
idinadalan~gin at hihin~gi sa Dios Ama na macapangyarihang tunay, sa
Dios Anac na carunun~gang lubos, at sa Espíritu Santong apoy na
sintang tibobos, iisang Dios na totoo, na nabubuhay at naghahari
magparating man saan. Siya naua.
* * * * *
BILI,T, TADHANA
SA PAGNONOVENAS CAY SAN AGUSTÍNG NA AMA NATIN.
Cacailan mang panahon at cacailan mang arao, ay sucat mul-an at
gauin itong Novenas, ayon sa pagcauili ó pagcasalat nang isa,t, isa;
n~guni ang lalong tapat, ay cun mul-an sa icadalauang puong arao nang
bouang Agosto, at nang masadha,t, matapos sa icamaycatlong ualo;
arao n~ga na ipinagpifiesta sa caniya nang santa Iglesia; at cun dili
caya, ay sucat mul-an sa icamaycatlong pitong arao nang bouang Abril;
at nang matapos sa icalimang arao nang Mayo, arao n~ga nang
catacatacang pagbabalic niyang loob sa Dios.
Sa arao nang camumul-an ay magcocomulgar, at sa boong siyam na
arao, ay magpapacapilit magin~gat sa anomang pagcacasala nang
marapat sa ating Pan~ginoong Dios ang caniyang hinihin~gi. Arao arao
ay darasalin
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.