piguíng. Maraming di ano lamang sa ma?~ga bayanbayan, at lalonglalo na dito sa Maynilà, ang ma?~ga taong di nating calahì, na hind? man inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang man~ga filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang man~ga taong yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga colado sa piguíng.--P.H.P.
[6] Ang catutubong mahusay at d? nagbabagong calacarán n~g m~ga linikha n~g Dios--P.H.P.
[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real Audiencia nang una. ?Salamat sa isáng castílà, sa isáng hind? nating caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay nagpapamana n~g maraming salap? at mahahalagáng cayamanan sa m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hind? nan~gababalinong magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay n~g caniláng m~ga cababayan. Wala rin acóng nalalamang nagawáng handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino caya yumaman at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--?Culang palad na Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang algibe ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.
[8] Ang namamatnugot sa paggawa n~g anó man edificio. Tinatawag na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.
[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.
[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang pangpamuti, sa macatuwid ay mal? ang tawag na "macetas" sa halaman.--P.H.P.
[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang bagay.--P.H.P.
[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo, tenedor at iba pa.--P.H.P.
[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapa pagcatimbuang, ó ang kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.
[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang cacanán.--P.H.P.
[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimula nang calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat nang m~ga maririkit na guinagáwa sa una nang m~ga griego at nang m~ga latino--P.H.P.
[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang tungtun~gan.--P.H.P.
[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad nitó.--J.R.
[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P.
[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P.
[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang any?.--P.H.P.
[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.
[22] Natuclasán ang paggawa n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa any? at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang halagá.--P.H.P.
[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa lan~gis.--P.H.P.
[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.
[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Se?ora ang anó mang larawan ni Guinoong Santa María, na halos may d? mabilang na pamagát: Nuestra Se?ora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra Se?ora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Se?ora de la Correa, cung nacabigkís n~g balát, Nuestra Se?ora de Turumba, Nuestra Se?ora de Salambaw at iba pang lubháng napacarami.--P.H.P.
[26] "Hind? carapatdapat" ang cahulugán n~g sabing "indigno," salitang caraniwang sabihin n~g m~ga nacacastiláan.--P.H.P.
[27] Tinatawag na cadete ang nag-aaral sa isáng colegiong doo'y itinutúrò ang m~ga bagaybagay na nauucol maalaman n~g isáng militar.
[28] Taga ibáng lúpà, sa macatuwid ay hind? taga Filipinas ang cahulugán n~g sabing "extranjero." Gayon ma'y d? caraniwang tawaguing "extranjero" ang insíc, ang castílà, ang turco, ang japonés, ang bombay, ang colombo at ibá pa; sila'y tinatawag ditong insíc, castílá, "turkiano," japón, bombay, colombo. Tinatawag lamang "extranjero" ang inglés, alemán, francés, suizo at ibá pa, sa pagca't iniuucol lamang ang sabing "extranjero" sa m~ga man~gan~galacal na may malalaking puhunan.--P.H.P.
[29] Ang bubóng na tablá n~g m~ga sasacyán.
[30] Tinatawag na "paisano" n~g m~ga sundalo ang hind? militar.--P.H.P.
[31] Caraniwang tinatawag na "biscuit" ang biscochong na sa m~ga maliliit na latang nanggagaling sa Inglaterra. Tinatawag dito
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.