Noli Me Tangere | Page 9

José Rizal
sa ating "biscocho" ang m~ga malulutóng na tinapay, gaya n~g tinatawag na "biscocho y ca?a" at "biscocho y dulce," at ang tunay na biscocho'y tinatawag na "sopas" n~g m~ga d? nacaaalám n~g wicang castílà. N~gayo'y gumágawa na rito sa atin n~g masasaráp na biscochong hind? saból sa m~ga nanggagaling sa Inglaterra, ang La Perla ni G.J.E. Monroy, ang La Fortuna ni G. Claro Ong at ibá pa. Carapatdapat papurihan ang m~ga cababayang itóng naglíligtas sa Filipinas na bomobowís sa m~ga taga ibáng lupaín sa pagbilí n~g m~ga bagay na dito'y nagágawa.--P.H.P.
[32] Maran~gal na general ni Cárlos V at ni Felipe II. Siya ang nagtagumpáy sa panghihimagsic n~g Paises Bajos at nacalupig sa Fort.--P.H.P.
[33] Ang talaán n~g m~ga oficial at m~ga púnò sa m~ga hucbó.
[34] Ang may catungculang umusig sa masasamang tao at man~gasiwà sa capanatagán n~g m~ga bayanbayan. N~g panahón n~g Gobierno n~g Espa?a'y may dalawang bagay na Guardia Civil dito sa Filipinas: "Guardia Civil" ang pan~galan n~g m~ga na sa bayanbayan n~g m~ga lalawigan, at "Guardia Civil Veterana" ang na sa ciudad n~g Maynílà.--Pawang m~ga filipino ang m~ga sundalo n~g Guardia Civil at n~g Guardia Civil Veterana, at m~ga castílà ang m~ga oficial at ang m~ga púnò. Manacánacáng nagcacaroon n~g alferez at tenienteng m~ga filipino. Ang nahalili n~gayon sa Guardia Civil ay ang Policía Insular, na tinatawag ding Policía Constabularia, at sa Guardia Civil Veterana ay ang Policía Metropolitana na pawang americano at ang Policía Municipal na pawang filipino. Bucod sa Guardia Civil at Veterana'y may m~ga Cuadrillero pa na pawang filipino ang m~ga sundalo at pinunò, na ang caraniwa'y fusil na walang cabuluhán at talibóng ang m~ga sandata. N~g m~ga hulíng taón n~g Gobierno n~g castila'y nagcaroon sa Maynílà n~g m~ga tinatawag na "Guardia Municipal," na ang dalang sandata'y revolver at sable. Sa macatuwíd ang m~ga namamahalà n~g catahimican n~g m~ga namamayan, n~g m~ga hulíng panahón n~g m~ga castilà, dito sa Maynílà'y ang Guardia Civil Veterana, ang Guardia Municipal at ang Cuadrillero, at sa m~ga lalawiga'y ang Guardia Civil at ang Cuadrillero, bucód sa Policía Secreta na itinatag dito sa Maynílà, hind? co matandaan cung n~g taóng 1894 ó 1895.--P.H.P.
[35] Ang nagtuturò sa paaralan.--P.H.P.
[36] Colegio ó paaralang m~ga fraileng dominico ang may-arì at silá rin ang nan~gagtuturò.
[37] Tinatawag na "dialéctico" ang gumagamit n~g dialéctica. Ang "dialéctica'y" ang carunun~gang ucol sa pag iisip-ísip at ang m~ga pinanununtunang landás sa bagay na itó.--P.H.P.
[38] Si Santo Domingo de Guzman ang nagtatag n~g capisanan n~g m~ga fraileng dominico cayá sila'y tinatawag na m~ga anác ni Guzman.--P.H.P.
[39] Ang nananatili sa pakikipanayam sa sangcataohan; ang hind? sacerdote.
[40] Ang nagpápalagay n~g m~ga paláisipang dapat sagutin at tutulan sa pan~gan~gatowiran n~g catalo.
[41] Ito'y ang balitang si G. Benedicto de Luna, marunong na abogadong filipino.
[42] Ang pagtatan~g? at pagbubucod n~g pinagmamatuwirang anó man.
[43] Ang m~ga inanác ó iniapó n~g m~ga unang senador sa Roma.
[44] M~ga fraile.
[45] Si Enrique Heine ay bantóg na poeta at crítico alemán. Sumulat sa wicang alemán. Ipinan~ganác n~g 1796 at namatáy n~g 1856.
[46] Ang m~ga dios sa pinagtapunan.
[47] Ang Tyrol ay isáng magandáng panig n~g Suiza at Baviera at isá sa m~ga lalawigan n~g Austria-Hungría. May siyam na raang libong tao ang namamayan doon.
[48] Tinatawag na equinoccio ang pagcacaisá n~g hábà n~g araw at n~g gabí. Nagcacaequinoccio pagpapasimula n~g signo Aries at pagpapasimula namán n~g signo Libra. May equinoccio n~g tag-araw, mula sa 20 hanggang 21 n~g Marzo, at may equinoccio n~g tag-ulan, mula sa 22 hanggang 23 n~g Septiembre.
[49] Halos talós n~g lahát n~g fipinong ang cahulugán n~g "morisqueta" ay canin; n~guni't ang wala marahil nacacaalám niyan ay cung saang wicà nanggaling; sa pagca't ang sabing morisqueta'y hind? wicang castilà, hind? tagalog, hind? latín, hind? insíc at iba pa. ?Ang m~ga fraile caya ang nagtatag n~g salitang iyan?
[50] Sinabi co na sa sa isá sa m~ga paunawà sa Buhay ni Rizal na sa pasimula n~g librong itó na ang sabing "indio" ay wicang castilà na ang cahuluga'y túbò ó inianác sa India. Ang Filipinas ay m~ga pulóng na sa panig n~g libutáng tinatawag na "Oceanía," at ang India ay na sa panig n~g libutáng tinatawag na Asia. Ang tawag na indio n~g m~ga fraile, n~g m~ga castilà at n~g m~ga lahing put? sa m~ga túbò sa Filipinas ay isáng pag-alimura at pagcutya sa m~ga lahing caymanggui. Caacbáy n~g sabing indio ang cahulugang tamád, waláng damdamin, han~gal, dugong mabábà, cutad na ísip, ugaling pan~git, waláng cahihiyan at iba pang lalong m~ga casamasamaan. Sacsí nitóng m~ga sabi co ang m~ga sinulat n~g m~ga fraile't castilà tungcol sa Filipinas. N~guni't ang lalong nacatátawa'y ang m~ga táong túbò rin dito sa Filipinas, na dahil sa maput? ang caniláng balát ay tumatawag sa capowa tagritong caymangui n~g indio ... ?M~ga dukhang damdamin!--P.H.P.
[51] Ito'y lubós na catotohanan. Ang sumusulat nito'y nacapan~gumpisal n~g panahóng cabataan pa sa isáng fraileng palibhasa'y bahagya n~g macawatas n~g wicang tagalog, ipinipilit na ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 218
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.