Noli Me Tangere | Page 3

José Rizal
sa mumunting panig ang siyang daanan mula sa silong ó macapasoc n~g pintuang nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawa sa China, na may sarisaring culay at may m~ga dibujong hind? mapaglirip.
Yamang walang bantay-pint? ó alilang humin~g? ó magtanong n~g "billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ?oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta, n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hind? catá pápagalin sa pagsasaysay n~g calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga any? n~g asal, cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa "colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hind? cakilala, na ang pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom", "Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at maganda?g "marco" na anyong "Renacimiento"[15] na gawa ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Se?ora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hind? nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikha, datapowa't nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nab?buloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g canyang mukha; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiup? sa mesa, at n~g huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame n~g maririkít na lámparang gawa sa China, m~ga jaulang waláng ibon, m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18] bahagya na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.
Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitna n~g lubháng malalakíng m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga ara?a[19]: at doon sa ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na "piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y sinasabi n~g larawan:
--?Ehem! ?masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hind? tumatawa!
Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hind? maguinhawahang gamitin at nacasasama pa sa catawan: hind? n~ga ang icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g may-arì, cung d? ang sariling pagmamarikít.--?Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúp? sa m~ga sillóng gawáng Europa, at hind? palaguing macacátagpò cayó n~g ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.
Halos pun? n~g tao ang salas: hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae, tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y espa?ola: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagya na nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalita; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 218
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.