iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawa n~g m~ga daga at n~g m~ga butik?. ?Baca caya naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't ibang m~ga "Nuestra Se?ora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?
Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hind? magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y wala cung ang d? mag-alay sa m~ga espa?ola n~g tabaco at hits?, at magpahalíc n~g canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:
--?Jesus! ?Hintay cayó, m~ga indigno[26]!
At hind? na mulíng sumipót.
Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g caunt?. Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo n~g dalir? ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowa nacaput? n~g pananamit, nan~gacatalicod camáy at d? umíimic ay nan~gagpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas, tulad sa guinágawa n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].
Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukha, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagya na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maicl? ang pananalita.--Ang isá sa m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guint?, maaga ang pagca ugaling matanda: siya ang cura sa Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa m~ga "seglar"[39], hind? macuhang malitó siya ó mahuli cailan man n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hind? nagsasálita ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.
Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalita at lalò n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukha niyang magandá ang tabas, ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay any? sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cay?, at cahi't hind? sinasadya'y inyóng mágugunita yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang namamangca pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hind? mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at wala n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugal? n~g canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.
Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatán~gì cung d? ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hind? canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guint? ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.
--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca p? cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ?ibá ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!
--N~guni't....
--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalita ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at n~g d? na macaimíc ang canyang causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at "morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalaan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga carunun~gan at sa mabubuting pananalita, nakikilala co ang "indio"[50]. Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hind? co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.