pa. N~guni't ang sinasabing bayan ò lupà rito'y saclaw ang boong Sangcapuluang Filipinas, hind? ang lupang Naic ó bayang Malabon ó lalawigang Tayabas, cung di ang capisanan n~g lahat n~g bayan, n~g lahat n~g lalawigan sa boong Sangcapuluang ito, casama ang m~ga bundóc, gubat, ilog, dagat at iba pa.--P.H.P.
[2] "Casaysayan n~g ano mang nangyayari." Ipinan~gun~gusap na "istoria"; sa pagka't sa wicang castila'y hind? isinasama ang h sa pagbasa--P.H.P.
[3] Ang cáncer ay masamáng "bùcol" ó baga, na hind? maisatagalog na "baga" ó búcol, sa pagca't ibang iba sa m~ga sakit na itó. Caraniwang napagagaling ang "baga" ó búcol, datapowa't ang "cáncer" ay hind?. Bawa't dapuan n~g "cáncer" ay namamatay. Wala pang lunas na natatagpuan ang m~ga pantás na manggagamot upang mapagalíng ang "cáncer", na cung pamagatá'y "carcinoma." May nagsasabing napagagaling ang "carcinoma" sa pamamag-itan n~g paglapláp sa búcol, cung panahóng bagong litáw, na walang ano mang itítira, datapuwa't palibhasa'y hind? nararamdaman n~g may sakít n~g carcinoma na siya'y mayroon nito, cung d? cung malubha na, iyan ang cadahilana't wala n~g magawa ang m~ga cirujano. Ang caraniwang dinadapuan n~g cáncer, carcinoma, ay ang m~ga taong bayan at hindi ang taga bukid; at lalong madalas sa babae cay sa lalakí. Sa suso ó sa bahay-bata madalás dumápò cung sa babae. Ang sakít na "cancer" ay tinatawag na "Noli me tangere," na ang cahuluga'y "Howag acong salan~gín nino man;" sapagca't cung laplapin at hindi macuhang maalís na lahat at may matirang cahi't gagahanip man lamang ay nananag-ul? at lalong lumalacas ang paglaganap, tulad sa inuulbusang halaman, damó ó cahoy na lalong lumálacas ang paglag?, at pagcacagayo'y lalong nadadal? ang pagcamatay n~g may sakit.--P.H.P.
[4] Tinatawag na civilización ang caliwanagan n~g isip dah?l sa pag-aaral n~g m~ga bago't bagong dunong. Nagpasimula ang tinatawag na "civilización moderna," ó bagong civilización, n~g icalabinglimang siglo, at nacatulong na totoo na bagay na ito ang pagcátuclas n~g limbagan.--P.H.P.
=NOLI ME TANGERE=
=I.=
=ISANG PAGCACAPISAN.=
Nag-anyaya n~g pagpapacain nang isáng hapunan, n~g magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala n~g bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na n~g lahát n~g m~ga usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang m~ga nayon at hanggang sa loob n~g Maynílà. N~g panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas n~g ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hind? nagsásara n~g pint? canino man, liban na lamang sa m~ga calacal ó sa anó mang isip na bago ó pan~gahás.
Cawan~gis n~g kisláp n~g lintíc ang cadal?an n~g pagcalaganap n~g balítà sa daigdigan n~g m~ga dápò, m~ga lan~gaw ó m~ga "colado"[5], na kinapal n~g Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami n~g boong pag-irog sa Maynílà. Nan~gagsihanap ang ibá nang "betún" sa caniláng zapatos, m~ga botón at corbata naman ang ibá, n~guni't siláng lahát ay nan~gag iisip cung paano caya ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon n~g caibigan, ó cung magcatao'y humin~gí pang tawad na hind? nacadalóng maaga.
Guinawa ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hind? namin natatandaan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang any? upang makilala n~gayón, sacali't hind? pa iguiniguibá n~g m~ga lindól. Hind? camí naniniwalang ipinaguiba ang bahay na iyon n~g may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno n~g pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.--Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa m~ga lupaíng itó; natatay? sa pampang n~g ilog na san~gá n~g ilog Pasig, na cung tawaguin n~g iba'y "ría" (ilat) n~g Binundóc, at gumáganap, na gaya rin n~g lahát n~g ilog sa Maynílà, n~g maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán n~g dumí, labahan, pinan~gin~gisdaan, daanan n~g bangcang nagdádala n~g sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán n~g tubig na inumín, cung minamagalíng n~g tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailan~gang gamit na itó n~g nayong ang dami n~g calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagya na lamang nagcaroon n~g isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sira ang cabiláng panig at ang cabila nama'y hind? maraanan sa nálalabi n~g taon, na ano pa't ang m~ga cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hind? nagbabagong any?, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat n~g nalilibang na táong may camatayang sa loob n~g coche ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglag? n~g panahón.
May cababaan ang bahay na sinasabi namin, at hind? totoong magaling ang pagcacàany?; cung hind? napagmasdang mabuti n~g "arquitectong"[8] namatnugot sa paggawa ó ang bagay na ito'y cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.