Noli Me Tangere

José Rizal
#
Noli Me Tangere, by Jose Rizal

The Project Gutenberg EBook of Noli Me Tangere, by Jose Rizal This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org
Title: Noli Me Tangere
Author: Jose Rizal
Translator: Pascual H. Poblete
Release Date: December 30, 2006 [EBook #20228]
Language: Tagalog
Character set encoding: ISO-8859-1
*** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK NOLI ME TANGERE ***

Produced by Tamiko I. Camacho, Pilar Somoza, and the Online Distributed Proofreading Team (http://www.pgdp.net). Thanks to the following for their help in making this project possible: Elmer Nocheseda, Jerome Espinosa Baladad, Matet Villanueva, Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section, and the Filipinas Heritage Library. The ebook is being released in commemoration of Dr. José Rizal's 110th Death Anniversary on December 30, 2006. Handog ng Proyektong Gutenberg ng Pilipinas para sa pagpapahalaga ng panitikang Pilipino.(http://www.gutenberg.ph)

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.]
NOLI ME TANGERE
HUAG ACONG SALAN~GIN NINO MAN
[Larawan: Dr. Jose Rizal]
Dr. J. RIZAL
NOLI ME TANGERE
Novelang wicang Castila na tinagalog
NI
PASCUAL H. POBLETE
Kilalang manunulat at Tagapatnubay n~g m~ga unang Pamahayagang Tagalog.
?Anó? Di bagá caya macalálabas sa inyong man~ga dulaan ang isang César? Tangí na bagá lamang macalálabas doon ang isang Aquiles, ang isang Orestes, ó Andrómaca?
?Aba! Cung ganyan namang uala na tayong namamasdan cung di ang m~ga nan~gan~gatungculan sa bayan, m~ga pari, m~ga alférez at m~ga secretario, ang m~ga húsar, comandante at m~ga alguacil.
Datapowa't sabihin mo, ?anó ang dakilang bagay na magagawa nang m~ga alibughang ito? ?Pang-gagalin~gan bagá ang ganitóng m~ga técas n~g m~ga di caraniwang gawá?
?Was? Es dürfte kein C?sar auf euren Bühnen sich zeigen?--Kein Achill, kein Orest, keine Andromacha mehr??
Nichts! Man sieht bei uns nur Pfarrer, Commerzienr?the,--F?hndriche, Secret?rs oder Husarenmajors.
?Aber, ich bitte dich, Freund, was kann denn dieser Misere--Gro?es begegnen, was kann Gro?es denn durch sie geschehn??
Schiller. Ang anino ni Shakespeare.
MAYNILA
Limbagan ni M. Fernandez PAZ, 447, Sta. Cruz. 1909

Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. M~ga wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salan~gin nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán n~g m~ga pantás na mangagamot.

Sa han~gad na ang m~ga librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha n~g Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling n~g catagalugan, ang m~ga doo'y sinasabing nagpapakilala n~g tunay nating calayaan at n~g dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán n~g nin~gas n~g ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na m~ga librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos n~g wicang castila na guinamit sa m~ga kinathang yaón.
Cung pakinaban~gan n~g aking m~ga calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan.
Maynila, unang araw n~g Junio n~g taong isang libo siyam na raan at siyam.
Saturnina Rizal ni Hidalgo,
ó
NENENG RIZAL.

=NOLI ME TANGERE=
Catha sa wicang castila ni
=Dr. José Rizal=
at isinatagalog ni
=Pascual H. Poblete=

=SA AKING TINUBUANG LUPA=[1]
Nátatalà sa "historia"[2] n~g m~ga pagdaralità n~g sangcataohan ang isáng "cáncer"[3] na lubháng nápacasama, na bahagya na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitna n~g m~ga bágong "civilización"[4], sa han~gad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y n~g isumag co icáw sa m~ga ibáng lupaín, sa tow? na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy n~g gayón ding cáncer sa pamamayan.
Palibhasa'y nais co ang iyong cagalin~gang siyáng cagalin~gan co rin namán, at sa aking paghanap n~g lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà n~g m~ga tao sa úna sa canilang m~ga may sakít: caniláng itinátanghal ang m~ga may sakít na iyan sa m~ga baitang n~g sambahan, at n~g bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan.
At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sip?ing waláng anó mang pacundan~gan ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui n~g cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, samp? n~g pagmamahál sa sariling dan~gál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong m~ga caculan~gán at m~ga carupucán n~g púsò.
Ang Cumatha.
Europa, 1886.
TALABABA:
[1] A mi pátria, ang sabi sa "original" na wicang castilà. Ang sabing "pátria" ay waláng catumbas sa wícà natin cung d?: ang tinubuang lupà, ang tinubuan bayan, ang kinaguisnang bayan, ang kinamulatang bayan, at iba
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 218
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.