Noli Me Tangere | Page 8

José Rizal

--At n~g icalabing-apat na siglo at hindî n~g icapitó--ang idinugtóng
n~g dominico, na ang anyo'y parang sinásala ang camalìan at n~g
pasakitan ang capalaluan niyong isáng fraile.

--¡Mabuti, datapuwa't hindî sa paglalabis cumulang n~g isáng siglo'y
siya'y maguiguing dominico na!
--¡Abá, howag pô sanang magalit ang cagalan~gán pô ninyo!--ani párì
Sibylang n~gumín~gitî.--Lalong magalíng cung siya ang nacátuclas
n~g paggawâ n~g pólvora, sa pagca't sa gayo'y naibsan na niya sa
pagcacapagod sa gayóng bagay ang canyang m~ga capatíd.
--¿At sinasabi pô ninyo, párì Sibyla, na nangyari ang bagay na iyón n~g
icalabíng apat na siglo?--ang tanóng na malakí ang nais na macatalós ni
Doña Victorina--¿n~g hindî pa ó n~g macapagcatawáng tao na si
Cristo?
Pinalad ang tinátanong na pumasoc sa salas ang dalawang guinoo.
TALABABA:
[5] Colado, ang taong hindi inaanyayaha'y cusang dumádalo sa isang
piguíng. Maraming di ano lamang sa mañ~ga bayanbayan, at lalonglalo
na dito sa Maynilà, ang mañ~ga taong di nating calahì, na hindî man
inaanyayahan ay nagdudumalíng dumaló sa man~ga piguíng nang
man~ga filipino, na canilang tinatawag na indio, at ang man~ga taong
yaong di natin calahì ang siyang tinatawag ni Rizal na man~ga colado
sa piguíng.--P.H.P.
[6] Ang catutubong mahusay at dî nagbabagong calacarán n~g m~ga
linikhâ n~g Dios--P.H.P.
[7] Nang panahóng sulatin ni Rizal ang Noli me tangere ay hindi pa
umaagos dito sa Maynila ang tubig na inumíng nanggagaling sa ilog
San Mateo at Marikina. Talastas nang madla, na ang guinugol sa
pagpapaagos na ito ay ang ipinamanang salapi, upang iucol sa ganitong
bagay, ni D. Francisco Carriedo, castilang naguíng magistrado sa Real
Audiencia nang una. ¡Salamat sa isáng castílà, sa isáng hindî nating
caláhì ay nagcaroon ang Maynílà n~g tubig na totoong kinacailan~gan
sa pamumuhay! Maraming mayayamang filipinong bago mamatay ay
nagpapamana n~g maraming salapî at mahahalagáng cayamanan sa
m~ga fraile ó sa m~ga monja, datapowa't hindî nan~gababalinong

magpamana n~g anó mang iguiguinhawa ó magagamit sa pamumuhay
n~g caniláng m~ga cababayan. Walâ rin acóng nalalamang nagawáng
handóg sa m~ga filipino ang m~ga fraile na macacatulad n~g pamana
n~g dakilang si Carriedo; gayóng dahil sa m~ga filipino cayâ yumaman
at naguíng macapangyarihan ang m~ga fraileng iyan.--¡Culang palad na
Filipinas!--Nang di pa umaagos ang tubig na inumíng sinabi na ay sa
ilog Pasig ó sa man~ga ibáng nacaliliguid sa Maynilà umiiguib nang
inumín at ibá pang cagamitan sa bahay, sacali't ang bahay walang
algibe ó tipunán n~g tubig sa ulán.--P.H.P.
[8] Ang namamatnugot sa paggawâ n~g anó man edificio. Tinatawag
na edificio ang bahay, palacio, simbahan, camalig at iba pa.--P.H.P.
[9] Ang ladrillong parang pinggan ang pagcacayarì.--P.H.P.
[10] Ang "maceta" ay wicang castilà na ang cahuluga'y ang lalagyán
n~g lupà na pinagtatamnan n~g m~ga halamang guinágawang
pangpamuti, sa macatuwid ay malî ang tawag na "macetas" sa
halaman.--P.H.P.
[11] Patun~gán n~g m~ga "maceta" ó pátirican n~g haligue ó ano mang
bagay.--P.H.P.
[12] Ang capisanan n~g guinagamit sa pagcaing cuchara, cuchillo,
tenedor at iba pa.--P.H.P.
[13] Ang sabing "caida" ay wìcang castilà, na ang cahuluga'y ang
pagcahulog, pagcálagpac, pagcárapâ pagcatimbuang, ó ang
kinahuhulugan ó ang laláy n~g ano mang bagay; datapuwa't dito sa
Filipinas, ayawan cung anong dahil, tinatawag na "caida" n~g m~ga
castilà at n~g m~ga lahing castila ang macapanhíc n~g báhay.--P.H.P.
[14] Ang panig n~g bahay na pinaglálagyán n~g mesang
cacanán.--P.H.P.
[15] Mulíng pan~gan~ganac. Ang panahong nagpasimulâ nang
calaghatian nang Siglo XV, na napucaw sa man~ga taong tubò sa
dacong calunuran n~g Sandaigdigan ang masilacbong pagsisiyasat

nang m~ga maririkit na guinagáwâ sa una nang m~ga griego at nang
m~ga latino--P.H.P.
[16] Bataláng bató, na ang caraniwa'y baldosa ang
tungtun~gan.--P.H.P.
[17] Sa convento n~g Antipolo ay may isang cuadrong catulad
nitó.--J.R.
[18] Isáng pabilóg na parang culuong na ang caraniwa'y
pinagagapan~gan n~g m~ga halaman.--P.H.P.
[19] Ang ilawang san~gasan~ga na ibinibiting may m~ga pamuting
m~ga cristal na nagkikislapan.--P.H.P.
[20] Isáng papatun~gang cahoy, na catulad n~g papag na mababà ang
anyô.--P.H.P.
[21] Cahoy na caraniwang tawaguin n~g tagalog na "Palo-China." Ang
cahoy na ito'y caraniwan sa Europa at América. Sumisibol din sa
Benguet, dito sa Filipinas, dahil sa malamíg ang sin~gaw roon.--P.H.P.
[22] Natuclasán ang paggawâ n~g "piano" n~g siglo XIII at siyang
naguing cahalili n~g "clavicordio" at n~g "espineta." Alinsunod sa
anyô at lakí ay tinatawag na piano de mesa, piano de cola, piano de
media cola, piano vertical, piano diagonal at iba pa. Ang piano de
cola'y nacahigang parang mesa, na sa isáng dulo'y malapad at sa
cabiláng dulo'y makitid at isá sa m~ga lalong mahál ang
halagá.--P.H.P.
[23] Tinatawag na larawang "al óleo," (retrato al óleo) ang larawang
ipinípinta sa pamamag-itan n~g m~ga culay ó pinturang tinunaw sa
lan~gis.--P.H.P.
[24] Sambahan n~g m~ga judío.--P.H.P.
[25] Caraniwang tinatawag na Nuestra Señora ang anó mang larawan ni
Guinoong Santa María, na halos may dî mabilang na pamagát: Nuestra

Señora del Carmen, cung may m~ga escapulario sa camay; Nuestra
Señora del Rosario, cung may tan~gang cuintás; Nuestra Señora de la
Correa, cung
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 223
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.