makikita cayó. Dapat nating
ibucód sa m~ga pananalitâ ni Fr. Dámaso ang m~ga pananalitâ n~g tao
sa m~ga pananalitâ n~g sacerdote. Ang m~ga pananalitâ n~g sacerdote,
sa canyáng pagcasacerdote, "per se"[73], ay hindî macasasakít n~g loob
canino man, sa pagca't mulâ sa lubós n~g catotohanan. Sa m~ga
pananalitâ n~g tao, ay dapat gawín ang isá pa manding pagbabahagui:
ang m~ga sinasabing "ab irato"[74], ang m~ga sinabing "exore"[75],
datapuwa't hindî "in corde"[76], at ang sinasabing "in corde". Ang
m~ga sinasabing "in corde" lamang ang macasasakít n~g loob: sacali't
dating tinatagláy n~g "in meate"[77] sa isáng cadahilanan, ó cung
nasabi lamang "per accidens"[78], sa pagcacáinitan n~g salitàan, cung
mayroong....
--¡N~guni't aco'y "por accidens" at "por mi"[79] ay nalalaman co ang
m~ga cadahilanan, pári Sibyla!--ang isinalabat n~g militar, na nakikita
niyáng siya'y nabibilot n~g gayóng caraming m~ga pag tatan~gitan~gi,
at nan~gan~ganib siyáng cung mapapatuloy ay siyá pa ang lalábas na
may casalanan.--Nalalaman co ang m~ga cadahilanan at
papagtatan~giin n~g "cagalan~gan pô ninyo" (papagtatan~gitan~giin
pô ninyo). Sa panahóng wala si pári Dámaso sa San Diego ay inilibíng
n~g coadjutor[80] ang bangcáy n~g isáng táong totoong carapatdapat ...;
opò, totoong carapatdapat; siya'y macáilan cong nácapanayam, at
tumúloy acó sa canyáng bahay. Na siya'y hindi nan~gumpisál cailan
man, at iyán bagá'y ¿anó? Acó ma'y hindi rin nan~gun~gumpisál,
n~guni't sabihing nagpacamatáy, iya'y isáng casinun~galin~gan, isáng
paratang. Isáng táong gaya niyáng may isáng anác na lalaking
kinabubuhusan n~g boong pag-irog at m~ga pag-asa, isáng táong may
pananampalataya sa Dios, na nacacaalám n~g canyang m~ga
catungculang dapat ganapín sa pamamayan, isáng táong mapagmahál
sa capurihán at hindi sumisinsay sa catuwiran, ang ganyáng tao'y hindî
nagpápacamatay. Ito'y sinasabi co, at hindî co sinasabi ang m~ga ibáng
aking iniisip, at kilanlíng utang na loob sa akin n~g "cagalan~gan" pô
ninyó.
At tinalicdán ang franciscano at nagpatuloy n~g pananalitâ:
--N~g magcágayo'y n~g magbalic ang curang itó sa bayan, pagcatapos
na maalipustá ang coadjutor, ang guinawa'y ipinahucay ang bangcáy na
iyón, ipinadala sa labás n~g libin~gan, upang ibaón hindi co maalaman
cung saan. Sa caruwagan nang bayang San Diego'y hindi tumutol;
tunay n~ga't iilan lamang ang nacaalam, walang camag-anac ang nasirà,
at na sa Europa ang canyang bugtóng na anác; n~guni't nabalitaan n~g
Gobernador General, at palibhasa'y táong may dalisay na púsò, ay
hinin~gi ang caparusahán ... at inilipat si pári Dámaso sa lalong
magaling na bayan. Itó n~gâ lamang ang nangyari. N~gayo'y gawín
n~g "inyó pong cagalan~gán" ang pagtatan~gitan~gi.
At pagca sabi nitó'y lumayò sa pulutóng na iyón.
--Dináramdam cong hindî co sinásadya'y nábanguit co ang isáng bagay
na totoong mapan~ganib ani párì Sibylang may pighatî.--Datapuwa't
cung sa cawacasa'y nakinabang naman cayó sa pagpapalít-bayan....
--¡Anó bang pakikinaban~gin! ¿At ang nawáwalâ sa m~ga paglipat ...
at ang m~ga papel ... at ang m~ga ... at ang lahát n~g m~ga
náliligwín?--ang isinalabat na halos nauutál ni Fr. Dámaso na hindi
macapagpiguil n~g galit.
Untiunting nanag-úli ang capisanang iyón sa dating catahimican.
Nan~gagsidatíng ang ibá pang m~ga tao, caacbáy ang isáng matandáng
castilàng piláy, matamís at mabaít ang pagmumukhâ, nacaacay sa bísig
n~g isáng matandáng babaeng filipinang punô n~g culót ang buhóc,
may m~ga pintá ang mukhâ at nacasuot europea.
Sila'y sinalubong n~g bating catoto n~g naroroong pulutóng, at
nan~gagsiupô sa tabí n~g ating m~ga cakilala ang Doctor De Espadaña
at ang guinoong asawa niyang "doctora" na si Doña Victorina. Doo'y
napapanood ang iláng m~ga "periodista"[81] at m~ga "almacenero"[82]
na nan~gagpaparoo't parito at waláng maalamang gawín.
--N~guni't ¿masasabi pô ba ninyo sa akin, guinoong Laruja, cung
anóng tao cayâ ang may arì n~g bahay?--ang tanóng n~g binatang
mapulá ang buhóc.--Aco'y hindî pa naipapakilala sa canyá[83].
--Ang sabihana'y umalís daw, acó ma'y hindi co pa siyá nakikita.
--¡Dito'y hindî cailan~ganang m~ga pagpapakilala!--ang isinabád ni Fr.
Dámaso,--Si Santiago'y isáng táong mabaít.
--Isang táong hindi nacátuclas n~g pólvorâ--ang idinugtong ni Laruja.
--¡Cayó pô namán, guinoong Laruja!--ang sinabi sa malambing na
pagsisi ni Doña Victorinang nag-aabanico.--¿Paano pô bang
matutuclasan pa n~g abang iyón ang pólvora, ay alinsunod sa sabi'y
natuclasan na ito n~g m~ga insíc na malaong panahón na?
[Larawan:.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa
ang "Doctora" Doña Victorina ...--Imp. de M Fernández, Paz 447, Sta.
Cruz.]
--¿Nang m~ga insíc? ¿Nasisirà bâ ang isip ninyo?--ang sabi ni Fr.
Dámaso,--¡Tumahán n~gâ cayó! ¡Ang nacátuclas n~g paggawâ n~g
pólvora'y isang franciscano, isá sa aming samahan, Fr. Hindî co
maalaman Savalls, n~g siglong ... ¡icapitó!
--¡Isang franciscano! Marahil naguíng misionero sa China, ang párì
Savalls na iyan--ang itinutol n~g guinoong babae na hindî ipinatatalo
n~g gayongayon lamang ang canyang m~ga isipan.
--Marahil Schwartz[84] ang ibig pô ninyong sabihin, guinoong
babae--ang itinugón namán ni Fr. Sibyla, na hindî man lamang siya
tinítingnan.
--Hindî co maalaman; sinabi ni Fr. Dámasong Savalls: walâ acóng
guinawâ cung dî inulit co lamang ang canyang sinalitâ.
--¡Magalíng! Savalls ó Chevás, ¿eh anó n~gayon? ¡Hindî dahil sa isáng
letra ay siya'y maguiguing insíc!--ang mulíng sinaysay na nayáyamot
ang franciscano.
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.