Noli Me Tangere | Page 6

José Rizal
ang ilang bowan; magbabago cayóng
isipán pagca cayo'y nacapagmalimít sa maraming m~ga fiesta at
"bailujan"[58], nacatulog sa m~ga catre at nacacain n~g maraming
"tinola".
--Tinatawag po ba ninyong tinola ang bun~gang cahoy na cahawig n~g
"loto"[59] na ... ganyan ... nacapagmamalimutin sa m~ga tao?
--¡Ano bang loto ni loteria!--ang sagot ni párì Dámasong
nagtátawa;--nagsasalitâ cayó n~g m~ga cahalin~gán. Ang tinola ay ang
pinaghalong inahíng manoc at sacá úpo. ¿Buhat pa cailán dumating

cayó?
--Apat na araw--ang sagot n~g binatang ga namumuhî na.
--¿Naparito ba cayong may catungculan?
--Hindi pô; naparito acó sa aking sariling gugol upang mapagkilala co
ang lupaíng itó.
--¡Aba, napacatan~gì namang ibon!--ang saysay ni Fr. Dámaso, na
siya'y minamasdan n~g boong pagtatacá--¡Pumarito sa sariling gugol at
sa m~ga cahalin~gán lamang! ¡Cacaibá namáng totoo! ¡Ganyang
caraming m~ga libro ... sucat na ang magcaroon n~g dalawang dáling
noo[60].... Sa ganya'y maraming sumulat n~g m~ga dakílang libro!
¡Sucat na ang magcaroon n~g dalawang daling noo....
--Sinasabi n~g "cagalanggalang po ninyo"[61] ("Vuestra reverencia"),
párì Dámaso--ang biglang isinalabat n~g dominico na pinutol ang
salitaan--na cayo'y nanaháng dalawampong taón sa bayang San Diego
at cayo umalis doon.... ¿hindî pô ba kinalúlugdan n~g inyong
cagalan~gan ang bayang iyon?
Biglang nawalâ ang catowaan ni Fr. Dámaso at tumiguil n~g pagtatawá
sa tanóng na itong ang anyo'y totoong parang walang anó man at hindî
sinásadyâ.
Nagpatuloy n~g pananalitâ ang dominico n~g anaki'y lalong
nagwáwalang bahálà:
--Marahil n~ga'y nacapagpipighati ang iwan ang isáng bayang
kinátahanang dalawampong taón at napagkikilalang tulad sa hábitong
suot. Sa ganáng akin lamang naman, dinaramdam cong iwan ang
Camilíng, gayóng iilang buwan acóng nátira roon ... n~guni't yaó'y
guinawâ n~g m~ga púnò sa icagagaling n~g Capisanan ... at sa
icágagaling co namán.
Noon lamang n~g gabíng iyón, tila totoong natilihan si Fr. Dámaso. Di
caguinsaguinsa'y pinacabigyanbigyan n~g suntóc ang palun~gán n~g

camáy n~g canyáng sillón, humin~ga n~g malacás at nagsalitâ:
--¡O may Religión ó wala! sa macatuid baga'y ¡ó ang m~ga cura'y may
calayâan ó walâ! ¡Napapahamac ang lupang itó, na sa capahamacán!
At sácâ mulíng sumuntóc.
--¡Hindi!--ang sagót na paan~gil at galit, at saca biglang nagpatinghigâ
n~g boong lacás sa hiligán n~g sillón.
Sa pagcámanghâ n~g nan~gasasalas ay nan~gagtin~ginan sa pulutóng
na iyón: itinungháy n~g dominico ang canyáng ulo upang tingnán niya
si pári Dámaso sa ilalim n~g canyáng salamín sa mata. Tumiguil na
sandali ang dalawáng extranjerong nan~gagpapasial, nan~gagtin~ginan,
ipinakitang saglít ang caniláng m~ga pan~gil; at pagdaca'y
ipinagpatuloy uli ang caniláng pagpaparoo't parito.
--¡Masamâ ang loob dahiláng hindî ninyó binigyán n~g Reverencia
(Cagalang-galang)!--ang ibinulóng sa tain~ga n~g binatang mapulá ang
buhóc ni guinoong Laruja.
--¿Anó pô bâ, ang ibig sabihin n~g "cagalanggalang" ninyó (Vuestra
Reverencia)? ¿anó ang sa inyo'y nangyayari?--ang m~ga tanóng n~g
dominico at n~g teniente, na iba't ibá ang taas n~g voces.
--¡Cayâ dumaráting dito ang lubháng maraming m~ga sacunâ!
¡Tinatangkílik n~g m~ga pinúnò ang m~ga "hereje"[62] laban sa m~ga
"ministro" n~g Dios[63]! ang ipinagpatuloy n~g franciscano na
ipinagtutumâas ang canyáng malulusog ó na m~ga panuntóc.
--¿Anó pô ba ang ibig ninyóng sabihin?--ang mulíng itinanóng n~g
abot n~g kilay na teniente na anyóng titindig.
--¿Na cung anó ang íbig cong sabíhin?--ang inulit ni Fr. Dámaso, na
lalong inilacás ang voces at humaráp sa teniente.--¡Sinasabi co ang ibig
cong sabihin! Acó, ang ibig cong sabihi'y pagca itinatapon n~g cura sa
canyáng libin~gan ang bangcáy n~g isáng "hereje," sino man, cahi ma't
ang hárì ay waláng catuwirang makialám, at lalò n~g waláng

catuwirang macapagparusa. ¡At n~gayo'y ang isáng "generalito"[64],
ang isáng generalito Calamidad[65]...!
--¡Párì, ang canyáng Carilagán[66] (ang marilág bagáng Gobernador
General) ay Vice-Real Patrono[67],--ang sigaw n~g teniente na
nagtindíg.
--¡Anó bang Carilagán ó Vice-Real Patrono[68] man!--ang sagót n~g
franciscanong nagtindíg din.--Cung nangyari itó sa ibáng panaho'y
kinaladcád sana siyá n~g pababâ sa hagdanan, tulad n~g minsa'y
guinawâ n~g m~ga Capisanan n~g m~ga fraile sa pusóng na
Gobernador Bustamante[69]. ¡Ang m~ga panahóng iyón ang tunay na
panahón n~g pananampalataya!
--Ipinauunawà co sa inyó na di co maitutulot ... Ang "Canyang
Carilagán," (ó ang marilág na Gobernador General) ang pinacacatawán
n~g Canyáng Macapangyarihan, ang Hárì[70].
--¡Anó bang hárì ó cung Roque[71] man! Sa ganáng amin ay waláng
ibáng hárì cung dî ang tunay[72]....
--¡Tiguil!--ang sigáw n~g tenienteng nagbabalà at wari'y mandin ay
nag-uutos sa canyáng m~ga sundalo;--¡ó inyóng pagsisisihan ang lahát
ninyóng sinabi ó búcas din ay magbíbigay sabi acó sa Canyang
Carilagán!...
--¡Lacad na cayó n~gayón din, lacad na cayó!--ang sagót n~g boong
paglibác ni Fr. Dámaso, na lumapít sa tenienteng nacasuntóc ang
camáy.--¿Acalà ba ninyo't may suot acóng hábito'y walâ acóng ...?
¡Lacad na cayo't ipahihíram co pa sa inyó ang aking coche!
Naoowî ang salitaan sa catawatawang anyô. Ang cagalin~gang palad
ay nakialam ang dominico.--¡M~ga guinoo!--ang sabi niyáng taglay
ang anyóng may capangyarihan at iyáng voces na nagdaraan sa ilóng na
totoong nababagay sa m~ga fraile;--huwag sana ninyóng
papagligáwligawín ang m~ga bagay, at howag namán cayóng humánap
n~g m~ga paglapastan~gan sa waláng
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 223
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.