Noli Me Tangere | Page 5

José Rizal
taóng saguing at
"morisqueta"[49], macapagsasabi aco n~g mapapaniwalâan tungcól sa
bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin n~g alinsunod sa m~ga
carunun~gan at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang "indio"[50].
Acalain ninyong mulá n~g aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol

na sa isang bayang maliit n~ga, n~guni't totoong dúmog sa pagsasaca.
Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y
kinúcumpisal co na ang m~ga babae[51] at nagcacawatasan camí, at
lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't n~g macaraan ang tatlóng taón,
n~g aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà
dahil sa pagcamatáy n~g curang "indio" roon, nan~gagsipanan~gis ang
lahat n~g babae, pinuspos acó n~g m~ga handóg, inihatid nila acong
may casamang música....
--Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....
--¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng
napacanin~gas! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya
co, at n~g siya'y umalís ay lalò n~g marami ang naghatíd, lalo n~g
marami ang umiyác at lalo n~g mainam ang música, gayóng siya'y lalò
n~g mainam mamálò at pinataas pa ang m~ga "derechos n~g
parroquia"[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.
--N~guni't itutulot ninyó sa aking....
--Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong
taón, may iláng bowán lamang n~gayong aking.... iniwan (dito'y
nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang
dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang
bayan. May anim na libo ang dami n~g taong namamayan sa San Diego,
at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinan~ganac
at pinasuso: nalalaman co cung alín ang m~ga lisyang caasalan nito,
cung anó ang pinan~gan~gailan~gan niyon, cung sino ang
nan~gin~gibig sa bawa't dalaga, cung ano anong m~ga pagcadupilas
ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá n~g batang
inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang
taong-bayan; nan~gag-iin~gat n~g mainam sila sa canicaniláng
catungculan. Magsabi cung nagsisinun~galing aco si Santiagong siyang
may arì nitong bahay; doo'y marami siyang m~ga lupà at doon camí
naguíng magcaibigan. N~gayo'y makikita ninyó cung anó ang "indio";
n~g aco'y umalís, bahagya na acó inihatid n~g ilang m~ga matatandáng
babae at iláng "hermano" tercero[53], ¡gayóng nátira aco roong
dalawampong taón!

N~guni't hindî co mapagcúrò cung anó ang cabagayán n~g inyong
m~ga sinabi sa pagcacaális n~g "estanco n~g tabaco"[54]--ang sagot
n~g may mapuláng buhóc na causap, na canyang sinamantala ang
sandaling pagcatiguil dahil sa pag-inom n~g franciscano n~g isang
copita n~g Jerez[55].
Sa pangguiguilalas n~g dî anó lamang ni Fr. Dámaso ay cauntî nang
mabitiwan nito ang copa. Sandalíng tinitigan ang binata at:
--¿Paano? ¿paano?--ang sinabi pagcatapos n~g boong
pagtatacá.--Datapowa't ¿mangyayari bagang hindî ninyo mapagwarì
iyang casíng liwanag n~g ílaw? ¿Hindî ba ninyó nakikita, anác n~g
Dios, na ang lahat n~g ito'y nagpapatibay na totoo, na pawang
cahalin~gán ang m~ga pagbabagong utos na guinágawà n~g m~ga
minìstro?
N~gayo'y ang may puláng buhóc naman ang natigagal, lalong ikinunot
n~g teniente ang canyang m~ga kilay, iguinagalaw ang ulo n~g taong
bulilit na parang ipinahahalatâ niyang biníbigyan niyang catuwiran ó
hindi si Fray Dámaso. Nagcasiya na lamang ang dominico sa
pagtalicód sa canilang lahat halos.
--¿Inaacalà bagá ninyó ...?--ang sa cawacasa'y nagawang tanóng n~g
boong catimpian n~g binátà, na tinítitigan n~g boong pagtatacá ang
fraile.
--¿Na cung inaacalà co? ¡Sinasampalatayanan cong gaya n~g
pagsampalataya sa Evangelio[56]! ¡Napaca "indolente"[57] ang
"indio"!
--¡Ah! ipatawad po ninyong salabatin co ang inyong pananalitâ--anang
binatà, na idinahan ang voces at inilapít n~g cauntî ang canyang upuan;
sinabi po ninyo ang isang salitâ na totoong nacaakit sa aking
magdilidili. ¡Tunay n~ga cayang catutubò n~g m~ga dalisay na tagarito
ang pagca "indolente," ó nangyayari ang sinasabi n~g isang
maglalacbáy na taga ibang lupain, na tinátacpan natin n~g pagca
indolenteng ito ang ating sariling pagca indolente, ang pagcáhuli natin
sa pagsulong sa m~ga carunun~gan at ang ating paraan n~g

pamamahala sa lupaíng nasasacupan? Ang sinabi niya'y ucol sa m~ga
ibang lupaíng sacóp, na ang m~ga nananahan doo'y pawang sa lahì ring
iyan!...
--¡Ohó! ¡M~ga cainguitan! ¡Itanong pô ninyo cay guinoong Laruja na
nacakikílala rin sa lupaíng itó; itanong ninyo sa canya cung may m~ga
catulad ang camangman~gan at ang pagca "indolente" n~g indio!
--Tunay n~ga--ang sagót namán n~g bulilít na lalaking siyang
binangguit--¡hindî po cayó macacakita sa alin mang panig n~g daigdíg
n~g híhiguit pa sa pagca indolente n~g indio, sa alin mang panig n~g
daigdíg!
--¡Ni iba pang lalong napacasama n~g asal na pinagcaratihan, ni iba
pang lalong hindî marunong cumilala n~g utang na loob!
--¡At n~g ibang lalong masamâ ang túrò!
Nagpasimulâ ang binatang mapulá ang buhóc n~g
pagpapalin~gaplin~gap sa magcabicabilà n~g boong pag-aalap-ap.
--M~ga guinoo--ang sinabing marahan--tila mandin tayo'y na sa bahay
n~g isang "indio". Ang m~ga guinoong dalagang iyan....
--¡Bah! huwag cayóng napaca magugunigunihin! Hindî ipinalalagay ni
Santiagong siya'y "indio," bucód sa roo'y hindî siya naháharap, at....
¡cahi't náhaharap man siya! Iya'y m~ga cahalin~gán n~g m~ga bágong
dating. Hayaan ninyong macaraan
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 223
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.