Noli Me Tangere | Page 4

José Rizal
hiwaláy ang m~ga lalaki sa m~ga babae,
tulad sa m~ga sambahang católico at sa m~ga sinagoga[24]. Ang m~ga
babae ay iláng m~ga dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española:
binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; n~guni't
pagdaca'y tinátacpan nilá n~g caniláng m~ga abanico; bahagyâ na
nan~gagbubulun~gan n~g iláng m~ga pananalitâ; anó mang pag-uusap
na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng
putól-putól na sábi; catulad niyáng m~ga in~gay na náririn~gig cung
gabí sa isáng bahay, m~ga in~gay na gawâ n~g m~ga dagâ at n~g
m~ga butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang m~ga larawan n~g m~ga iba't
ibang m~ga "Nuestra Señora"[25] na nagsabit sa m~ga pader ang
siyang ninilit sa m~ga dalagang iyong huwag umimíc at
magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatan~gì ang m~ga babae?
Ang tan~ging sumasalubong sa pagdatíng n~g m~ga guinoong babae
ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait
at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod n~g canyáng
pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî
mag-alay sa m~ga española n~g tabaco at hitsô, at magpahalíc n~g
canyang camáy sa m~ga filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa
m~ga fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae,
caya't sinamantala niya ang paglagapác n~g isang pinggang nabasag
upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:
--¡Jesus! ¡Hintay cayó, m~ga indigno[26]!

At hindî na mulíng sumipót.
Tungcol sa m~ga lalaki'y nan~gagcacain~ga'y n~g cauntî.
Umaaticabong nan~gagsasalitaan ang iláng m~ga cadete[27]; n~guni't
mahihinà ang voces, sa isa sa m~ga súloc at manacanacang tinitingnan
nila at itinuturo n~g dalirî ang iláng m~ga taong na sa salas, at silasila'y
nan~gagtatawanang ga inililihim n~g hindi naman; ang bilang capalit
nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî n~g
pananamit, nan~gacatalicod camáy at dî umíimic ay nan~gagpaparoo't
paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo n~g salas,
tulad sa guinágawâ n~g m~ga naglalacbay-dagat sa "cubierta"[29] n~g
isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang
pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at
isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang
kinalalagyan n~g m~ga botella n~g alac at m~ga biscocho inglés[31].
Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang
pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na
napag-iwan sa escalafon[33] n~g Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya
nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.--Ang isá sa
m~ga fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at
maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa
tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa
Binundóc at n~g m~ga nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San
Juan de Letran[36]. Siya'y balitang "dialéctico"[37], caya n~ga't n~g
m~ga panahong iyóng nan~gan~gahas pa ang m~ga anac ni
Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan n~g catalasan n~g ísip sa
m~ga "seglar"[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man
n~g magalíng na "argumentador"[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad
siya n~g m~ga "distingo"[42] ni Fr. Sibyla sa mán~gin~gisdang ibig
humuli n~g igat sa pamamag-itan n~g sílò. Hindî nagsasálitâ ang
dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang m~ga pananalità.
Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò
n~g maínam magcucumpás. Bagá man sumusun~gaw na ang m~ga
uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas n~g canyang
malusóg na pan~gan~gatawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas,

ang canyang m~ga pagtin~ging nacalálaguim, ang canyáng malalapad
na m~ga pan~gá at batìbot na pan~gan~gatawan ay nagbibigay anyô sa
canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî
sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni
Heine[45] sa canyáng "Dioses en el destierro"[46], na nagdaraang
namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47]
cung "equinoccio"[48] n~g Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y
inilálagay n~g abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg
na cawan~gis n~g "hielo," na siyang sa canya'y pumupuspos n~g
panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá;
siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità,
tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y
ipinalálagay na banal at walâ n~g gágaling pa sa canyáng sinasabi,
kinacatcat ang sacláp n~g gayóng ugalî n~g canyáng táwang masayá at
bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang
pagpapakita n~g m~ga paang waláng calcetín at m~ga bintíng
mabalahíbo, na icakikita n~g maraming pagcabuhay n~g isáng
Mendicta sa m~ga feria sa Kiapò.
Ang isa sa m~ga paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás
at waláng íkinatatán~gì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing
hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na
tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng
pinakikipagmatuwiranan n~g franciscano.
--Makikita rin ninyó--ang sabi n~g franciscano--pagca pô cayó'y
nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá
ang mamahala n~g bayan n~g Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!
--N~guni't....
--Acó, sa halimbáwà--ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na
lalong itinaas ang voces at n~g dî na macaimíc ang canyang
causap--aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 223
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.