Noli Me Tangere | Page 3

José Rizal
ay nacacatulog ó nagdidilidili n~g m~ga paglagô n~g panahón.

May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling
ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti n~g
"arquitectong"[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y
cagagawán n~g m~ga lindól at m~ga bagyó, sino ma'y walang
macapagsasabi n~g tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y
cacapitáng culay verde, at nalalatagan n~g alfombra sa mumunting
panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc n~g pintuang
nalalatagan n~g "azulejos"[9] hanggang sa cabahayán, na ang
linalacara'y napapag-itanan n~g m~ga maceta[10] at álagaan n~g m~ga
bulaclac na nacalagay sa "pedestal"[11] na lozang gawâ sa China, na
may sarisaring culay at may m~ga dibujong hindî mapaglirip.
Yamang walang bantay-pintô ó alilang humin~gî ó magtanong n~g
"billete" ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa
akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw n~g tugtog n~g orquesta,
n~g ilaw ó n~g macahulugáng "clin-clan" n~g m~ga pingga't
cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang m~ga piguíng
doon sa Perla n~g Casilan~ganan. Cung sa aking caibigán lamang at sa
aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay n~g
calagayan n~g bahay; n~guni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang
caraniwan sa m~ga may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican:
hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó
tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang m~ga anyô n~g asal,
cawan~gis n~ga n~g m~ga pawican ang m~ga may camatayan sa
Filipinas.--Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng
malowang na tahanang cung tawaguin doo'y "caida"[13], ayawán cung
bakit, na n~g gabing ito'y guinagamit na "comedor"[14] at tuloy salón
n~g orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan
n~g marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa
"colado," taglay ang catamistamisang m~ga pan~gacò, at nagbabalà sa
matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, n~g dalawang
nacaiinip na oras sa casamahán n~g m~ga hindî cakilala, na ang
pananalita't m~ga pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba.
Namúmucod n~g di ano lamang sa m~ga ganitong handang sa mundo'y
nauucol, ang sumasapader na m~ga cuadrong tungcol sa religión, gaya
bagá n~g "Ang Purgatorio", "Ang Infierno," "Ang hulíng Paghuhucom",
"Ang pagcamatáy n~g banal," "Ang pagcamatáy n~g macasalanan," at

sa duyo'y naliliguid nang isáng marin~gal at magandañg "marco" na
anyong "Renacimiento"[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting
ayos at malapad na "lienzo" na doo'y napapanood ang dalawang
matandang babae. Ganitó ang saysay n~g doo'y titic: "Nuestra Señora
de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim n~g anyong
babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal
at bantog na si Capitana Inés"[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y
hindî nagpapakilala n~g "arte" at cabutihang lumikhâ, datapowa't
nagsasaysay naman n~g caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít
ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul n~g
canyang mukhâ; ang m~ga vaso't iba pang m~ga casangcapan, iyang
maraming m~ga natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay
doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí n~g
linálaman. Sa panonood n~g m~ga calagayang iyong umaakit sa
pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc n~g ucol sa paglasáp n~g
masasaráp na bagay bagay, marahil acalain n~g iláng may masamáng
isipan ang may-arì n~g bahay, na napagkikilalang magalíng ang
calooban n~g halos lahát n~g m~ga magsisiupô sa mesa, at n~g huwag
namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame
n~g maririkít na lámparang gawâ sa China, m~ga jaulang waláng ibon,
m~ga bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul,
m~ga halamang pangbíting lantá na, m~ga tuyóng isdáng botete na
hinipa't n~g bumintóg, at iba pa, at ang lahát n~g ito'y nacúculong sa
may dacong ílog n~g maiinam na m~ga arcong cahoy, na ang anyo'y
alan~gang huguis europeo't alan~gang huguis insíc, at may nátatanaw
namáng isáng "azoteang"[17] may m~ga balag at m~ga "glorietang"[18]
bahagyâ na naliliwanagan n~g m~ga maliliit na farol na papel na may
sarisaring culay.
Nasasalas ang man~gagsisicain, sa guitnâ n~g lubháng malalakíng
m~ga salamín at na n~gagníningning na m~ga araña[19]: at doon sa
ibabaw n~g isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na
"piano de cola"[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò n~g
mahalagá n~g gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog.
Doo'y may isáng larawang "al óleo"[23] n~g isáng lalaking makisig,
nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na
tagláy sa m~ga matitigás na daliring puspós n~g m~ga sinsíng: wari'y

sinasabi n~g larawan:
--¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî
tumatawa!
Magagandá ang m~ga casangcapan, baga man marahil ay hindî
maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî n~gâ ang
icaiilag sa sakít n~g canyáng m~ga inaanyayahan ang naiisip n~g
may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.--¡Tunay at cakilakilabot na
bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa m~ga
sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó n~g
ganyán!--itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.
Halos punô n~g tao ang salas:
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 223
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.