Nasawing Pagasa | Page 4

Angel de los Reyes
bagá paghiya?? ?Hindi, aking giliw, at ang aking puri ang nagugunita na baka kung ...? ??Kulang bang tiwala??
?Di lamang sa gayón,? ??Sa anó pang bagay?? ?Katungkulan naming magin~gat na túnay, at ang unang halík, ang katimbang noó'y sampu nitóng buhay sa pagka't daig pa, ang gawáng pakasál.
?Hindi bagá Osong?? ?Tapát ang turing mo, at ang pagkakasál ay pakitang tao; subali't ang halík, saksíng akin ikáw, at akó ay iyó, kaya itulot na; halina irog ko ...?
Iláng pang ??Ayaw ko!? at iláng ??Halina!? bago pinagusap ang labing dalawá; tumunóg ang halík; nilimot na yatang silá'y may hinin~gá na dapat malagót sa daratning dusa.
Hayán n~ga ang tuwang na~ghari sa puso n~g dalawáng yaóng isá sa pagsuyo, kaya ang paalam n~g ating binatang anaki ay biro: ??Sarili na kitá, búhay má'y mapugto!...?
[Larawan]
II
Nang isáng umaga'y sa pangpang n~g ilog ay may nakaupóng binatang malungkót: itó ay si Osong; kanyáng inaalíw ang dusa n~g loób sa pagkákawalay kay Tuníng na irog.
At ang naglalaro sa kanyáng isipa'y ang dilág ni Tuníng na gayón na lamang, minsáng mapadagok; minsáng mapan~giti at ipinagsaysay: ??Oh, anóng gandá mó, aking paraluman!...?
Subali't nabigláng nabakás ang lungkót sa masayáng mukháng nagulap n~g lubós: ??Ay, palad na sawi!... ?Oh, buhay n~g dukha!...? sunód na himutók, ?sa dusa ni Tuníng, ikáw ang managot ...
Kung akó'y mayama't sagana sa pilak tatanuran siyá sa baníg n~g hirap, hanggáng sa sumilang n~g lubháng hinahon ang unang bulaklák n~g aming pagsintáng dalisay at wagás....
?Ay, Tuníng kong irog, di ko kasalanan na sa iyóng dusa'y di ka madamayan; ang karukhaan ko, ang dapat sisihi't dapat managutan at oh, anóng sakláp, dustáng kapalaran ...?
Sandalíng tumigil at kanyáng námalas ang dalawáng ibong naba sa bayabas, na sabáy umawit; yaóng kanyáng dibdib ay halos mawalat sa pananaghili sa ibong mapalad.
Saká nang magsiping n~g lubháng payapa m~ga titig niyá'y di tumagál yata't mulíng naghinagpís: ?Mapalad pa siláng may ganáp na laya at hindi gaya kong may sumásansala ...
At kahi't mán silá'y walang pagaari ginapas namá'y pawáng luwalhati; dí gaya n~g taong ang binabaníg má'y maraming salapi ay lumuluha rin n~g dusa't pighati.
At ?anó ang yamang sadyang hinahanap sa akin n~g amá ni Tuníng kong liyág? ?isáng talinhaga! at di niya talos: sa Sangmaliwanag ang puri n~g tao, ang mahál sa lahát.
Hangád niya'y pilak, kahi't man~gulimlim ang dan~gál ni Tuníng na sinta ko't giliw; wala sa gunitang lalong mahalagá sa yaman mang alín ang dan~gál n~g tao kung lubháng maningning.
?Oh, taksíl na pita sa dan~gál at yaman, ang nililikha mo'y laksang kamatayan; kung hindi sa iyó, disi'y kapiling ko si Tuníng n~g buhay at kasalosalo sa pinggán n~g lumbay!...
?Oh, buhay n~g buhay, Tuníng ko at lugód... na sa karukhaan, ang sukal n~g loób na ating sinapit; libong kamataya'y masaráp pa irog huwág lang mariníg ang iyóng himutók!...
Palasóng may lason ang nakákaanyo n~g dusang sa dibdib n~gayó'y pumapako, tuwing mabúbuklát sa aklát n~g isip ang pagkasiphayo n~g banál na layong núnukál sa puso.
At magmulá rito'y aking nakikita sa baníg n~g hirap ay nagiisa ka; waláng dumadamay, at kung pumapasok ang mahál mong amá sa iyóng pagdaíng ang tumbás ay mura.
Naririníg ko ring kanyáng inuulit ang pagalipusta sa palad kong amís: ?sa aba n~g dukha!... at nananariwa sa puso ko't dibdíb ang pagtabóy niyáng kapaita'y labis.
At námamalas ko, ang lubháng masakláp, luhang mapapaít sa matá mo liyág, di anóng gagawín sa itó ay utos n~g masamáng palad pawang pagtitiís ang gawíng kalasag.
Ibalita lamang sa tapát mong giliw kung makaraan ká, sa gabíng madilím, upang matalós ko kung ano ang bun~ga n~g pagsinta natin at kahi't malayo'y kapalaran ko rin.
At kung napapako ikaw sa dalita higit pa sa riyan, itong umaaba sa tapat kong puso, at ang bawa't patak n~g perlas mong luha ay timbang n~g buhay kung manaw sa lupa.
Dito napahinto't kanyang napanood yaong isang kaban na tan~gay n~g agos, at pinagsikapang iyahon sa pangpang n~g upang matalos na baka may lihim doong natutulos.
At ?oh, anong gitla nang kanyang mamasdan na bangkay n~g isáng bagong kasisilang!... tuman~gis ang puso; nagluksa ang dibdib at ipinagsaysay na: ??Baka n~ga itó, ang anak kong hirang!?
Kanyang ikinubli doon sa pangpan~gin, pumasok n~g bayang may in~gat na lihim at nakibalita; sa tinanongtanong ay kanyang nalining na ?itinapon n~ga ang anak ni Tuning!...
Lalong nagibayo, lagablab n~g poot, ang daing at sumpa'y di malagotlagot ??Inang walang puso, Tuning na nagtaksil sa anak n~g irog dapat kang mamatay, dapat kang matapos!
Diyata't masarap sa puso'y matamis anak mo'y pataying sa ilog ihagis, maturan na lamang ikaw ay dalagang may puring malinis, nang upang giliwin n~g bagong ninibig.....
?Oh, taksil na sinta! ?pusong magdaraya! ?oh, han~gad sa yaman! ?inang walang awa! pananagutan mo, sa harap n~g Diyos ang masamang gawa't may araw din naman kaming mabababa!....?
At kanyang hinagkan ang bangkay n~g bunso kasunod ang patak n~g luhang natulo, ??Oh, sawi kong supling!.... ?di ko kasalanan ang pagkasiphayo managot ang iyong inang walang puso!...?
At kanyang kinalong n~g hanggang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code

 / 11
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.