sa bayan upang ipakuha n~g isang larawan; subali't ang loob ay di mapanatag kahi't bahagya man; ang daing at sumpa'y walang katapusan....
[Larawan]
III
Sa ilog ding yaon na kinasagipan ni Osong n~g kanyang bunsong minamahal, ang magamang Tuning minsan ay nagaliw sa masayang pangpang na siyang sumaksi sa lihim n~g buhay.
?Talusin mo irog? ang turing n~g ama, ?sa panukala ko, kung hindi nayag ka, disin hanggang n~gayo'y lumalagok ka pa n~g luha n~g dusa at di lumalasap n~g m~ga ginhawa.
?At di mo ba tantong sa buhay na ito: salapi, salapi, ang Diyos n~g tao? ?Bakit ka iibig sa han~gal na Osong na dukhang totoó gayong may mayamang iirog sa iyó??
??Ama ko! ?ama ko!? ang saad ni Tuning, ??kay inam n~ga pala n~g inisip natin! salamat Diyos ko at ang mayayamang ninibig sa akin ay hindi natalos ang nangyaring lihim ...?
??Talaga! ?talaga? ang sa amang tugon, ?daig ang nagtiyap n~g pagkakataon, ?at aling pan~gahas dilang sinun~galing magsasabi n~gayong ikaw ay naglaho sa tangkay kahapon?
Para din n~g dati ang tindig mo't bikas, katutubong ganda'y lalo pang tumingkad; pagmasdan mo iyang halamang nilikha n~g Hari n~g lahat, pawang yumuyuko sa taglay mong dilag.
Sa mabining agos ikaw ay makinig may ibinubulong na masayang awit, saksi n~g paghan~ga sa iyong himalang inimbot na dikit na waring pinilas sa ganda n~g lan~git.
N~guni't ?anong saklap sa puso ko't buhay ang kataasan mo kung iyaagapay sa piling ni Osong! ?masarap pang ako ay magpatiwakal! ?oh, Tuning! ?oh, Tuning!? at siya'y papanaw.
Pinigil n~g bunso: ?Amang pinopoon, ako'y kaayon mo sa dakilang layon, at isinusumpang lilimutin ko na ang han~gal na Osong at ako'y dalaga na naman sa n~gayon ...?
Sila ay nagyakap at siyang tumunong ang halik n~g ama, at halik n~g irog; sigabo n~g tuwa ay hindi magkasyang sa puso manulos kaya't napatabi, ang panglaw, ang lungkot ...
?Saka magkaakbay silang nagsilakad sa dukhang tahana'y nagtuloy umakyat; mahiwagang ilog na nilisan nila'y bago humalakhak na waring inuyam ang nangyaring usap.
IV
Bagong namimitak sa kasilan~ganan liwayway n~g araw, batbat n~g katwaan, yaong m~ga ama nagsisikilos na't nan~gagtutulinan sa pagtuklas noong pangtawid sa buhay.
Sa gitna n~g parang namá'y namukadkad ang hinirang ban~gong magandang bulaklak at isinusuob sa gintong liwayway n~g bagong ninikat nagsasayang araw sa bayan kong liyag.
Ang napanaginip n~g m~ga bayani na tadhanang araw sa lahi kong api, wari'y sumisilang n~g sandaling yaong lahát ay nagwagi at pawang naawit n~g m~ga pagkasi.
Sampung m~ga ibong payapang magdamág ay iniyunat na ang kaniláng pakpák; sandalíng dumalit bilang isang bati sa nagharíng galák na sinasayawan n~g palundaglundag.
Tinig n~g batin~gaw ay sa Konsepsiyón noó'y nagbalita na may kasal doón; sa bibig n~g madla narinig n~g lahat ang kasál na yaón di iba't kay Tuníng na lan~git ni Osong.
N~guni't ?sino kaya ang lubhang mapalad na makikisumpa sa dambanang harap? at ?si Osong kaya? ?oh, hinding hindi n~ga't isang taong pantas na kinasilawan sa bunton n~g pilak!...
Ito'y si Ruperto na tukod n~g yaman kung kaya nasilaw si Tuning na hirang; kanyang kinalakal pagibig at buhay; puri at katawan na sampu n~g ama'y nakiayon naman.
Wala n~ga sa isip n~g sandaling yaon ang pinan~gakuang binatang si Osong at kahi't bahagya wala sa gunita ang nasawing sanggol na tunay mang anak ay ipinatapon.
?Inang walang awa, pusong salawahan sa tunay mong supling di ka na nahambal!..... ?m~ga kulang palad!... ?oh ang nililikha niyang kayamanan! at ?oh, ang babai, kung siyang masilaw!...
Huwag nang lin~guni't bayaang tuman~gis ang pusong dinaya n~g Oong matamis, mahalin mo lamang ang naging bulaklak n~g iyong pagibig at dakila ka rin sa matang nagmasid.
Sa pagka't ang inang walang pagmamahal sa tunay na supling na sa puso'y nukal, daig pa ang hayop, na lubhang malupit, marun~gis ang asal n~guni't kung sa anák ay handog ang buhay.
At makalilibong masarap sa malas ang isang dalagang sa tangkay nagulap di gaya n~g isáng babaing magtapon sa ilog n~g anak bukod sa may dun~gis, sumpaan n~g lahat ...
Subali't ang lahat, di man sumagimsim sa diwa at puso n~g magandang Tuning, natan~ging nagdiwang sa kanyang isipang naglayag sa aliw na ?siya'y yayaman kay Rupertong piling.?
Sampu ni Ruperto'y di kaya ang lugod sa pagka't kakamtan ang aliw n~g loob; boong pananalig: ang kanyang si Tuning ay piling alindog at wala pang dun~gis sa n~galang pagirog.
Kapwa may ligaya ang magkasingpalad; dalaga'y sa kintab at tunog n~g pilak, at ang isa nama'y sa boong pagasang ang ligayang han~gad, sarilingsarili't ang pagsinta'y tapat ...
Kasiyahang lubos ang siyang umawit sa puso n~ga nilang hindi matahimik; sa boong lansan~gan, pinahan~ga nila, bawa't makamasid n~g pagtatagumpay noong si pagibig.
Kapag salapi n~ga ang siyang nagutos ay payayanigin itong sangsinukob, at sa pagka't kasal n~g isang Rupertong sa yaman ay bantog kung kaya ang handa'y di masayodsayod.
Papanhikang bahay ay sakdal n~g dilag at sa palamuti'y natatan~ging agad; palibhasa'y yaman, ang siyang naghari, ang siyang nagatas kaya nagigitla panauhing lahat.
Lalo n~g dumating yaong bagong kasal hiyas na ginamit sa yaman ay sakdal; ??Maligayang bati!? salubong n~g lahat
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.