kasuklám-suklám na nagíng bun~ga n~g kasabikáng itó sa pilak ay ang pagkatapon n~g anák ni Osong, ang binatang unang inibig ni Tuníng, pinaglagakan n~g boo niyáng pagkábabai at hanggáng sa nagbun~ga pa n~ga. Datapwa't kay Tuníng, ay nagíng bula ang salitang puri at katapatan sa haráp n~g yaman ni Ruperto, kayá't dito siyá napakasál sa wakás, gayóng si Osong ay di namán tumatanggi sa pagtupád n~g kanyáng tapát na pan~gakó at wagás ná pagibig.
Si Osong na parang sinasakal n~g m~ga daliring bakal ay hindi nakatiis at nang araw n~g pagkakasál ay nagdamít-pulubing naparoón sa bahay n~g kasayahan nilá Tuníng at ni Ruperto na dalá ang larawan n~g kanyáng bunsóng na sagíp sá ilog, at nang makita ni Tuníng na yaón ang kanyáng anák ay hinimatáy na bigla, bago humingí n~g tawad kay Osong at hanggáng sa nalagót ang hinin~gá. Samakatwíd ay oo't nagsisi n~gá si Tuníng kayá't humin~gí pa n~g tawad sa pinagtaksilán niyáng binata, subali't dí dahil dito'y hindí siyá matatawag na babaing salawahan at tampalasan lalo pa't isasagunita ang pagkákatapon sa tunay na dugó n~g kanyáng pusó.
Kung ang gayóng ginawá n~g babaing ito'y oo't napatatawád n~g Diyós, sa m~ga tagá-lupa'y waláng makapagpapatawad marahil.
Sa haráp n~g ganyáng paglálarawan n~g kaibigan ko, ay labis niyáng ipinakilala ang lubós na kabagsikán n~g salapí na waláng dí naituturó sa tao, pati n~g lalóng kasamasamaan.
Subali't ?ang han~gád kayá n~g mahál kong kaibigan sa paglalarawang itó n~g nakáririmarim na ugalí ay upang pulutin namán itó n~g m~ga mambabasa?
Kayóng tumútungháy n~gayón ang makásasagót, at kayó rin namán ang dapat makábatid sa túnay na layon n~g ?NASAWING PAGASA!
Gayon man ay sasagot din ako n~g para sa akin.
Ang mithí n~g aklát na itó ay walá n~gáng ibá sa warí ko, kundí ang turuan ang m~ga dukhá sa pagpapakáran~gal sa kaniláng sarili, sapagkát kung ang m~ga dukhá'y maran~gál, kung ang lahát n~g dukha'y hindi nagbibili n~g puri ni napaaalipin sa salapí, ang m~ga mayáyaman ay hindí maaaring magpákatayog-tayog na para n~g madalás nating mapánoód n~gayón.
Ang isinasamá n~g m~ga mayayaman ay na sa mahihirap, at ang isinasamá n~g isáng pamahaláan ay na sa pinamamahaláan dín. Iyán ang m~ga katótohanang kailán má'y dí magkakabula at dapat dasalín n~g bawá't tao; katótohanang aywán kung kanino ko unang nadiníg o nabasa at n~gayo'y inankín ko na tulóy pagka't nakilala kong tapát.
Kayá n~ga, m~ga mambabasa, upang makinabang ang kumathá nitóng ?NASAWING PAGASA! sa kanyang m~ga ginugol na pagod sa pagsulat n~g kasaysayang itó ay pagaralan sana ang huwág magbilí n~g puri at isagunitang na sa kupurihán ang tunay na halagá n~g tao at wala sa kayamanan.
Kung magkakagayón, siyá at akó'y maghahandóg sa inyó n~g masaganang pasalamat, palibhasá'y siyáng túnay na adhiká n~g tapát kong katoto.
Amado Jacinto.
Malabón, Rizal, 1912.
?NASAWING PAGASA!
Kasaysayang Tagalog
Dahil sa kagahulán sa panahón at dahil sa kakula~gan pa sa n~gayón n~g m~ga gagamitin, ay hindi nasunód ang m~ga t u l d í k na nasa orihinál.
?Nasawing Pagasa!
I
Mapangláw ang lahát, ang gabí'y tahimik at ang buwán noóng dapat nang sumilip, nagtatago pa rí't sa sangkatauhan ay nagmámasun~git bitui'y gayón dín at nakíkiwan~gis.
Ni isáng himutók walang mapakinggáng sukat gumambala sa katahimikan; ?oh, ang aking lahi!... payapangpayapa sa kanyáng hihigán habang nawíwili ang m~ga kalaban.
Huni n~g kuliglíg, tinig mán n~g ibon ay kapanglawan dín, dinadalit noón; m~ga makata mán, siyáng tinutula n~g sandalíng yaón ang sun~git n~g pangláw, lagáy n~g panahón.
Anó pa't ang lahát ay yapús n~g lumbáy hihip mán n~g han~gin, mandi'y palaypalay; habagat má'y salát at pawáng dalita, ang balitang tagláy na kung pakikinggán ay taghóy na ?ay!... ?ay!...
Subali't sa isáng maralitang dampa sa bayang Malabóng saksí n~g pagtula: nagáalimpuyó, ang lugód, ang sayá, ang galák, ang tuwa sa piling n~ga noóng dalawáng nunumpa.
Itó ay si Tuníng na piling alindóg kapiling n~g kanyáng tan~gíng iníirog, pan~gala'y si Osong na lipi n~g dukha't di lahing matayog at binatang Udyóng na ulilang lubós.
Payapa n~gá silá, sa pagkákaupo siyáng ináani; galák n~g pagsuyo, pinagúusapan, ang ikárarangál n~g kaniláng puso na ganitóng saád nang minsáng mahinto:
?Kay damot mo namán,? kay Osong na sabi, ?isáng halík lamang, itulot mo kasi, nang ako'y maalíw at nang magkaroón n~g isá pang saksí!...? ??Ayáw ko! ?ayáw ko!...? kay Tuníng na tanggí.
??Halina irog ko!? ??Ayaw ko! ?ayaw ko!...? ??Diyata't ayaw ka?? ??Talagáng totoó!? ??Halina! ?halina! ?isáng halík lamang!...? ??Kay ulitulit mo!? ??Isáng halík lamang!...? ??Tawad ko sa iyó!?
??Ah! at iyán bagá, ang lagi mong turing na lubháng dalisay pagibig sa akin ... ?Ikáw ang bahala!... kung natuto akóng sa iyó'y gumiliw magisá sa dusa'y matútutuhan din ...?
??Nagtampó na namán!...? ??Sino bagáng puso ang makababatá n~g asal mong liko?? ??Huwag kang magalit! ang ginagawa ko, ay m~ga pagsuyo ...? ?Pagsuyo sa iyó; sa aki'y panghapo ...
Ikáw ang bahala, ako'y mapagtiís at ipatay mo mán ang lahát n~g sákit ay tatanggapín ko; n~guni't ang hiyain, ang isáng ninibig libong kamataya'y labis pa n~g tamís ...?
??Hiniya ba kitá? ?Di ko ginagawa!...? ??Ginaganáp n~gayó'y di
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.