sa ulo?
--?Kung ayaw kang magpahirám ay huwág! ?Kay dami mong rekubeko! ?Pag ikáw namán ang nanghirám sa akin, ay tatawagin kitá n~g TUSO, pagka't para mo ríng tinuso ang kuwartang ibinilí ko, na nabasa mo ang aking binayaran n~g di ka nagkagastá!...
Ganyán ang taltalan n~g dalawáng magkaibigan, kaya't ikáw na bumábasa, upang huwág tawaging TUSO ó MASAMANG KRISTIYANO, ay bumilí ká n~g m~ga kasaysayang: "?HALINA SA LA?GIT!" ni Gat-Dusa: "?SAWíNG PAGASA!" ni Bb. Francisca Laurel; "?DUWAG!" ni Gerardo Chanco: "LARAWAN ?G PAGIROG" ni Simplicio Flores: "SA TABI ?G BA?GIN" ni José María Rivera; "?IMBING KAPALARAN!" ni Angel de los Reyes; "TADHANA!" ni Democrita P. Antonio; "?WALANG DIYóS!" ni Honorato de Lara: "?PARUSA ?G DIYóS!" ni Angel de los Reyes; "MGA ANAK-BUKID" ni Ros. Almario; "PA?GARAP ?G BUHAY" ni Simplicio Flores; "?ENCHANG!" ni Honorato de Lara; at "?KRISTONG MAGDARAYA!" ni Angel de los Reyes.
?SINO ANG NATUMPáK?
Kayó nga ang humatol
Si Petra at si Petring ay magkapatíd. Minsáng nalálapít ang Paskó, ay binigyán silá n~g kaniláng amá n~g muntíng halagá upang magugol sa dakilang araw. Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi n~g isáng hikaw, at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw.
Dumatál ang araw n~g paskó, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawán ang dating mag-kákaulayaw. Sa dampa n~g magkapatíd ay mayroón díng m~ga panauhin. At ?anó ang naisalubong ni Petra? ?Naipagparan~galan bá ang kanyáng hikaw? ?Hindi! Subali't si Petríng ay naipagmalakí niyá ang kanyáng m~ga aklát at tan~ging nakápagsabing "Mamiyang hapon na kayó umuwi at tayo ay magbasá nitóng masasaráp na kasaysayang bagong labás..."
Kayóng bumabasa nitó, ay inyóng hatulan kung sino ang natumpák: ang hiyás na nagagamit n~g isáng tao lamang ó ang aklát na pakíkinaban~gan n~g marami ang lalong mahalagá, Kauntíng pagkukuro ang inyóng papaghariin. Tutupín ninyó ang inyóng m~ga puso at siyáng magsasabing: mahalagáng pagaari ang m~ga aklat kay sa hiyás na nawawala.
Sa tahanan n~g isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; n~guni't sa tahanan n~g isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y magipon kayó n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa m~ga pantás.
SA KINAúUKULAN
?Maaliwalas ang daan ko!
Suriin natin ang ugali n~g umanó'y m~ga bantóg at pahám na manúnulát. Ayaw siláng makariníg na mayroóng makata; ayáw siláng makakita na mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nilá ang pula, lubha pa't isáng maliít ang sumulat. Sasabihing iyán ay mali, walang kabuluhan; at sayang lamang ang ipinagpalimbág. Palalo at pan~gahás ang gumawa niyán, huwág na di masabing siyá ay autor.
?Kaawaawang m~ga manúnulát!
?At silá daw ay m~ga kawal sa pagpápalaganap n~g wikang tagalog! Kung sa habang panahón ay ganyán ang aasalin nilá, ay sumpa n~g bayan ang kaniláng maáantay. Sa kaniláng pakikipagkapwa ay doon lamang uusbóng ang pagmámalasakitan n~g m~ga makatang pilipino, na, tan~ging daan n~g ikátatanyág n~g masaráp na wika ni Balagtás.
Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at bubulyawán kong: ?Maaliwalas ang daan ko! ?Nakikita ko ang aking nilálakaran! ?Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan ang inyóng ilaw! ?Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá pá! ?Mura mán ang aming m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan!
PAN~GUNANG SALITA
NI AMADO JACINTO
PAN~GUNANG SALITA
Ang munti kong kaya at maiklíng pagkukuro ay minarapat n~g mahál kong kaibigang Angel de los Reyes na magbigáy n~g Pan~gunang Salita dito, sa kanyáng bagong aklát na maliit, na noóng araw ay napalathala na sa páhayagang "ANG DEMOCRACIA;" at kung bagamán tinawag ko n~gayon n~g bagong aklát ay sapagka't n~gayón lamang naipalimbág at di na paputól-putól.
Walang alinlan~gan akóng nayag sa hilíng n~g aking kaibigan, nan~giti ako n~g lihim n~g ito'y sabihin niyá, at naibulong ko sa sarili na siya'y sadyang matalino sapagka't totoóng maalám na magbagay-bagay: nababatid niyáng sa isáng maiklíng aklát, ay isá namáng maiklíng isip na lamang ang dapat mag-ukol n~g m~ga palagay at paghahaka. At dahil diyán, ay sisimulán ko ayon sa makákaya, ang paglalahad n~g aywán kung tumpák na aking m~ga pagkukuro tungkól sa kanyang katháng itó.
Sa ganáng akin, ang mátutunghayán n~gayón n~g m~ga mambabasa ay isáng aklát na mainam, isang aklát na dapat bigyán n~g papuri, hindi dahil sa itó'y nakáwiwili lamang basahin kundi alang-alang pá sa wagás at maníngníng na damdamin n~g kumatha: ang maalab niyáng nasang ang dukha ay igalang at masugpu ang ugaling hanggáng n~gayon ay umiiral pa sa ibá, at kung minsán ay sa dukha rín, na inuuna ang salapi bago ang lahát; minámahál na higít sa puri, sa dan~gal, sa katungkulan at wastong ugali.
Ganyáng-ganyán ang asal na makikita natin sa mag-amá ni Tuníng sa Kasaysayang itó, na bagamán mahirap ang búhay, nang mahulí ay ayaw na silá sa kapwa nilá mahirap at ang ibig ay ang mayaman, dahil sa may nakápan~gibig lamang na isang masalapi kay Tuníng at ito'y si Ruperto. At ang
Continue reading on your phone by scaning this QR Code
Tip: The current page has been bookmarked automatically. If you wish to continue reading later, just open the
Dertz Homepage, and click on the 'continue reading' link at the bottom of the page.